#LITHCTraining
Pumasok na kami dito sa isang madilim at tago na bahay. Sa wakas nandito na din kami mga walong oras din kami bumiyahe para makapunta dito.
"Handa na ba kayo Shane? Kimberly?" Tanong muli ni ate Diane.
"Oo ate Diane. Handa na kami." Sabay naming sagot ni Kimberly.
"Kimberly, Shane, suotin niyo itong kwintas na ito upang maging proteksyon sa mga multong masasama, malalakas at mga sumasapi." Iniabot sa'min ni ate Diane ang kwintas, isinuot naman namin ito.
Nang ibuksan ni ate Diane ang pintuan, nagitla kami dito dahil may isang maluwag na lugar dito.
"Ano ito ate Diane?" Tanong ko, napakaluwag dito at ang daming multo dito tapos maraming mga gamit dito, meron akong nakikitang libro na lumiliwanag.
"Dito, dito ko kayo itetraining. Dito ako natuto ng mga martial arts pati na din makipaglaban sa multo. Sayang wala na ang Lola ko saka mama ko edi sana sila magtuturo sa inyo pero huwag kayong mag-alala kaya ko kayong turuan." Nakangiti niyang sabi sa'min. Naglakad kami at pumunta sa isang mesa na may nakapatong na libro na lumiliwanag na kanina ko pa tinitignan.
"Anong klaseng libro 'yan ate Diane? Nakakabilib ah! Ngayon lang ako nakakita nito. Pwede bang hawakan?" Hinawakan ito ni Kimberly kaso bigla itong nagpunta sa kamay ko.
"Shane, tama nga na ikaw ang itinakda na makatalo sa demonyo. Tama 'yung sinasabi sa'yo nung Angela at saka nararamdaman ko din na ikaw talaga ang may karapat-dapat dahil nagpunta sa'yo ang libro at bigla itong lumiwanag sa'yo."
"Pero paano ako matututo?"
"Yang libro! Buksan mo 'yan at ang mga nakasulat dyan ay kabisaduhin mo, lahat ng page. At kapag nakabisado mo na tuturuan kita kung paano makipaglaban tapos ipapakita ko sa'yo kung ano ba talaga ang mangyayari kapag sinabi mo ang mga nakasulat dyan."
"Me pwede ba ako?" tanong muli ni Kimberly.
"Oo naman, pero di ko alam kung gagana ba sa'yo 'yan? Baka kasi hindi e."
"Ay ganun ba. Hays! Kakalungkot."
"Pero huwag ka mag-alala Kimberly tuturuan naman kita makipaglaban e." Ngumiti ito sa kanya.
Binuksan ko ang libro at wala siyang laman pero nang nagtagal-tagal ay nagkaroon din, kakaiba talaga 'tong libro na ito.
"Ano 'to hindi ko maintindihan ah?"
"Dahil iyan ang mga sasabihin mo kapag papaalisin mo ang multo o kung mangkukulam ka or kaya ang mga malalakas na multo. Pero saka ko na sasabihin ang ibig sabihin ng mga iyan." Sa sinabi niya muli kong binasa ang nakasulat dito.
"Sige ate Diane thank you."
"Pero Shane hindi ko pa pala nasasabi. May lalabas diyang mga sulat na hindi ko pa alam. Iyon ay mga malalakas ang kapangyarihan. Pero hindi ko sigurado na kung lalabas ba sa'yo ang mga sulat na 'yan. Ako kasi mga kalahati lang ang alam ko dahil 'yung iba hindi lumabas sa akin."
"Ano ibig ba sabihin nun? Kapag may lumabas pang mga sulat ibig sabihin nun ako talaga ang makakatalo sa demonyo na 'yun?" Taka ko pa 'ding tanong.
"Oo, Shane."
Pagkatapos niyang sabihin 'yun ay nagbasa ulit ako. Habang nagbabasa ako naalala ko nanaman 'yung sinasabi ni kuya Emmanuel na Hell Condo daw? Ano ba ibig sabihin nun?
"Teka ate Diane may tanong pa pala ako."
"Sige ano 'yon Shane?"
