Chapter VIII

831 27 5
                                    

#LITHCFirstMission

"Nak, ito oh! Ingat ka doon ha!" Inabot ni Mama sa akin ang maleta.

"Opo ma, kayo din ingat din kayo dito ha!"

"Marco, pag-ingatan mo si Shane ha! Saka wag mong syo-syotain!" Pagbibiro ni mama. Kamot ulo na lang siya.

"Ano ka ba naman Louisa! Walang problema 'yon, nasa tamang edad na sila. At bagay naman sila e."

"Ma!" Sabi ni Marco kay tita Yolly ng angal.

"Joke lang naman, sige na! Goodbye! Ingat kayo doon sa condo."

Sumakay na kami sa taxi.

"Tama ba itong ginagawa natin Marco?"

"Anong ibig mong sabihin?" Kunot-noo niyang tanong.

"Eh di 'yung paglipat natin sa condo!!!" Pasigaw ko.

Nagkamot siya ng ulo, "ah 'yon ba? Ahh oo tama naman, kasi.. Malayo ang bahay natin sa hospital 'di ba?! Kaya tama lang na lumipat tayo sa condo na malapit sa hospital para malapit na din tayo."

"Uhm namimiss ko na kasi mama ko e." Nag-pout ako sa kanya.

"Ako din naman e namimiss ko na din mama ko, sayang nga lang si papa umuwi sa south korea tapos hindi na bumalik. Alam mo sabi ni mama sa una lang daw 'yan pero sa huli? Masasanay ka din." Explain niya, may point naman siya.

Makailang sandali, nandito na din kami sa condo.

Nag-punta kami sa information para mag-inquaire kung may bakanteng unit.

Tinuro sa'min ang unit. At namagandahan namin ito.

"Ang ganda naman dito sa room na ito, magkano po pala bayad dito buwan buwan?" Tanong ko.

"Mga PHP15,000 po." Sabi ng babae sa amin.

"Uhmm, ok po."

"Sige po, alis na po ako, ok na po kayo dito?"

"Oo, komportable naman, salamat!" Sabi naman ni Marco bago tuluyang umalis ang babae.

"Ang ganda dito 'no? Sa condo talaga, meron ng kama, at iba pa. Talagang may gamit na ah!" Ingnoranteng sabi ni Marco.

"Hahaha! Oo nga e, sige na ayusin na natin 'yong gamit natin."

Inayos na namin ang gamit namin, pagkatapos ay nagpahinga na rin.

"Labas muna ako ah!" Paalam ko.

"Saan ka naman pupunta?"

"Ahh, tawagan ko muna si mama at sabihing nandito na tayo."

"Sige! Pahinga lang muna ako!" Sabi niya habang tinaas niya ang kanyang dalawang kamay at inilagay sa ilalim ng ulo niya tapos nakatihaya pa, hays! Relax na relax!

Hindi na ko sumagot pa sa kanya at lumabas muna ako dito. Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si mama.

"Ma nandito na po kami sa condo." sabi ko kay mama.

"Talaga anak? Mabuti naman! Ingat kayo dyan ah. Pasok ka na sa trabaho mo baka malate ka." Alalang sabi sa akin ni mama sa kabilang linya.

"Sige po mama, ako na po bahala. Ingat din po kayo! I love you!"

"I love you too! Mwah! Mwah! Bye!" Agad na niyang binaba ang phone.

Nagulat na lang ako habang nilalagay ko ang cellphone ko sa bag ko nang biglang bumukas ang pinto na nasa tapat ko. Lalo akong nagulat dahil ang bumukas ng pinto ay walang iba kundi si..

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon