A/N - 2 chapters to go.. Pero madami pa ding mangyayari. Sobra po talaga ako nagpapasalamat sa pagbabasa niyo hanggang dito! Very thanks po talaga! Merry Christmas po sa inyo! Π:')Π
__________________
#LITHCAngAraw
ΠAfter 1 weekΠ
ΠShaneΠ
Nakakalungkot man pero pinilit naming tanggapin ang nangyayari ngayon kay Abigail. Sabi niya na kailangan naming magpakatatag at sabi niya para daw hindi kami maguilty gawin ko na matalo ko si Devil Alfred.
Maaga kami nagising ngayon 4AM, dahil mamaya ang libing ni Prof. Khen, napakabilis lang ng mga panyayari talaga.
"Anak! Mamaya pala ililibing na si Professor Khen niyo.. Kailangan na nating maghanda dahil mahaba-haba din ang ating lalakarin para makarating sa lugar kung saan ililibing si Khen." Sabi ni mama sa akin, nakakaano lang dahil napakabilis ng pangyayari kasi ililibing na kaagad si Prof. Khen.
"Sige po. Ano po palang oras 'yon?"
"Sabi ni Venus ay 9AM daw. Pero maaga pa dahil 5AM pa lang." Pagkatapos sabihin ni mama 'yon ay umupo ako sa kama. "Oh anak bakit? Iniisip mo pa din ba 'yong kay Abigail hmmm?" Nag-aalalang tanong ni mama sa akin.
"Opo e. Saka 'yong pag-atake ni Alfred sa atin next week. Nakakatakot talaga!"
"Hayaan mo pagdadasal ka namin sa oras na dumating iyon. Hindi ka nag-iisa sa laban na ito, maraming nadamay sa kalokohan niya pati ang mga inosente na nakaalis sa condo at nakatira dito sa condo.. Wala talaga syang konsensya!" Sabi ni mama at inihiga niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Kaya nga e. Kung naririnig niya 'to sana maisip niya ang kahihinatnan ng iba. Maraming madadamay."
"Alam mo anak. Kahit ganon wagas manakot si Alfred sa atin manalig pa din tayo sa Diyos." Pagkatapos niyang sabihin 'yan ay kinuha ko ang holy water at libro sa cabinet.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...