Chapter LXV

324 6 1
                                    

#LITHCPakikipagsapalaran

Pagkapasok ko dito sa elevator nagulat na lamang ako na andito pala si Tricia sa elevator. Napatingin siya sa libro na hawak-hawak ko.

"Oh Shane!" Bati niya at bigla na lamang siya napatingin sa libro at gulat na gulat, "ano 'yan?"

"Enchanting book na pinagmanahan ko galing kay ate Diane."

"E bat ganyan? Lumiliwanag." Nagtataka pa din siya.

"Ewan e kaya nga pupunta ako kay ate Diane upang tanungin ang hindi ko masagot e."

"E ano ba 'yang sulat na lumiliwanag na 'yan?"

"Isang sulat patungkol sa kung paano matatalo ang isang demonyo.. Mahihimatay nga ako dahil sabi pumunta daw ako sa taong 8524 at taong 666." Explain ko sa kanya.

"Bakit ka naman magpupunta doon?"

"Dahil andoon 'yong holy water," biglang tumigil ang elavator, "holy water panghalo sa dugo ko upang matalo si Devil Alfred."

"Wow! Ang galing, handa ka bang pumunta sa past at future?"

"Oo, para sa ikakatahimik ng lahat." Matapang na sabi ko, "sige na aalis na ako upang maitanong ko na kay ate Diane kung saan ang lagusan nito." Kaya lumabas na ako ng elevator.

"Sasama ako!" Kaya umalis na din si Tricia sa elevator at lumapit sa akin at ngayon naglalakad na kami.

Kaya naman pagkarating namin dito sa labas ng unit ni ate Diane ay agad na akong nag-doorbell.

"Shane, nakakatakot naman 'yan. Year 8524? E nasa 2017 pa nga lang tayo. Pwede namang after 100 years bakit ganyan? At saka grabe din sa past ah 666 talaga!" Natawa naman ako sa sinabi niya.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon