Chapter LI

371 8 2
                                    

#LITHCIsangTanongIsangSagot

Habang naglalakad kami ni Marco papuntang elevator, nagulat ako sa kanyang itinanong.

Hindi namin kasama si Mike ngayon dahil maaga siyang umalis at may pupuntahan pa siyang importante. Ayun 'yung sabi nya kagabi.

"Alam mo ba, Shane? Gusto kong ipabuksan ang third eye ko kasi nga naiinggit ako sa inyo na nakakakita ng multo, gusto ko ding makita si Abigail."

"Seryoso ka?!" Sarkastikong tanong ko.

"Oo, Shane! Seryoso ako at walang halong biro!" Seryoso nga siya.

"Naku Marco! Hindi kaya biro 'yung may third eye ka! Araw-araw akong nakakakita ng multo! Andami ngang multo sa condo na ito e," tumigil na ang elavator at nandito na kami sa first floor, "ayan! May multo sa harapan natin pero hindi ko pinapansin. Baka? Hindi mo makayanan na makita sila!"

"Oo! Ako pa ba?" Mayabang na tono'ng pagkakasabi pa neto.

"Sure ka?"

"Oo!"

"Osige sasabihin ko kay Joey 'yan! Maghanda ka Marco baka hindi mo makayanan 'yan!" Pananakot ko sa kanya.

"Ang seryoso mo naman! Nagbibiro lang ako e! Ayaw ko kaya makakita ng multo, hindi ko talaga makakaya pero susubukan ko pa din." Hangulo neto e noh?

"Ay oo nga pala meron akong libro! Hahanapin ko doon 'yung pampabukas ng third eye baka meron doon!"

"Teka? Ano 'yung librong pinagsasabi mo?"

"Ito oh!" Ipinakita ko ang libro sa kanya.

"Wait. Parang familiar siya? Patingin nga nung harap!" Nagulat sya nung ipinakita ko sa kanya ang harap, "Shane Yoon's Property. Wait lang ha! Ito 'yung nakita ko kay a-ate Diane ah! 'Yung lumiliwanag na libro!" Nakatitig pa din siya sa libro habang kinakausap ako.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon