A/N - Marami pa po kayong aabangan dito lalo na yung magkakaroon ng kapangyarihan si Shane. Thank you! Πv^_^vΠ
______________
#LITHCDianesSecret
ΠDianeΠ
"Hoy!"
"Yes?" Pagkalingon ko bigla ko na lang nabitawan ang hawak-hawak kong chips. Ayan natapon tuloy. Grrr!
"Ate? Gulat na gulat ka ah? Para kang nakakita ng multo jan?"
"E multo ka naman talaga e. Kung di ka lang multo kinutusan na kita jan! Hahahaha!" Pabiro kong sabi sa kanya.
"Bwhahaha! Grabe tuh uh! Pero ate may sasabihin ako?"
"Ano yun Stella?" Joke niya 'to assuming 'tong ano na ito e.
"May boyfriend na ako! Multo den! Ito siya oh?" Nagulat na lamang ako na may tabi na pala si Stella na lalaki, gwapong multo naman. Hahaha! Pwede palang maging magsyota ang mga multo? "Saka marami na akong kaibigan dito ate! Grabe salamat dito sa condo na ito napakadaming multo."
"Hahaha! Balakangajan, aalis na ako may pasok pa ako. Ayaw ko malate." Kinuha ko na yung bag ko.
"sige ate ingat! Kami na lang magpupulot netong chips tutal naman nakakahawak kami ni Dexter eh! Ahihihihi!"
Lumabas na ako dito sa unit ko, pagkadating ko dito sa baba bigla na lang akong nasanggi sa isang babae.
"Sorry." Sabi ko sa kanya.
Kaso nung papaalis na ako tinawag niya ako sa pangalan ko kaya wala akong nagawa kung hindi lumingon na lang.
"Sabi na nga ba ikaw yan eh! Taga dito ka din pala di ko napansin." Masaya niyang sabi sa akin, lumapit siya sa akin.
"Kilala ba kita?"
"Oo naman! Ako si Shane Yoon. Ka-trabaho mo sa hospital!" Napatitig ako sa kanyang sinabi, pamilyar nga siya sa akin.
"Ahh ikaw pala Shane. Haha nawala sa isip ko, pinakilala ka nga pala sa akin ni Master Dan."
"Amm sabay na tayo." Yaya niya, tumango na lang ako at saka na kami naglakad dalawa.
ΠShaneΠ
Habang papasok na kami dito sa hospital ay biglaang nag-ring ang phone ko.
"Ate Diane, una ka na tumatawag kasi si Marco e." Paalam ko sa kanya.
"Sige kita na lang tayo doon malapit sa simbahan sa loob ng hospital na ito."
"Sige."
Sinagot ko na si Marco at saka pumasok na si ate Diane sa hospital.
"Bakit ka napatawag?"
"Pwede bang samahan mo muna ko kay Kimberly? Dahil may mahalaga lang akong itatanong sa kanya. Iniwan mo kasi ako dito sa unit natin e."
Hala! Paano na yan?! Hindi niya alam na si Abby yung makakausap niya?
"Ahhh. M-Marco pwede sa ibang araw na lang? Baka kasi nagkakamali lang 'yong si kuya Emmanuel. Baka hindi talaga si Kimberly ang may pakana non." Pakiusap ko sa kanya. Sana tumalab 'yong aking pakiusap sa kanya.
"Hindi! Gusto ko lang naman itanong e."
"Ikaw na lang sorry talaga ah. Kailangan ako ni Master Dan sorry. Sorry." Sa irita ko ibinaba ko na ang phone ko dahil ayaw ko na pilitin pa ako ng lalaki'ng iyon.
Ngayon, napaisip nanaman ako na paanong nangyari na napugot ang ulo ng lalaki na 'yon at saka ano 'yung sinasabi niyang wala na kaming takas sa condo? Hindi ko talaga maintindihan. Kaya dapat ko 'ding tanungin si Abigail na kaming dalawa lang.
