Chapter IX

712 22 14
                                    

#LITHCKambalKaribal


"Kamusta ka na diyan Anak?"

"Ok lang po mama, ayos naman po ako dito sa condo. Okay naman po dito." Masaya kong pagkakasabi sa kanya.

"Okay buti naman, nandito na din ang tita't mga pinsan mo. Ingat ka diyan anak ha! Bye!"

"Sige po ma. Bye! Ingat!" Binaba ko na ang phone ko.

ΠDevil AlfredΠ

"Khen! Humanda ka sa'kin!" Ramdam kong lumiliwanag na ang mata ko, "lapit kotse! Lapit!!"

Lumapit sa akin ang kotse na kulay dilaw, nakita kong tumalon ang driver. Inihagis ko siya gamit ang kapangyarihan ko sa mga bangketa. Sigawan ang mga tao dito at takot na takot na sila.

"Bakit nakalutang ang kotse doon?"

"Baka may multo."

"ARRRRKKKKKKHHHHH!"

Hindi na ko nagdalawang isip kaya inihagis ko na 'yon sa kapatid kong mayabang, dapat lang sa kanya 'yan! Dapat lang siya mamatay.

"Hala si kuya! Kawawa!!"

"Oo nga! May naghagis ng kotse."

"Ang tanong sino? Hindi naman natin nakita."

Naglaho na ako at nagpunta na dito sa condo. May sarili akong unit dito, dito sa hindi na inuupahan na unit. Sa susunod lang ako maghahasik ng lagim. Bwahahhahaha!

Mamatay ka na sana Khen!

ΠShaneΠ

Tumunog ang cellphone ko at agad ko naman iyon tinignan.

-Jay-
Magpunta na daw kayo dito sa hospital, may kailangan tayong operahan. Ako, ikaw, si Marco, si Mike at si Master Dan. Tayong lima lang daw ang mag-opera.

"What? Kami ang napili? Kabago-bago pa lang namin sa hospital na 'yon mga dalawang linggo pa lang? Kami agad?" Bulong ko sa sarili ko.

"Shane? May sinasabi ka ba?" Napalingon ako kay Marco dahil narinig niya pala iyon.

"Wala! Nagtext si Jay sa akin! Kailangan na daw nating mag-punta sa hospital dahil may kailangan tayong operahan!" Napatayo siya sa sinabi ko.

"Mamayang 10AM pa ang pasok natin ah? Maaga pa its already 7:06AM."

"Basta! Pumunta na daw tayo doon dahil kailangan tayo!"

Nandito na kami sa hospital ng tumatakbo.

"Mukhang nagmamadali kayo ha?" Sabi ni nurse Andy pero hindi namin siya pinansin dahil sa nagmamadali na kami.

Ngayon, nandito na kami sa office ni Master Dan, I want to find out a reason for Master Dan kung bakit niya kami pinatawag, nakakapagtaka lang kasi. Kasi bago lang naman kami at kami ang pinatawag para mag-opera. Siguro may dahilan si Master at for experience na din. Pero kinakabahan pa din ako eh.

"Mabuti na lang nandito na kayo! Oh tara na magsimula na tayo." Yaya ni Master Dan at umalis na kami.

Naghugas kami ng kamay bago pumunta sa operation room.

"Sino po ba 'yong ooperahan natin Master? At bakit kami napatawag niyo?" Tanong ko.

"Dahil alam kong karapat dapat na kayo kasi nakikita ko sa inyo na magaling kayo.. at saka ang ooperahan natin ay si Mr. Khen Gejada." Nagulat kami ni Marco sa sinabi ni Master.

"Ano po?!" Sabay naming tanong na gulat ni Marco.

"Ano pong nangyari sa kanya?" Tanong ko naman.

"Nabagsakan siya ng kotse kaya naapektuhan ang kanyang braso, nabali at hindi lang nabali dahil naapektuhan din ang kanyang kaliwang mata kailangan lang nating tanggalin ang mga bubog doon, tapos na siyang i-x-ray kaya ready ng operahan siya, kailangan natin 'yon maagapan. Ano tara na!"

Nagkatinginan kaming lahat at nag-tanguan sabay takbo kaagad sa operation room, nakatanggal ang lahat ng nakakabit sa amin, meron kaming mask tas takip sa ulo. Tinurukan na siya ng anaesthesia sa braso at sa gilid ng mata.

"Ano ready na kayo?" Tanong ni Master.

"Opo! Fighting!" Sabay sabay kong tanong.

Nag-umpisa na kaming mag-opera, kinabahan ako dahil biglang binaliaan uli ni Master Dan ang braso ni Prof. Khen, kinakabahan ako baka mapano si Prof.

"Go! Shane kaya niyo 'yan! Support ko kayo lahat!" Napalingon ako sa nagsalita na 'yon. Ngumiti siya sa akin at nag-good sign. Kinakahaban pa din ako. Pero alam kong malalagpasan namin 'to. Kaya naman ni Master Dan ang mga mechanics kung paano mag-opera ng mga ganyan.

"Shane? Sino tinitingnan mo diyan?" Napatingin ako kay Marco.

"A-ah w-wala. Sige na ituloy na lang natin." Lumingon ulit ako kay Shane at ngumiti siya sa akin.

Nilagyan ni Master Dan ng semento ang braso ni Prof. At kami naman ginagamot ang iba pang sugat ni Prof para hindi mainfection.

"Tapos na ko, sa mata naman tayo." God! Hindi ko na makakaya.

Iniabot ko kay Master Dan ang klase ng tweezer na pampatanggal sa mata. Habang tinatanggal ni Master Dan ang kaliwang mata ay may tumutulo na ng dugo. Hindi ko na nakakaya!

Tuluyan ng natanggal ni Master Dan ang kaliwang mata ni Prof. nakita namin ang daming bubog sa kanyang mata. Ganyan pala ang hitsura ng mata.

Tinanggal ang mga bubog sa may mata niya gamit ang tweezer na panggamit sa mata.

Pagkatapos matanggal lahat ng iyon ay nilinis namin ang mata niya bago tuluyang ipasok ang mata niya sa loob.

Hindi basta basta naiibabalik ang ating mata sa loob.

"Success, temporary lang na hindi siya makakita dahil sa dami ng bubog niya. Napakadaming sugat sa loob ng kanyang mata kaya medyo matagal tagal ang paggaling pero makakakita pa din naman siya."

Ngumiti na kami sa isa't isa lahat. Makailang sandali ay inilipat na namin siya sa private room.

ΠDevil AlfredΠ

"Bwisit bakit nabuhay pa din siya? Walang hiya kayong mga doctor kayo!"

Ginamit ko ang kapangyarihan ko para iparating sa doctor na nag-opera kay Khen, hindi dapat nabuhat si Khen sasapi na sana ako sa kanya! Bwisettttt!!!

ΠShaneΠ

"Ok na siya, tara na labas na tayo." Yaya ni Jay.

Habang papalabas kami may nakita akong itim na usok na lumilipad papunta dito sa loob, umiwas siya sa akin pero papunta siya kay Master Dan.

Tumakbo ako papunta kay Master Dan at hinarangan ko ang itim na usok na papunta sa kanya sa hindi inaasahan natumba bigla ako.

"Shane!" Tanging yun na lang ang narinig ko, ang sigaw nilang lahat kasama si Abby at hindi ko na alam lahat ng mga nagyayari.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon