#LITHCRetrogression
Papasok na sana kami sa unit namin nang biglang may humawak sa braso ko.
"Shane!" Lumingon ako sa kanya.
"Bakit Mike?" Tanong ko.
"Pre! Ano nanaman ba 'yon? Bitawan mo nga braso ni Shane!" Inalis naman ni Marco ang kamay ni Mike sa braso ko.
"Lumipat si Kimberly dito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Ano?!" Sabay pa naming sabi na ang reaksyon ay gulat na gulat
Bumaba kami sa fire exit dahil nais naming puntahan si Kimberly para i-welcome naman siya dito.
Pinindot ko ang doorbell ng unit ni Kimberly at agad naman ito nagbukas. Nagulat yata siya ng nakita niya kami.
"Walang hiya ka Shane! Ang kapal ng mukha mong pumunta dito pagkatapos ng ginawa mo sa akin!" Sinampal niya ako ng napakalakas, "para 'yan sa ginawa mo sa akin!" Sasampalin niya sana ako kaso sinalo ito ni Marco.
"Ano bang Problema Kimberly?" Takang tanong niya.
"Itanong mo diyan sa Shane na 'yan! Umalis na nga lang kayo dito! Nakakasira kayo ng araw!"
"Ano ba ginawa mo Shane?" Tanong ni Marco sa akin.
"Wala akong ginawa sa kanya, hindi na nga kami nakakapag-usap e."
"Sinungaling!" Kontra niya.
"Alam mo Kimberly kung ganyan lang ang trato mo kay Shane e di sana hindi ka na lang lumipat dito! Sana sa ibang condo ka na lang lumipat." Sumbat ni Marco.
"Wala kang pake! Kaya ako lumipat dito upang makaganti diyan sa Shane na 'yan! Dapat lang niyang pagbayaran lahat ng kasalanan niya sa akin!"
"Kimberly hindi ko alam ang sinasabi mo! Ano bang ginawa ko sa'yo?"
"Nagmamaang-maangan ka pa! Alam mo naman 'yon! Dapat hindi ka na lang naging doctor sana naging writer ka na lang para may sweldo pa 'yang kasinungalingan mo!" Tinarayan lang niya ako.
"Wala akong ginagawa sa'yo! Lahat ng 'yon tapos na! Hindi ko kasalanan lahat ng 'yon dahil ikaw ang may mga kagagawan non!" Hindi ko alam bat ko sinabi sa kanya 'yan hindi ko sinasadya.
"Ganon? Edi umalis na kayo dito! Hayop!" Isinara na niya ang pinto niya.
Muntik na akong mapaluha sa mga sinasabi niya. Napakasakit kasi.
"Ano bang ginawa mo sa kanya Shane?" Tanong ni Marco.
"Wala ako ginawa sa kanya at hindi ko alam ang sinasabi niya." Tugon ko.
"Sorry Shane, dapat hindi ko na lng kayo niyaya e di sana hindi na nangyari 'to." Nakayukong sabi ni Mike sa akin.
"Mabuti alam mo! Lagi mong pinapahirapan si Shane!" Sigaw ni Marco sa kanya.
"Sorry talaga."
"Marco ano ka ba!" Hinampas ko siya sa kanyang braso, "okay lang 'yon Mike, hindi naman natin alam na mangyayari ito e. Sige na tara na sabay sabay na tayo umakyat nakakapagod na din dahil sa trabaho.
Pagkapasok namin dito sa unit namin ay agad kaming nagpunta sa kwarto namin.
Nagtataka pa din ako dahil bakit ganon si Kimberly mas naging improve 'yung pagkagalit niya sa akin. Hindi ko alam kung ano ginawa ko sa Kanya, medyo bati na kami non pero ngayon iba naman. Nakakalito na!
ΠAbigailΠ
"Tsk bwisit!!" Sigaw ko at inihagis ko ang mga damit na nasa bag ko.
"Ang bwisit talaga ng Shane na 'yon kahit kailan! Napakatraydor niya talaga! Ang kapal pa!"