"Ano 'to Shane?" Nagulat ako sa humawak sa braso ko. Lalo kong ikinagulat na siya pala humawak sa braso ko.
"Kimberly bitawan mo ko." Nagpumiglas ako sa pagkakahawak niya sa akin, "grabe ka ginulat mo ko."
"Dapat lang! Ano ba? Bakit hindi mo samahan si Marco kay Abigail at sabay mong sabihin ang totoong dahilan non at saka sabihin mo kay Marco sa harap ni Abigail na hindi ako 'yon dahil ninakaw lang ni Abigail ang katawan ko." Luh? Narinig niya pala 'yong usapan namin ni Marco.
"Teka teka? Ano 'yon Kim? Hindi ko basta basta sasabihin ang mga dahilan na 'yon dahil hindi ko alam kung maniniwala ba 'yon o hindi? Saka Kim alam ko lang kung bakit pinasabog ni Abby ang bahay namin dahil sa galit na galit siya sa akin. Dahil sabi niya gusto ko daw siyang paalisin sa katawan mo at saka sumama na sa liwanag." Pagpapaliwanag ko.
"Dami mong learn? Dami mong dada? Mas matutuwa pa ako na magpunta ka na ngayon kay Marco at samahan siya kay Abby bago pa makalusot ang impostora na 'yon. Ano? Papayag ka na lang na lokohin ng impostora na 'yun ang best friend mo?" Tama siya dapat na nga ko pumunta doon. Dapat na masabi ko na kay Marco ang katotohanan. Saka gusto kong malaman kung ano 'yung sinasabi ng Emmanuel na 'yon na wala na kaming takas?
"Oo pupunta na ako. Gusto kong sabihin na hindi ikaw 'yon nasa katawan mo kung hindi si Abby dahil ninakaw lang niya iyon." Tama na siguro ang desisyon ko, gusto kong malaman na niya ang lahat.
"Yan!! Salamat Shane ah na naintindihan mo ko. Sige na umalis ka na at baka magpunta nga si Marco doon kay Abigail and magsinungaling siya." Ngumiti lang siya sa akin.
Nang papalakad na ako napalingon nanaman ako na tinawag ako ni ate Diane sa pangalan ko.
"Sino ka?" Tanong ni Kimberly kay ate Diane ngunit hindi lang niya ito sinagot.
"Shane, sasama ako sa iyo baka may maitulong ako. Marami akong alam sa mga multo multo kaya sasamahan kita at tutulungan kitang mapatunayan ang katotohanan." Napanganga ako sa sinabi ni ate Diane, may alam pala siya sa mga ganyan.
"Sige ate Diane, pero bat hindi mo sinabi na may third eye ka din?"
"Haha! Hindi lang third eye kung hindi kapangyarihan, pwedeng pwede kong maipaalis ang mga multo sa isang katawan sa isang pitik ko lang. Pero ang hindi ko kaya ang isang demonyong pinakamalakas katulad ng isang bagong demonyo na si Alfred. Kaya tuturuan kita dahil baka sakali na matalo mo 'yung demonyo na 'yon." Sabi niya at nagtaka kaagad ako.
"Wait? Sino si Devil Alfred?" tanong kong inosente.
"Si Devil Alfred ay isang multo. Malakas siyang multo. Pumapatay siya at ginagawa niyang masama ang mga multong pagala-gala."
"Sandali.." Pumunta si Kimberly sa amin, "sasama ako. Gusto kong bawiin ang katawan ko kay Abigail. Please girl tulungan mo ako. Please."
"Sige. Tara na at umalis na tayo at baka nga maunahan pa kayo sa pagpapaliwanag ng Abigail na 'yon sa Marco na kilala niyo."
Nagsimula na kaming naglakad. Alam kong malaki ang maitutulong ni ate Diane sa amin. Ito na ang panahon upang matapos na ang kasamaan ni Abigail at nong sinasabi niyang si Devil Alfred.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...