#LITHCNewKimberly
ΠAbigailΠ
"Are you okay now Kimberly? Akala ko mawawala ka na, akala ko mawawalan na ulit ako ng anak, ikaw na lang ang natitira kong anak." Sabi ng nanay ni Kimberly na si Gilda.
"Oo okay lang ako." Mahinahon kong sabi saka ngiti sa kanya.
"Hmm, okay anak. Sige labas muna ako bibili lang ako ng makakain mo." Paalam niya.
"Sige." Paalam ko sa kanya.
Nang umalis na siya saka ako ngumii mag-isa. Ang sarap pala maging buhay mayaman, nandito ka sa VIP room ng sariling hospital ni kimberly and then naka-aircon pa.
"Ibalik mo sa'kin 'yang katawan ko." Ngumiti ako ng masama at lumingon sa kanya, kita ko na umiiyak siya. Haha buti nga sa'yo!
"Bakit ko naman ibabalik? E, akin na 'to! Alam mo ba galit din ako kay Shane? Magpapaalam nga ako sa mama mo para lumipat sa condo nila Shane e, ayaw mo nun mapag-hihigantihan kita? Mapapatay ko siya?!" Mataray kong sabi sa kanya.
"Huwag mong gawin 'yon!" Kontra niya. Ang tanga niya!
"Well? Ang idiota mo Kimberly 'no?! Galit ka kay Shane pero kinokontra mo siya sa akin? Mapaghihiganti na kita! Alam mo ba 'yon ang idiota mo!"
"Sino ka ba?! At ano ba ang kailangan mo sa'kin?" Umiiyak na ssigaw pa din niyang sabi sa akin.
"Ako lang naman si Abigail Huang ang childhood ghost friend ni Shane! Na akala mo'y siya nagtulak sa'yo nong mga bata pa kayo nagkakamali ka ako 'yong nagtulak sa'yo! Pinagtatanggol ko si Shane noon but traydor na siya ngayon!"
"Hayop ka! Hindi ganon si Shane! Alam mo kahit anong pinagsasabi ko noon sa kanya! Ang bait pa niya din sa akin! Wala siyang pinag-kaiba sa'yo!"
"So nakokonsesnya ka?" Nakikita ko ang galit sa kanyang muka. Hoo! Ang sarap tignan kapag may napipikon na sa'yo!
Nagulat na lamang ako na kinuha niya ang kumot sa akin saka niya ako isinakal sa leeg gamit ito.
"Bitiwan mo ko!" Sigaw ko, pinipilit ko ssiyang hawakan kaso hindi ko siya mahawakan dahil sa multo na siya.
"Bakit naman kita bibitawan e magnanakaw ka? Dapat lang 'yan sa'yo 'no! Dahil magnanakaw ka! Masama ka! Wala kang laban sa akin dahil kaluluwa ako! Siguro ikaw pumatay kay ate? Napakasama mo e no! Kaya magbayad ka!" Lalo pa niyang hinigpitan amg pagsasakal niya sa akin ng kumot. Sobra na amg pag-ubo ko dahil sa ginagawa niya sa akin.
"B-Bitiwan m-mo n-nga sabi ako e!" Nahihirapan kong sabi sa kanya.
Binitiwan na niya ako pero patalsik ang ginawa niya. Mabuti na alng hindi ako nalaglag. Hawak-hawak ko ang akng leeg dahil nahihirapan ako sa ginagawa niya sa akin.
"Hindi pa tayo tapos! Humanda ka! Gagawin ko ang lahat upang mabawi lang 'yang katawan ko!" Bigla na lang siyang naglaho.
"Sorry ka na lang! Hindi mo magagawa 'yon dahil mas malakas ako sa'yo!"
Ngumiti ako ng mag-isa, napatingin ako sa TV dahil parang may nakatingin sa akin si Alfred pala. Nakangiti lang siya sa akin at nag-good sign.
...
Dalawang araw na din ang nakalipas ng nakalabas na ako ng hospital. Magaling na ako at kayang kaya ko na ang normal na gawain.
Napagdesisyunan kong umakyat upang kausapin si mama Gilda.
Nang nandito na ako sa taas ay kumatok ako ng tatlong beses.
"Come in!"
Biniksan ko na ang pinto at nakita ko siya na nag-la-loptop lang habang nakahiga. Pumosisyon siya ng pag-upo ng nakita ako.
"Yes anak, anong kailangan mo? May nararamdaman ka pa ba?"
"Wala na ma, I'm okay now. May pabor lang po ako sa inyo." Hinawakan niya ang kamay ko.
"What's your favor to me? Anything for you. Please tell me."
"Hmmm, nais ko lamang lumipat sa condo. Doon sa angel's condo."
"Huh? Bakit ka naman lilipat sa condo? E okay ka na naman dito baka kung mapano ka pa doon."
"No ma, Iingatan ko ang sarili ko 'no! Gusto ko lang tumira doon upang pagbayaran ang kasalanan niya sa akin!" Kumunot ang noo niya sa aking sinabi.
"Sino nanaman ba 'yan anak?" bigla akong napatigil dahil narinig niya pala ang sinabi ko na pagbayaran.
"Hmm, wala ma. Pero payag kayo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Yes, but mag-iingat ka doon ah! Ayaw kong mawala ka din katulad ng ate mo. Sisisihin ko talaga ang sarili ko."
"Ano ka ba naman, malaki na ako kaya ko na ang sarili ko. Okay?" Naglakad na ako papunta sa pinto, "goodbye!" Nakangiti kong sabi sabay sara ng pinto.
...
"Goodbye anak, ingat ka ah! Ito na mga gamit mo oh!" Iniabot ni mama sa akin ang bag. Nagpaalam na ako saka na umalis.
Pagkalabas ko dito sa mansion namin ay nagtawag na ako ng taxi.
Habang nasa taxi ako, napapaisip pa ako. Medyo naiilang ako dahil hindi pa ako sanay sa ganito.
"Hayop ka talaga Abigail! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to? Ano bang kasalanan ko sa'yo?!" Tanong pa niya.
"Upang makaganti kay Shane! Akin na lang 'tong katawan mo hindi mo na maaagaw sa akin 'to kailanman!"
"Ma'am? May sinasabi po ba kayo?" Sabi ng driver habang nakatingin sa rear view mirror.
"Wala ka ng pakialam don! Idiretso mo na lang 'yan sa angel's condo! Daming dada!" Hundi na lang umimik ang driver at nagtuloy-tuloy na lang sa pag-mamaneho.
"Epal kasi! Umalis ka na nga dito!"
Umalis na nga siua sa harapan ko.
Makailang sandali! Bumaba na ako dito sa taxi at saka pumasok na sa condo.
Kinausap ko ang nagbabantay dito at itinuro niya sa akin ang bakante ng unit.
"PHP15,000 a month lang po, sige po mauna na po ako. Sana magustuhan niyo ang aming ibinigay para sa inyo." Ngumiti lang siya sa akin at umalis na sa harapan ko.
"Tamang-tama, malapit lang ito sa puwesto ni Shane kaya pwedeng-pwede ko siyang patayin dito, gagawin ko 'tong hell condo, NAMIN ni Devil Alfred." Ngumiti ako ng masama mag-isa saka na ako pumasok dito sa unit ko.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...