#LITHCWhileInTheFuture
ΠShaneΠΠTaong 8524Π
Ngayon, andito ako sa isang kwarto.. Mabuti na ako lang mag-isa rito. Parang walang nakatira dito parang isa itong abandon o haunted house.
May nakita akong terris dito sa harapan ko kaya naman tinignan ko muna ang holy water doon sa mesa at nagpunta muna ako doon.
Isa din pala itong condo nagkakamali ako akala ko bahay saka tama ako walang nakatira sa unit na ito, pag titignan mo 'yong pinto talagang may button na hindi na 'yong doorknob. Ganda ah!
Napakaganda pala in the future ang dami mong makikitang maganda dito sa labas.
Iyong mga building ay mukhang napakatibay, feeling ko itong pilipinas ay sobrang unlad na dito.
Nakita ko ang mga tao sa baba, nag-uusap iyong iba ay nagsecellphone.. Pansin ko ding ibang-iba na ang cellphone nila. Hindi kasi tinatouch.
Parang gusto kong lumabas kaso bawal dahil baka maligaw ako dahil sobra ang pagiging ignorante ko.
Siguro nag-aalala na sila mama doon, at hinihintay ako. Kaya kailangan ko nang umalis dito.
Palabas na sana ako dito sa pinto ng terris nang biglang may nagbukas ng pinto doon.
Bigla naman akong nagtago dito sa mesa na ito. Baka kasi makita nila ako. May taong pumasok babae at lalaki at mukhang kasing edad ko.
"Bat may holy water dito?" Nagtatakang tanong nung lalaki.
"Oo nga saka bat lumiliwanag 'yong salamin dito. Nakakatakot naman dito sa condo unit naten." Sabi nung babae sa lalaki.
"Ang mabuti pa basagin na lang natin 'yong salamin tutal hindi naman natin kailangan nyan at saka 'yong holy water is aten na lang para proteksyon sa mga masasamang espiritu." Sabi nung lalaki na ikinagulat ko naman.. Hindi! Hindi pwede!
Kumuha ang lalaki ng isang gamit para ipambasag sa salamin. Pagkakuha niya ay kinabahan ako kaya no choice na lumabas ako dito.
Napasigaw 'yong babae at nabitawan naman nung lalaki iyong hawak-hawak niya.
Pansin kong napakaganda ng suot nila kumpara sa 2017, ganito pala sa malayong panahon napakaganda na.
"Sino ka?!" Gulat na tanong ng babae, "bat ganyan hitsura mo? Saka bakit ka nandito?" Gulat na gulat pa ring tanong ng babae na ito.
"Oo nga, paano ka nakapasok dito sa condo na ito?" Tanong naman ng lalaki. Shett kinakabahan na ako!
"Ahh.. K-kasi." Kinakabahan kong pagkakasabi.. Hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Kung pwede lang, umalis ka na dito! Magnanakaw ka ba?!" Nakakatakot na sabi sa akin nung lalaki.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...