Chapter L

383 13 1
                                    

#LITHCBehaveLife

ΠShaneΠ

Naging maganda ang gising ko ngayong umaga dahil feeling ko na ako ay malaya. Malaya na gawin ang gustong gawin, gustong sabihin.

Nag-unat ako dito, wala na pala si mama sa tabi ko.

Pagkatingin ko sa maliit na clock sa maliit na katabi kong kabinet is 6:50AM na pala. Maaga pa pala.

Lumabas na ako dito pagkatapos kong mag-ayos ng sarili. Ngayon ang oras ngayon ay 7:23AM na. Antagal ko atang nag-ayos!

"Oh Shane! Kain na! Gising ka na pala. Si Marco hindi pa." Inilapag ni tita Yolly ang kanin at itlog saka sandwich sa mesa, "pinalamanan ko na 'yang sandwich kaya pwede mo nang idiretso ng kain!"

"Sige po. Thank you po tita." Ngumiti ako sa kanya at ganon din naman siya.

"Oh 'nak! Gising ka na pala! Napapansin ko lang na palaging late kayo umuuwi ni Marco? Nakatulog na nga ako kagabi at hindi ko na kayo nahintay. Tutal naman may card kayo at pwede niyo na lang i-swipe sa labas at hindi na doorbell, saan pa ba kayo nagpunta?" Tanong ni mama sa akin.

"Sorry po na palaging late kami nakakauwi dito. May pinupuntahan po kasi kami e. Basta sa'min na po 'yon!" Apologize ko kay mama.

"Okay lang! May panahon pa bang mangialam kami dyan sa problema niyo? Syempre hindi, dahil may kanya-kanya tayong intindihin kaya ok lang. Pero huwag na kayong umuwi ng mga hating-gabi na, nag-aalala din kami ng tita Yolly mo sa inyo!" Nag-aalalang sabi ni mama.

"Opo ma."

"Ano ka ba naman Louisa! Kaya sila umuuwi ng mga hating gabi baka kasi may importante silang ginagawa! Hayaan mo na lang sila, malalaki na naman sila e." Sabi ni tita Yolly kay mama.

"Hindi po tita Yolly! Sa totoo lang mga 8 or 9 kami umuuwi nagiging 11 nga lang po dahil may pinupuntahan kaming importante." Sabi ko kay tita Yolly naman.

"Ahh ok." Matipid na sagot ni tita Yolly.

"Oh sha sha sha! Magluluto na ako." Sabi ni mama at naglakad na.

"Sige po ma."

"Ako din Shane sige na!" Ngumiti at tumango na lang ako sa kanya at itinuloy na lang ang pagkain ko, napatingin ako sa kanya dahil napatigil siya, "oh anak! Kumain ka na don! Sige na Shane, Marco kayo na bahala."

"Opo." Sabay pa naming pagkakasabi ni Marco kay tita Yolly bago siya tuluyang umalis.

Si Marco naman ay nagpunta sa may harapan ko at naupo.

"Goodmorning Shane!"

"Goodmorning din." Pambabawi ko naman.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon