#LITHCBigo
"Ano??" Sabay na naming tanong ni Kimberly sa kanya.
Oo nga pala't mayroon siyang kakayahan sa lahat. Kaya niya 'ding mag-teleport o di kaya makakita ng isang mataas na multo na di nakikita ng ibang may third eye.
Binulungan niya kaming dalawa. Pagkatapos niya kaming bulungan ay binuka niya ang palad niya.
"Ihipan niyo. Pero 'yung hipan na 'yon ay dapat may kasamang dasal o kung ano ang gusto niyong sabihin sa hipan na iyon. Parang iyong hiling."
Sabay naming hinipan ang palad ni ate Diane, laking gulat namin ay lumiwanag 'yon at may lumabas na usok na kulay violet at pumasok ito sa unit ni Abigail.
"Sigurado ako na makikita na ni Marco ang katotohanan, at maniniwala siya sa inyo na kayo ang nagsasabi ng totoo." Nakangiting sabi sa amin ni ate Diane.
"Salamat ate Diane sa tulong mo at ngayon panatag na ang loob kong mabawi ko ang katawan ko."
ΠMarcoΠ
Napapikit ako dahil biglang sumakit ang ulo ko, hindi ko alam kung bakit biglaan na lang sumakit ang aking ulo. Siguro sa puyat lang ata 'to or sa trabaho o di kaya sa pag-gym.
"Marco, ok ka lang ba? Wait dyan ka lang kukuha lang ako ng tubig."
Nagkataong nakadilat na ako saka na lamang siya umalis sa harapan ko para kumuha ng tubig.
Napansin ko din na parang nagiba ang boses niya. Siguro napapraning lang ako dahil sa nahihilo ako. Nadidileryo lang ako. Nagkibit balikat na lang ako sa sarili ko upang hindi na isipin ang mga iyan.
Lahat pala ng tanong ko sa kanya na kung siya nga ba ang may pakana nung pag-utos kay Emmanuel upang pasabugin ang aming bahay hindi pala siya. Nagkamali kami, totoo nga't nagbago na siya at hindi na siya 'yung dating Kimberly.
"Marco ito oh." Pagkasabi niya nun yumuko ako para kunin ang cellphone ko dahil tumatawag si Joey. Hays! Tawagan ko na nga baka importante ang kanyang sasabihin.
"Wait lang Kimberly ah, sagutin ko lang si Joey." Nakayuko kong paalam sa kanya kasi nagmamadali akong masabi niya ang importante tungkol sa basketball team namin sa friday.
"Hello Joey?"
"Hoy pre! Sama mo na si Mike sa basketball team natin isa na lang kailangan satin. Kinokontact ko nga siya di ko matawagan."
"Oh sige sige mamaya sasabihin ko. Sama na pala natin sila Shane sa lugar na babasketballan natin."
"Sige ba, basta mamaya sabihin mo sa kanya tapos punta kayo dito ng 6AM dito bukas para sa practice."
"Sige Sige! Babye na. May ginagawa pa kami ni Kimberly pre. Sige na, bye!"
Ibinaba ko na ang cellphone ko at pinatay ito. Pagkapasok ko pa lang ng cellphone ko sa bulsa ko ay niyakap niya ako pataas hanggang sa mukha ko. Humarap ako sa kanya at.. Sobrang ganda talaga ng kanyang mukha, hindi ka magsasawa tumitig sa kanya.
"Marco, sinasagot na kita. I love you Marco." Laking gulat ko na agad niya akong hinalikan.
ΠAbigailΠ
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...