"Ate Diane. Alam mo ba 'yung Hell Condo? Ano ba 'yun, 'yun ba 'yong Condo na tinutuluyan natin ngayon?" Hindi pa din talaga ako maka-move on doon sa nangyari talaga kay kuya Emmanuel. Kakaiba talaga ang pangyayaring 'yon.
"Hell Condo? Hindi ko alam e. Alam mo Shane? Hindi naman Hell Condo ang Condo na tinitirhan natin e. Paano mo ba nasabi 'yan?" Tanong niyang nagtataka. Akala ko alam niya ayun pala hindi pala.
"Wala." Tanging sagot ko na lang.
Umalis si Kimberly sa tabi ko at lumapit siya sa isang mesa na may maliit na kahoy na kabinet at binuksan niya 'yon. Ano kayang inaano ni Kimberly dun?
"Kimberly!" Tumakbo si ate Diane papunta doon. Medyo malayo ang pwesto ko sa pwesto nila.
Isinara ko ang libro at pagkasara ko may nakita akong multo na nakatingin sa akin, sa takot ko ay umalis ako rito at pumunta doon kila Kimberly. Gusto kong tignan 'yon baka kasi ibang gamit naman 'yon gusto kong makita.
"Ang ganda pala sa feeling 'yung makahawak ka ng baril. Hahaha! ate Diane turuan mo naman ako bumaril please dahil gusto kong barilin 'yung Abigail na 'yun nakakabwisit talaga!" Gigil niyang sabi.
"O sige wait lang maghahanay muna ako ng lata don para 'yon ang tamaan mo." Umalis muna siya sa tabi ni Kimberly at saka niya ko kinausap ng nakita niya ako, "ikaw Shane? Gusto mo din ba matutong bumaril?"
"Sige sige! Para naman maprotektahan ko ang pamilya ko sa oras ng panganib." Diretso kong sagot sa kanya. Talaga ngang dapat akong matutong bumaril.
"O sige mabuti. Gusto mo sa'yo na 'yung baril na kukuhain mo e para naman may baril ka. Ikaw din Kimberly sa'yo na 'yan."
"Talaga salamat ate Diane ah." Masayang sabi ni Kimberly.
"Thanks din ate Diane ah."
"Ano ba kayo! Maliit na bagay lang! Wait lang kukuha lang ako ng lata." Umalis muna siya sa harap namin at kami naman ni Kimberly ay nagngitian lang sa isa't isa.
Ginagawa ko 'to hindi lang sa sarili ko para maprotektahan ko ang pamilya ko pati na din gusto kong tapusin ang kasamaan ni Abigail para naman magbalik loob siya sa kabutihan at gagawin ko ang lahat para matalo ko si Devil Alfred kahit na siya ay napakalakas.
**
Makalipas ang ilang araw ay natutunan ko na 'ding bumaril, makipagsuntukan at sipaan. Pero hindi pa naman ako masyado expert. Kaso ang problema ko na lang 'yong libro na lang, ay hindi bale pwede ko naman ito basahin kapag may free time ako.
Pagkatapos kong magbihis ay lumabas na ako dito sa kwarto ko at sinalubong naman ako ni Marco.
"Ingat kayo anak ah. Umuwi kayo sa tamang oras ah." Paalala ni mama.
"Opo tita huwag kayo mag-alala hindi naman kami gabi uuwi e."
"O sige. Babye na. Ingat!"
Lumabas na kami ng unit at saka pagkalabas namin tumambad sa amin si Abigail kasabay pa non lumabas si Mike sa kanyang unit.
Nagtinginan kami ni Abigail at parang ang sama pa din ng turing niya sa akin.
"Tara na babe, una na tayo hayaan na lang natin si Shane kasama naman niya si Mike e."
"O sige babe, tara na." Humarap sa amin si Maco at nagwave siya sa amin, "antayin na lang namin kayo sa van ah."
"O sige. Sandali na lang 'to." Sagot ni Mike sa kay Marco habang nagsisintas ng sapatos.
"Ready na siya ah! Ang pogi mo dyan sa suot mo na Jersey Mike ah."
Tumingala siya sa akin. "Salamat, ikaw ang ganda mo dyan sa suot mo." Napangiti na lang ako sa kanya saka medyo kinikilig ako dahil sa sinabi niya sa akin, "tapos na ko magsintas tara na!" Aya niya sa akin.
"Let's go."
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...