Chapter LIII

326 7 1
                                    

#LITHCItsReal

ΠMikeΠ

"Sige po salamat po!" Sabi ng pasyente ko sa akin na napagaling ko.

"Walang anuman. Sana po ay magtuloy-tuloy na po ang paggaling niyo." Ngumiti ako sa kanya at umalis na nga siya kasama ang sundo nya.

Natutuwa naman ako na nagpapasalamat sa akin ang isang pasyenteng napagaling ko.

Habang naglalakad ako dito. Parang feeling ko na mag-isa lang ako dito at wala ang mga kaibigan ko. Nagpunta ako sa doctor's office upang makumpirma kung andito sila. Pumunta ako kay Master Dan.

"Ahh. Bakit ka naman naparito, Mike? May kailangan ka ba?" Tanong sa akin ni Master Dan habang siya ay ay nagsusulat.

"May itatanong lang po ako, Master Dan."

"Osige ano 'yon?"

"Nandito po ba si Shane? Parang hindi ko po siya nakikita e." Tanong ko sa kanya.

"Oo nga e. Hindi ko nga alam kung asan siya. Kailangan ko siya e. Saka si Marco at Diane wala din dito. Hinahanap ko nga kanina, wala naman at kung makita mo man sabihin mo kailangan ko sila nang 4PM silang tatlo. Okay!" Sabi ni Master Dan sa akin.

"Sige po, salamat po." At agad akong lumabas dito.

Parang kutob ko nasa parking lot nanaman sila. At may pinag-uusapan. Puntahan ko nga.

Kaya lumabas ako dito sa hospital at kita ko na nga agad ang mga ulo nila kahit sa malayo pa lang. Hindi na ako nagdalawang isip na puntahan sila.

ΠShaneΠ

"Abigail. May tanong ako sa'yo!" Pabor ko sa kanya. Napatingin naman ang lahat sa akin, "sino si Devil Alfred? Kilala mo siya 'di ba? Sino siya at sabihin mo sa amin!"

Natigilan ang lahat sa tanong ko. Hindi ko na napigilan ang nararamdaman kong galit kay Alfred. Gusto kong malaman kung sino siya at gusto ko sya makausap.

"S-si Devil Alfred kasi ay--" naputol ang pagsasalita ni Abby dahil kaming lahat ay nagulat sa tumawag sa amin.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon