Chapter XVIII

506 18 3
                                    

#LITHCShaneVSAbby

"Kimberly?" Nanlaki ang mata ko.

"Kimberly? Anong nangyari sa'yo?"

"Shane? Nakikita mo ko?" Tanong niya.

Muntik na akong matumba sa nakita ko mabuti na lang sinalo ako ni Rafael. Buhay si Kimberly 'di ba? Bakit nakikita ko siya na kaluluwa lang. Hindi kaya?

"Ay sorry sinasadya." Tumingala ako at 'di ko inakala na si Kimberly pala ang tumisod sa akin.

"Ano bang problema mo Kimberly?" Tanong ni Marco habang tinatayo ako.

Nagpunta si Kimberly sa harapan ni Marco at hinimas-himas niya ang mukha neto.

"Wala? Bakit gusto mo ikaw ang itisod ko? Ay wag na matigasin ka e, hindi kita kaya. Sige na alis na ako baka kung ano pa masabi ko. Goodbye Marco." Ngumiti siya kay Marco, tinignan niya ako at tinarayan lang.

"Ang kapal ng mukha non! Siya na nga may kasalanan tapos siya pa may ganang sabihin 'yon!"

Oh my! Baka sinapian si Kimberly.

"Shane! Rafael! Tulungan niyo akong mabawi ang katawan ko, please. Ninakaw niya ang katawan ko." Nagpunta si Rafael sa harapan ko.

"Sino? Kimberly?" Tanong ni Rafael.

"S-si Abby." Sabi niya habang nanginginig at umiiyak.

"Si Abby?!" Gulat kong tanong sa kanya, "bakit naman siya sumapi sa'yo? Kimberly?"

"Kasi nong pasakay na ako sa kotse ko may nakita akong paa, nagpunta ako doon pagkapunta ko doon nakita kong hinihila ni Abby 'yung bata tapos sumakay ako tas pagkasakay ko nagulat na lamang ako na nagbukas ang radio ng napakalakas tapos 'yung pinto ng kotse nalock tas umandar mag-isa ang kotse tapos nabangga ako sa may poste at doon na niya ako sinapian. Pinilit kong lumaban pero mas malakas siya. Sabi pa nga niya sa akin, maghihiganti siya sa'yo! Kaya gusto niyang sumapi sa akin dahil alam niyang may galit din aako sa'yo! Pero tapos na 'yun nagsisi na ako." Explain niya. Hindi ko inakala na malaki ang galit niya sa akin.

"Ano?? Bakit naman siya maghihiganti sa akin? Hindi kaya 'yung sinaniban niya ako tapos.. Ewan! Sige Kimberly! May kakilala akong kayang magpaalis ng multo, doon tayo manghingi ng tulong. Sumama ka na din Rafael." Sabi ko.

"Sino naman 'yon?" Tanong ni Rafael.

"Si Joey Velazquez." sagot ko.

"Si Joey?!" Gulat na sabi ni Kimberly.

...

Kasama ko si Rafael at Kimberly dito sa labas ng bahay ni Joey. Kumatok ako ng tatlong beses pero hindi pa ito nagbubukas.

"Joey! Tao po!"

"Baka walang tao?"

"Tawagan ko na lang siya."

Kinuha ko ang cellphone sa bag ko at idinial ang number ni Joey. Tumingin ako sa kanila habang hinihintay ko ang tawag ni Joey. Sa wakas nasagot na din niya.

"Oh hello? Bakit ka napatawag? Gusto niyo na ba ipakilala ko kayo sa girlfriend ko?" Tumawa siya sa kabilang linya.

"Hindi! May kailangan lang akong tulong sa'yo!"

"Ano? Anong tulong naman 'yon?!" Nagtataka niya.

"Basta! Nandito kami sa labas ng bahay niyo sige na umuwi ka na! Bye!"

"Okay. Hintayin niyo ako dyan."

Binaba na niya ang calling namin.

"Antayin na lang daw natin siya dito."

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon