#LITHCMgaPalusotNiAbby
Nang nandito na kami sa Condo ay agad kaming pumasok at tumakbo papunta sa elevator.
Mabilis kong ipinindot ang floor kung saan andon ang unit namin, sisiguraduhin namin na nandoon pa si Marco sa unit namin.
"Ang bagal naman netong elevator na ito!" Reklamo ni Kimberly.
"Hayaan mo Kimberly, makakarating din tayo doon. Magdasal lang tayo na sana tayo ang mauna at hindi 'yung Abigail." Sabi ni ate Diane kay Kimberly.
Sa wakas ay nagbukas na ang elevator at nandito na kami ngayon sa labas ng unit namin.
Nag-doorbell ako at saka agad naman itong nagbukas. Ang nagbukas ay si mama.
"Oh Shane may bisita ka pala. Halika pasok na muna kayo dito." Aya ni mama.
"Ahh ma.. May itatanong lang kami."
"Ano naman 'yon anak?"
"Andyan po ba si Marco? Please sana andyan na siya please!" Si Kimberly na mismo ang nagtanong. Si mama nagblanko ang kanyang mukha.
"Hala. Ija wala na magpupunta nga kay Kimberly e.. Ano bang kailangan niyo kay Marco nak?"
"Hala? Kailangan na nating magpunta doon sa Abigail na 'yon sigurado na doon 'yon pupunta." Sabi ni ate Diane sa amin.
"Sige po ma, alis na kami. Sige po bye!" Paalam ko kay mama.
Tumakbo na kami at bumaba kami sa may fire exit. Kailangan na talagang naming sabihin kay Marco ang katotohanan.
Maya maya pa ay nandito na kami sa floor na kung saan nakaunit si Abigail tumakbo kami hanggang malapir na kami makarating sa unit ni Abby. Naaninag ko unti si Marco kaya kinalabit ko silang dalawa.
"Andun si Marco oh! andun sa may labas ng unit ni Abigail, nagdo-doorbell." Sabi ko sa kanilang dalawa.
"Tara na punta na tayo doon at baka makalusot pa si Abigail kay Marco. Dali!" Tumakbo na ulit kami papunta doon.
Pagkapunta namin doon sa unit ni Abigail ay saktong nagbukas ang pinto ng unit na ito.
"Oh bakit Marco? Bat kayo napapunta dito?"
"Kayo? Wala naman akong kasama ah ako lang naman ah?" Nagtatakang tanong ni Marco kay Abby.
"Totoo ang sinasabi niya Marco kasama mo kami." Napalingon si Marco sa sinabi ko at nanlaki ang mata niya ng nakita niya kami.
"Shane?" Gulat na gulat na tawag niya sa pangalan ko.
"Anong ginagawa niyo dito? Shane? Lara? Ano nanaman 'to?" Sigaw na tanong ni Abby sa amin.
"Bakit? Natatakot ka na ba na malaman niya ang katotohanan ha?" Pananakot ni Kimberly kay Abby.
"Anong pinagsasabi mo?" Palusot ni Abby.
"Marco, sana maniwala ka sa mga sasabihin namin!" Paunawa ni Kimberly kay Marco.
"Hep! Hep! Huwag kang maniniwala dyan sa sasabihin niyan!" kumapit pa siya sa braso ni Marco at kami naman ang sinagot niya, "pwede ba? Umalis na kayong lahat! Wala namang saysay 'yang sasabihin niyo!"
"Bakit Abigail? Nagiguilty ka ba? Natatakot ka din ba dahil ninakaw mo lang 'yang katawan ko! Magnanakaw ka Abigail! Dinamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo!"
"Marco huwag kang maniniwala sa mga pinagsasabi niyan! Please please." Pagmamakaawa niya na pilit na hindi maniwala si Marco sa mga sinasabi ni Kimberly.
"Pwede ba Abby tumigil ka na! Ano bang nagawa ko sa'yo ha? Alam kong ikaw ang nag-utos kay Emmanuel na pasabugin ang bahay namin dahil galit na galit ka sa'kin, ayun ba? Abby please huwag mo ng idamay ang katawan ni Kimberly please Abigail." Sabi ko kay Abigail ngunit parang balewala lang sa kanya ang mga sinasabi ko.
"Ano bang pinagsasabi niyo Shane tungkol kay Abigail? Lara? Ano!" Takang takang tanong ni Marco. Hindi siya naniniwala sa amin dahil para sa kanya ay 'yung katawan ni Kimberly ay pakitingin niya si Kimberly.
"Ano? Hindi ko maintindihan!"
"Maniwala ka kasi sa'kin Marco huwag kang maniniwala sa kanila dahil nagsisinungaling sila! Akala ko ba Shane ayos na tayo? Diba sabi mo ayos na tayo.. Pero ano ginagawa mo sa akin? Ginagantihan mo ko? Ginagantihan mo ko dahil.. Sa mga nagawa ko sa iyo noon? Sorry na nga Shane e. Saka lalong hindi ako ang nagpasabog ng bahay niyo saka hindi ko kilala kung sino 'yong binabanggit niyong Emmanuel. Please huwag niyo na kong siraan!" May pumatak na luha sa kanyang mga mata.
Grabe? Hindi ko inakala na magiging ganito ang ugali ni Abigail. Dati rati naman hindi siya ganito ah? Bakit siya naging ganito? Simula bata mabait naman siya sa akin ngayon lang siya nagkaganyan. At alam kong siya ang nagpautos non dahil ipinakita ni ate Diane ang lahat kung sino ang may salarin sa nangyari.
"Pwede ba Shane? Tigilan niyo na si Kimberly! Nananahimik siya e. Ginugulo niyo! Sana Shane huwag ka ng gumanti dahil sa nagawa niya! Pinagsisisihan niya naman 'yon e." Pigil ni Marco sa akin.
"Marco! Maniwala ka naman sa akin simula bata magkaibigan din tayo alam kong kilala mo ang ugali ko. Hindi ako maggaganito kung wala siyang atraso sa akin. Sa atin. Saka hindi talaga siya si Kimberly siya si Abigail. Kaibigan kong multo simula bata. At itong kaharap mo na si Lara ay si Kimberly. Totoo siya ito." Pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Marco! Sinabi mo nga nananahimik buhay ko. Oo nananahimik buhay ko pero ginulo lang niyang Abigail na 'yan! Saka bakit ka ba maghihiganti kay Shane ha Abigail? Mabait si Shane at hindi siya plastik." sabi naman ni Kimberly kay Marco.
"Pwede ba tama na! Hindi ko alam pinagsasabi niyo? Pwede bang umalis na kayo dito! Tama na Shane huwag mo na akong takutin. Di ko talaga alam pinagsasabi niyo." Kontra neto sa amin.
"Ang mabuti ba Kimberly pumasok na lang tayo dito sa loob ng unit mo. Doon na lang tayo mag-usap." Tinignan lang niya kami at pumasok ng unit.
Nagpipigil pa si Kimberly sa kanila na huwag muna isara kaso hindi nila ito pinakinggan at tuluy-tuloy lang sila sa pagpasok sa unit ni Abigail.
"Naku ano gagawin naten?" Mangiyak-ngiyak na tanong ni Kimberly.
"May paraan ako." Sulpot na sabi ni ate Diane.
"Ano??" Sabay na naming tanong ni Kimberly sa kanya.
Itutuloy...
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...