#LITHCTeam
ΠShaneΠ
Nagising nanaman ako nang umaga nang dahil sa tunog ng alarm ko.
Medyo hindi maayos ang pagkakatulog ko dahil nga sa kakaisip nang plano upang mapigil ang masasamang plano ni Devil Alfred.
Hindi ko pa din maalis sa isip 'yong sinabi sa amin ni Abigail na ang banta sa amin ni Alfred pati na din ang Hell Condo.
Hindi ako makapaniwala na itong Condo na ito ay isang Hell Condo.. Ang pangalan ay Angel's Condo pagkatapos ito pala ay isang Hell Condo. HELL Condo.
Masyadong malakas din si Alfred kaya imposibleng matalo namin siya. Ito ang kanyang parang kaharian, itong Condo.
Sabi sa amin ni Abigail kagabi ay wala na kaming kawala dito at isa-isa kaming mamamatay dito lahat. Lahat nang mga tao sa Condo na ito ay mamamatay sa mga kamay nya.
Bago pa mangyari lahat nang 'yon kailangan naming pigilan ang kanyang mga binabalak.
Tumayo ako dito sa kama at nag-ayos nang sarili.
Pagkatapos kong mag-ayos ay agad akong lumabas. Nakita ko na kumakain si mama at tita Yolly.. Nagtaka ako dahil may wala.
"Oh, Shane kain!" Alok nila sa akin.
"Sige lang po," tinuloy nila ang pagkain pagkasabi ko, "asan nga po pala si Marco?"
"Ewan ko nga e, sabi mauuna na siya." Sagot ni tita Yolly sa akin. Shocks naman!
"Saan daw po siya nagpunta? May sinabi po ba siya sa inyo?" Medyo naiirita kong pagtanong kay tita Yolly.
"Wala e. Basta umalis na lang." Naku po! Baka nagpunta siya kila Joey agad.. Ano ba naman 'yan!
"Sige po, una na din po ako."
"Sige mag-iingat ka!" Bilin ni mama kaya ngumiti na lang ako sa kanila at nagmadaling umalis.
Dalos-dalos agad siyang nagpunta doon nang walang permit sa amin? Usapan namin kasi na manghihingi kami ng tulong kay Joey upang maitanong kung ano ba talaga ang Hell Condo.
Shet naman oh!
Pagkababa na pagkababa nang elevator dito sa first floor ay agad akong lumabas ng nagmamadali.
Kaso habang naglalakad ako may biglang tumawag sa pangalan ko.
"Shane!" Kinalabit nya ako kaya nilingon ko siya. Hinahabol pala nya ko.
"Bakit Patricia?"
"Tricia kasi! Gusto ko Tricia ang tawag mo!" Reklamo pa nya sa akin.
"O sige, bakit pala Tricia?" Parsng feeling ko may sasabihin 'to e. Ganun ba feeling na basahin mo 'yong libro na makapangyarihan? Nakakaramdam ka na agad na parang may sasabihin sa iyo ang 'yong kausap.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...