"Dapat kang magalit sa kanya at bawiin mo si Marco sa kanya, hindi mo ba alam na nilalandi lang niya si Marco! Wahahahaha!" Sabi niya sa akin.
Tumingin ako sa salamin na nasa harap ko.
"Hindi ako papayag na ganon ganunin lang niya si Marco! Dapat ako din! Gagawin ko ang lahat upang mabawi si Marco sa malanding traydor na babaing 'yon!"
"Huwag kang magpahalata kasi! Dapat Kimberly lang ang ugali mo para hindi sila magduda! Sige ka baka paalisin ka ni Shane sa katawan na 'yan."
"Syempre hindi ko naman hahayaang mangyari 'yon! Subukan lang niya at baka kung anong gawin ko sa kanya. Bwisit siya! At pwede ba umalis ka muna sa harapan ko mag-aayos lang ako." Sigaw ko pa sa kanya.
"Okay." Umalis na siya't naglaho.
"Bwisit ka! Ayaw kong mapahiya sa kanila kung sasapi ka dapat ayusin mo! Hindi bagay sa'yo ang pagiging ako!" Tumingin ako sa kanya ng pairap.
"Pakialam mo ba? Katawan ko na 'to e at wala ka ding pake sa mga ginagawa ko! Kaya kung ako sa'yo sumama ka na sa liwanag para hindi ka na mahirapan pa." Nagulat na lang ako na nasa harapan ko na siya.
"Sinasabi ko lang sa'yo Abigail Huang! Hindi ka magtatagumpay sa mga binabalak mo! Dahil malalaman at malalaman din nila na hindi ako 'yang nasa katawan ko!"
"Ang dami mong dada! Umalis ka na lang!" Taboy ko sa kanya.
"Sige pero sinasabi ko ulit sa'yo! Hindi ka magtatagumpay!"
Magsasalita pa sana ako kaso biglaan na lang siyang naglaho sa harapan ko.
"BBakit kaya ang daming epal sa plano ko? Gusto ko lang mabuhay at gusto ko lang makaganti sa Shane na 'yon? Bakit hindi niyo pa ako pagbigyan? Ang damot damot ninyo! Basta sisiguraduhin kong magtatagumpay ako!" iyak at galit na pagsigaw ko.
"Huwag mong sabihin! Gawin mo!"
ΠKimberlyΠ
Iyak lang ako ng iyak habang naglalakad.
"Akala ko ba malakas ako? Siguro karma ko na 'to dahil sa pinaggagawa ko kay Shane, nagsisisi naman ako e. Hindi ko lubos akalain na mangyayari lahat sa akin 'to." sabi ko sa sarili ko na may hinanakit.
Ganito pala kapag kaluluwa ka. Para kang nakakulong dahil walang nakakarinig sa'yo sapagkat malaya ka naman sa mga ginagawa mo.
Biglaan na lang may lumiwanag sa harapan ko. Imbis na masilaw ako pero titig na titig ako doon.
Lumapit ako sa kanya. Hindi ko akalain na siya pala ang liwanag. Si ate.
"Ate! Sasama na ako sa'yo!" Lalapit sana ako pero pinigilan niya ako.
"Huwag kang sumama sa akin."
"Pero ate.. Ayaw ko na! Gusto ko ng sumama sa'yo!" Pagpupumilit ko.
"Pasensya ka na Kimberly, kailangan mong magawa ang misyon mo, kailangan mong lumaban at magpakatatag. Kailangan mong bawiin ang katawan na inagaw sa'yo. Naiintindihan mo ba 'yon? Manghingi ka lang ng tulong sa mga taong nakakakita sa'yo."
Magsasalita pa sana ako kaso bigla na lang siyang umalis.
"Tutuparin ko ang sinabi mo ate, lalaban ako sa Abigail na 'yon. Talagang hindi siya magtatagumpay sa mga binabalak niya." tumakbo na ako upang planong maghanap kung sino man ang makakatulong sa akin.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...