#LITHCLito
Ngayon, nakita ko na si Kimberly.. Andoon siya nakatingin sa akin, hindi na ako nag-patumpik-tumpik pa kaya naglakad na ako papunta sa kanya.
"Hey!" Bati sa akin ni Kimberly, "kamusta ka?" Tanong nya sa akin.
"Ah ok lang naman, may sasabihin pala ako."
"Ano?!"
"Ibinalik ko na ang libro kay ate Diane." Nagulat siya sa aking sinabi.
"Ano??!! Bakit mo naman ginawa 'yon mahalaga kaya 'yon!" Parang nagagalit na sabi nya sa akin.
"Kaya nga, pero hindi ko na kailangan 'yon dahil sabi ko sa kanya na hindi ko na kailangan 'yon dahil wala naman akong kalaban na, at saka tapos na ang lahat at wala na tayong problema. So, we are live happily ever after." Sabi ko sa kanya.
"Sabagay, hindi naman tayo niloloko ni Abby e, she say the truth, and wala naman si Devil Alfred so we are safe. Hindi siya totoo."
"Tama!" Puri ko sa kanyang sinabi. Parehas lang pala kami halos ng iniisip, "so? Kakausapin mo na ba si Marco?"
"Oo, hindi, ewan! Di ko alam."
"Hala! Bakit naman?" Nagtataka kong tanong sa kanya dahil sa sinabi nya.
"Dahil hindi ko alam kung makikipag-break ako kay Marco, ewan ko e. Gusto ko naman din sya siguro hindi na."
"Pero kailangan mong makipag-break up sa kanya para walang gulo ang mangyari sa susunod pa." Suway ko sa kanya.
"Gusto ko din naman siya e."
"Kung ipagtapat mo na sa kanya ang totoo!" Natigilan siya sa sinabi ko.
"Hindi ba usapan natin hindi muna? Kaya huwag natin siyang lituhin."
"Hindi ba usapan naman natin na makikipag-break up ka sa kanya para naman mas maayos ang lahat?!" Pangbabawi ko sa kanya.
Naglakad siya ng tatlong hakbang kaya humarap nanaman ako sa kanya, "Mas masasaktan siya kung malaman nya ang totoong dahilan kung bakit ako nakipag-break up sa kanya. Malaking gulo 'yon!" Ang gulo!!
"Hindi ko alam! Ewan! Bahala ka kung sasabihin mo sa kanya ang dahilan!"
"Excuse me! Huwag na lang kaya ako makipag-break up sa kanya para wala ng malaking gulo? Oh diba! Brilliant idea!" Pero hindi pa din.
"Kaso! Niloloko natin si Marco!" Naiirita ko ng sabi.
"Paanong niloloko?! E wala naman akong kabit ha? Bakit meron ba akong lalaki?! Lumalandi ba ako?! Alam mo dati lang 'yon hindi ngayon dahil seryoso ang nararamdaman ko kay Marco at hindi playtime!" Sumbat nya sa akin na para bang may mali sa sinabi ko? Sa totoo lang siya nga 'yon!
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...