Ang huling kabanata..
#LITHCLadyShane
ΠShaneΠPagkarating namin dito sa sementeryo ay naupo kami dito sa tapat ng nitso ni Prof. Khen napakadaming tao dito kaya napakadaming upuan. Pagod na pagod kami dahil sa haba ng nilakad.
Katabi ko si tita Venus at mama pero may iba akong nararamdaman dito kay tita Venus parang may something.. Hindi ko maexplain.
Bigla akong kinabog nang biglaan niya akong kalabitin. At ngumiti pa siya sa akin kaya parang kinabahan ako.. Iba talaga ang nararamdaman ko.
Kasi kanina habang naglalakad kami sinabi ni Abigail na nakita niya daw si Alfred pero wala naman daw sabi ni Stella kaya nagkakamali naman siya, so bumalik na kami ulit sa dati.
Aysh ewan! Pero noong nakausap namin si kuya Emmanuel noon sa presinto sabi niya na para lang sa mama niyang may sakit 'yung ginawa niya sa pagpapasabog ng bahay namin pero masaya ako na nakaligtas siya.. Sobra nga lang siya nalungkot dahil namatay ang anak niya. Pinagtataka ko lang na wala ang ulo niya.. Ngunit kahit ganon? Gagawin ko ang lahat para mabigyan din siya ng hustisya.
"Bakit po pala tita Venus?" Tanong ko sa kanya.
"I'm happy na dahil sa inyo gumaling ako." Saka siya biglang napangiti.. Parang kinabog ako nung nagsalita siya. Parang iba e, "nako naman Shane huwag kang kabahan. Baka mamaya mamatay ka." Nagulat ako sa kanyang sinabi. Bakit ganyan ang sinasabi niya?
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Kakilabot naman ang kanyang sinasabi. Saka paano niya nalaman iniisip ko? Mind reader ba siya? Hayst.
"Bakit niyo nasabi po 'yan tita Venus? Nakakagulat naman po kayo. Hehe." Ngumiti ako sa kanya ng pilit.. Diretso kaya ang sinabi niya. Sino kayang di magugulat kapag sinabi sa 'yo 'yan? Iba talaga ang feeling ko dito kay tita Venus e. Nyiii! Kinakilabutan ako!
"Ah wala, Shane." Ngumiti siya sa akin. "Sandali aalis muna pala ako may kukunin lamang ako sa van." Tumango naman ako sa paalam niya.
"Sige." Sabi niya at umalis na siya at naglalakad na palayo dito.
Habang pinagmamasdan ko ang paglalakad niya may iba akong napansin dahil iba ang paglalakad niya.. Ano ba 'yan? Kung anu-ano napapansin ko!
"Saan pupunta 'yon? Magsisimula na kaya ang paglilibing maya-maya." Tanong ni mama sa akin at tumabi sa akin.. Katatapos lang niya makipagkuwentuhan sa kausap niya sa likod.. Hindi niya siguro narinig ang pinag-uusapan namin ni tita Venus.
"Ahhh sabi po kasi niya magpupunta muna siya doon sa kotse dahil may kukunin siya." Sabi ko na lang sa kanya.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...