Chapter VI

1K 27 2
                                    

#LITHCUnangAtake

Nagising na lang ako. Napaupo ako dahil sa gulat ng panaginip ko, akala ko totoo na!

"Shane, mabuti gising ka na?" Alalang-alala saking sabi ni Marco, "ano bang nangyari at bigla kang nahimatay nong pagkasabi mo sa akin ng K?"

"A-ah e-ewan k-ko e." Nauutal kong pagkakasabi sa kanya.

"Ganon ba? Okay ka na ba ha?"

"O-oo ok na ko."

Napatingin kami pareho dahil nagbukas ang pinto at iniluwa neto kundi si Mike.

"Hi Mike!" Bati ko sa kanya.

"Okay ka na ba Shane?"

"O-oo, okay na ako. Nakita lang kasi kita!" Napangisi siya sa sinabi ko.

"Hay Shane! Hindi ka pa rin nagbabago! Ay oo nga pala, kailangan mong mag-stay into 1 day dito sa hospital. At saka sabi ni Master Dan ay bukas ka na lanh daw magsimula dahil mukhang hinang hina ka at si Marco muna ang magsisimula." Oo nga, kaya pala naka-doctor uniform si Marco.

"Grabe! Ang daming mga pasyente at mabuti na lang napagaling ko, basic pa naman. Pero sa susunod hard na!" Tumawa siya. Pero hindi ko siya pinansin.

"Sige na Shane alis na ako may kailangan pa kaming operahan." Pamamaalam ni Mike.

"Sige goodluck Mike ko! Sana maging successful 'yung pag-o-opera niyo!" Ngumiti na lang siya sa akin tapos umalis na nung sinabi ko 'yun.

Naiwan lang kami ni Marco dito.

"Ok ka na ba talaga?!" Tanong nanaman niya.

"Oo nga!" Sigaw ko sa kanya, "kung pwede nga lang.. Uuwi na tayo e kasi ok na ako!"

"Kaso sabi ng Mike mo into two days ka pa staying dito dahil hinang-hina ka pa!"

"K! No choice, may atraso ka pa sa akin ha! Sinira mo ang moment namin ni Mike, ayun umalis na tuloy! Ikaw kasi e!" Paninisi ko sa kanya.

"Nakakairita ka kasi mukha ka kasing unggoy kapag kinikilig ka! Pwe alis na ako bye!" Tignan mo 'to? Lumabas agad?

Oh diba? May pagka sira ulo din ang gaga?

"Mukhang kinikilig ka kay Marco a!" Pang-aasar ni Abby sa akin.

"Kako! Hindi ako kinikilig kay Marco dahil kinikilig ako kay Mike ko!" Pinagpatong ko pa 'yung dalawa kong kamay at saka pa ako humiga kuno don.

"Wag ka ngang magganyan! Hindi bagay sa'yo!"

Pagkasabi niya nun bigla na lang kami napatingin sa may tv dahil nalaglag 'yung remote at nabasag. Nasa taas kasi ang remote. Kakaibang remote nababasag!

"Bakit nalaglag 'yon? Nilaglag mo ba 'yon Abby?" Nagtataka kong tanong.

"Ha? Hindi ha! Grabe ka sa'kin hindi ako ganon 'no! Ni hindi nga ako marunong humawak ng gamit e. Pwede mo ba ako turuan!"

"Hmm. Ang alam ko concentration lang daw 'yon e. Subukan mong kunin 'tong kumot na 'to." Napatingin siya sa kumot ko.

"Wait! Testing ko lang."

Soft ang paghawak niya sa kumot at nagawa niyang mahawakan 'yun. Pagkatapos non dinakot na niya at sobrang saya ko dahil nagawa niyang mahawakan ang kumot ng hindi tumatagos sa kanya.

"Yes! Nahawakan mo!" Sabay naming sabi kaso sabi niya 'ko' naman, "ang galing mo naman Abby! Isa pa nga para masanay ka." Ibinalik ko na sa akin ang kumot.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon