#LITHCFastForward
"Ano, Shane? Anong kaganapan nong kasama mo si Abby kanina?" Tanong ni Kimberly na parang may halong alala.
"Ano e. Galit pa din siya sa akin, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Galit talaga siya sa akin. Sinasabi ko lang naman na masama na ang ginagawa niya e at hindi tama ang kanyang mga ginagawa."
"Hays. Hayaan mo na 'yun, may mga kaibigan ka pa naman e. Saka ubod ng sama talaga 'yang Abby na 'yan tignan mo hindi man lang siya nakokonsensya na may naloloko siyang ibang tao. Ang sama diba?" Beastmode na tonong pagkakasabi ni Kimberly.
"Hindi naman siya masama e. Nalalason lang ni Devil Alfred ang utak ni Abby. Kaya ganon." Kontra ko dito.
Tumaray na lang siya, "About nga pala last 2 days. Anyare bat ka ba nahimatay? Pinaguusapan lang natin na si Devil Alfred at 'yung kakambal ni Prof. Khen ay iisa kaso bigla kang nahimatay? Inatake ka ba nya?"
"Hindi ah. Nahimatay lang ako kasi may naalala akong panaginip kong bangungot. Parang totoo nga ang panaginip kong 'yon e." Explain ko sa kanya.
"Ano bang napaginipan mo na naalala mo?" Nagtataka nyang tanong.
"'Yung pinpatay ako ni Devil Alfred."
"O! M! G!" gulat na gulat nyang pagakkasabi, "totoo nga si Devil Alfred. At 'yun 'yong sinasabi ni ate Diane."
Natigil ang pag-uusap namin nang dumating sila Mike, Marco, Joey at si Abby.
"Shane, napag-desisyon na namin na sa susunod na lang tayo pumasyal dito. Baka kasi di mo lang nakayanan ang lamig dahil hindi ka naman mahilig sa malamig. Allergic ka nga sa ice candy e. Kaya napag-desisyunan namin tayo'y uuwi na bukas. saka pwede na pala na ilabas ka namin dito." Sabi ni Mike sa akin, kalungkot naman hindi kami makakapasyal dito.
"Sige sige. I understand." Sabi ko.
Ngayon, makalipas ang ilang oras kami naman ni Mike ang nag-uusap ngayon.
"Nalulungkot na ako. Parang nakakamiss kasi si Master Dan. Two weeks na siyang wala sa amin." Malungkot na pagkakasabi niya.
"Hayaan mo na 'yun. Ligtas naman si Master Dan e."
"Sabagay, wait. Ano pala 'yung libro na ibinigay sa'yo ni Doc Diane?" Biglaang tanong niya sa akin.
"Kanino mo nalaman 'yun?"
"Kay Kimberly. Ano ba kasi 'yun?" Hala! Gusto niya malaman?
"Ammm. Ano kase.. Ako 'yung susunod na tagapagmana ng libro kasi lumiwanag sa akin, tinitignan namin kung lalabas ba sa akin 'yung pinakamakapangyarihan na salita or sentence, kapag lumabas sa akin 'yon ibig sabihin magiging makapangyarihan ako at kahit sino makokontrol ko sa mga kamay ko."
"Ibig sabihin, 'yong kinukwento din ni Kimberly sa akin na demonyo matatalo mo 'yon?"
"Oo, 'yon 'yung sabi sa akin ni ate Diane e."
"Sige, sana naman lumabas talaga sa'yo 'yon para naman matapos na ang kasamaan ni Abigail at nang tumutulong sa kanya saka para umayos na din ang lahat." Biglang nag-ring ang phone niya, "wait lang, Shane ah. May tumatawag sa akin e."
"Sige." Sagot ko sa kanya.
Umalis na siya sa harapan ko para tawagan 'yung tumatawag sa kanya sa phone niya.
"Girl girl!" Tawag sa akin ni Joey.
"Bakit boy boy?" Natatawa kong tanong sa kanya, naalala ko pa kasi na ito 'yung tawagan namin kapag nagkakabiruan.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...