#LITHCTheThreat
ΠShaneΠ
Pagkapasok namin dito nila Marco, Mike at ate Diane kasama na din si Stella dito sa condo ay nakita ko sila Kimberly at Abigail sa kabila na nagkukwentuhan.
Kaya naman lumapit kami sa kanila at natigil ang kuwentuhan nila nang pagkakita nila sa amin.
"Kimberly, Abigail." Tawag ko sa pangalan nila.
Nakita ko ang mata ni Abigail na parang namamaga, siguro dahil ata sa pag-iyak nya kasi nakita na nya ang pamilya nya.
"Kamusta naman lakad niyo? Nakita mo na ba 'yong pamilya mo Abigail?" Napatungo si Abigail.
"Oo, nakita namin siya. At masaya si Abigail na maayos ang pamilya nya. Alam niyo ba nung niyakap niya sila nag-iba ang pakiramdam nang pamilya nya, pakiramdam nila na siya si Abigail." Nag-iba ang reaksyon ng mukha nang bawat isa. May malungkot na masaya ang reaksyon namin.
"So, sinabi niyo na si Abigail 'yong anak niya." Tanong ni Mike kaso umiling naman si Abigail.
"Hindi na, dahil--" naputol ang sinasabi ni Kimberly dahil kay Abigail.
"Ako na," pumayag naman si Kimberly kay Abigail, "dahil gusto ko lang naman makita sila at hindi ko na sasabihin 'yon dahil nakita kong maayos na sila at nakamove-on na sila." Sabi nya na lang.
"Ahh ok." Sabi ni Mike.
"I'm happy na masaya ka na din para sa kanila, Abigail." Sabi ko.
"So we go home?" Tanong ni ate Diane, so napatingin kami sa kanya at sumang-ayon na.
Napakasimple lang nang pangyayari at hindi na humaba pa kaya naman ay sumakay na kami nang elevator upang umuwi na nga sa kanya-kanya naming condo.
Nagkangitian na lang kaming lahat nang lumabas sila Abigail at Kimberly, pagkatapos ay si ate Diane hanggang sa kami na lang tatlo nila Mike at Marco.
Pagkalabas namin nang elevator ay nagpaalam na kami sa isa't-isa at pumasok na nga.
ΠAbigailΠ
Pagkapasok namin dito sa unit ay agad kaming naupo ni Kimberly sa sofa at kinuha ko ang remote at binuksan ang TV. Balita na pala kaya naman isinara ko na lang.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...