A/N - Extend 2 chapters dahil sa isang araw talaga ng story ay maraming mangyayari. Hehe! Thanks po talaga sa pagbasa nito!
_____________
#LITHCTakda
ΠShaneΠ
"Hey!" Bati at kalabit ni Mike sa akin mula sa likod.
Talagang kilalang-kilala ko na ito si Mike dahil sa kanyang boses.
"Mike ikaw pala." Ngumiti ako sa kanya.
"Oo, ako nga. Hayst! Shane kahit saang anggulo ka tignan ang cute! Cute! Cute! Cute! Cutie mo pa den!" Kinurot pa nya ang pisngi ko at tumawa-tawa pa siya.
"Haha! Nambola ka pa, ang sakit na Mike tama na!" Binitawan naman nya ang aking pingi, "ang sakit ah!! Pero kahit hindi mo ako crush oks lang 'yon."
"Haha! Ikaw talaga Shane."
"May sasabihin nga pala ako, Mike." Mahinahon kong pagkakasabi sa kanya.
"Ano naman 'yon?"
"Mamaya kasi, pupunta kami kila Joey nila Kimberly, Abby, ako at si Marco.. Baka gusto mo sumama?" Pagtatanong ko sa kanya. Mukhang nagulat sya sa sinabi ko kasi napaatras siya.
"Ha?! Bakit naman pupunta kayo kila Joey? 'Di ba? Tapos na 'yung tulong natin sa kanya?" Kunot-noong pagkakasabi nito sa akin.
"Hindi tayo manghihingi ng tulong sa kanya ano ka ba! Doon lang tayo mag-uusap-usap sa bahay nila para tahimik. At para mas maintindihan ni Marco ang sasabihin naming tatlo. Oo nga pala sasabihin namin ang katotohanan kay Marco para naman matapos na ang lahat." Explain ko sa kanya para naman maintindihan nya ang totoong dahilan kung bakit kami pupunta doon.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...