Chapter LIX

307 6 1
                                    

#LITHCDeathOfKhen



ΠShaneΠ

Makalipas ang dalawang oras na pagkukwentuhan namin habang kumakain ay umalis na kami dito kila Joey.

Ngayon andito kami sa kotse ni Kimberly kasama ako si Marco at Abigail. Si Marco at Kimberly ay nasa harapan at tabi kami dito ni Abigail sa likod.

Si Mike, ate Diane at Tricia ay nag-taxi. Hindi kami nagkasya dito sa kotse ni Kimberly dahil hindi naman ito isang van.

Nag-volunteer na si Mike na sumabay din sa kanila upang may bodyguard din sila.

Nakakaano naman! Nakakastress! Ang daming nangyayari, nakakapagod na.. Nakakapagod nang magkaroon ng pagsubok lalo na ito ang kailangan naming tapusin!

"Shane, ano okay ka lang?" Tanong ni Abigail sa akin.

"Medyo! Nakakastress lang talaga kasi." Sabi ko sa kanya at sumandal ako sa kinauupuan ko.

"Bakit naman?"

"Ang dami kasing nangyayari sa atin e. Nasa trahedya ang buhay natin, papatayin tayo ni Devil Alfred kapag pagkalipas nang dalawang linggo." Sagot ko sa kanya.

"Alam mo dahil sa akin 'to e. Kasalanan ko ito, kung pinigilan ko lang 'yong galit ko sa iyo hindi mangyayari lahat nang ito.. Hindi natin makikilala si Alfred." Malungkot na pagkakasabi niya sa akin.

"Kahit naman hindi ka nagalit sa akin at kahit hindi natin nakilala si Devil Alfred. Mapapahamak pa din ang buhay nating lahat at malalagay sa trahedya."

"Pero alam kong malalagpasan natin lahat nang ito, magdasal lang tayo!" Sabi nya kaya naman sumandal ako sa balikat nya.

"Salamat Abigail ah, dahil sa iyo naranasan ko kung paano magpatawad." Ngumiti ako sa kanya.

Ngayon ay andito na kami ngayon sa Condo.

Nangangamba ako na damay na sila mama at tita Yolly dahil pamamay-ari 'to ni Devil Alfred. Hindi ko nga alam bakit pa ito 'yong napili nyang maging libangan sa kasamaan.. Ang dami tuloy na nadadamay dahil sa kanyang mga kalokohan.

Pagkababa namin nang kotse ni Kimberly ay bumaba na din sila Mike sa taxi at nagbayad.

Pinagmamasdan ko sila Marco dahil nakaakbay ito sa balikat ni Kimberly.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon