#LITHCPaghaharap
"Mag-me-may na! Ang bilis ng araw grabe." Ani Marco.
"Oo nga e, isipin mo mga bata pa lang tayo pero ngayon eto na tayo."
"Tama ka! Gumwapo na ako kaysa noon."
"Mukha mo! Ako rin naman." Pagkasabi ko nun bigla na lang akong natisod.
"Ay sorry sinasadya." Tumingala ako at 'di ko inakala na si Kimberly pala ang tumisod sa akin.
"Ano bang problema mo Kimberly?" Tanong ni Marco habang tinatayo ako.
Nagpunta si Kimberly sa harapan ni Marco at hinimas-himas niya ang mukha neto.
"Wala? Bakit gusto mo ikaw ang itisod ko? Ay wag na matigasin ka e, hindi kita kaya. Sige na alis na ako baka kung ano pa masabi ko. Goodbye Marco." Ngumiti siya kay Marco, tinignan niya ako at tinarayan lang.
"Ang kapal ng mukha non! Siya na nga may kasalanan tapos siya pa may ganang sabihin 'yon!"
"Hayaan mo na 'yun simula nung mga bata pa tayo ganyan na sa akin 'yon pero pinapabayaan ko na lang. Ayaw kong palakihin ang away dahil walang tigil lang ang sumbatan niyan."
...
"Hi doctor Yoon ang ganda niyo po! Hi din po doctor Do ang gwapo niyo." Sabi ni nurse Ginny sa amin.
"Hello din nurse Ginny napakaganda mo ngayon." Bati ko sa kanya.
"Oo nga." Kay Marco.
"Hihihi! Thanks po."
Umalis na siya sa harapan namin. Si Ginny batang nurse lang siya. Mga nasa 16, 'yun kasi course niya.
"Marco sa tingin mo masaya ba maging isang doctor?" Tanong ko sa kanya.
"Oo naman, masarap sa feeling kapag may narerevive kang pasyente."
"Oo nga e."
"Hmmm, Shane bakit pala nung niyakap mo si Master Dan bigla kang nahimatay?" Napatigil ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung sasabihin ko ang totoo pero magpapalusot na lang ako.
"Ah 'yun ba? Kasi naramdaman kong nahihilo ako, so siya ang malapit sa akin kaya niyakap ko siya kasi feeling ko mahihimatay na ko non e, hindi basta basta hilo lang. Bakit mo natanong?"
"Ah wala. Sige na punta na tayo sa meeting natin."
Habang naglalakad kami napatigil kami sa lalaking nasa harapan namin.
"Hey Shane!" Bati niya sa akin.
"Joey? Anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong.
"Ikaw ba 'yan Joey? Parang hindi?" Kunot noong sabi ni Marco kay Joey.
"Oo ako 'to pre! Hindi mo ba naaalala?"
"Dati kasi nerd ka tapos ngayon magkalevel na tayo? Hindi ako makapaniwala na ikaw na 'yan Joey." Nakangiting sabi ni Marco kay Joey.
"Hehehe. Mas lamang ka pa din sa'kin. Wait nga pala Shane, mabuti nakabalik ka?"
"Anong ibig mong sabihin Joey? Ano 'yun Shane?" Inosenteng tanong ni Marco. Hays! Muntik na 'yun.
Tinignan ko siya ng parang pinapahiwatig ko na huwag niyang sabihin. Ngumiti na lang siya sa akin.
"Ah 'yun ba Marco! Ah ang ibig kong sabihin nakabalik na siya sa.. Condo.. Kasi nga.. Ahmm.. Nagkita kami e gabing gabi na siya nakauwi dahil sa kwentuhan nagpunta pa nga kami sa restaurant. Nong sabado 'yon,"
"Ahh ganon ba Joey. Akala ko kasi kung ano e napaparanoud ako."
"Ok lang 'yon. Sige na alis na ako hinihintay pa ako ng girlfriend ko sa park, ipapakilala ko siya sa inyo kapag may time na kayo. Bye!"
"Sige bye!" Paalam naming dalawa.
Nakakunot pa din ang noo ni Marco at parang iniisip niya yata 'yung sinabi ni Joey sa akin na muntik na niyang masabi ng diretso kay Marco.
Habang nasa meeting kami natigil ako at natitig sa kanyang sinabi dahil tungkol ito sa isang pasyenteng nakakakita ng mga multo at iniisip nilang lahat na baliw ang pasyente na 'yon.
"Sang-ayon ba kayo doon sa pagpapakulong upang gumaling sa mental hospital ng pasyente na 'yon?" Tanong ni Master Dan sa aming lahat
"Opo." Sang-ayon nilang lahat maliban sa akin.
Tumayo ako. "Master Dan! Hindi po!" Sigaw ko at napatingin silang lahat sa akin na nakakunot ang noo.
"Bakit naman Shane? May mali ba?"
"Gusto ko lang po makausap 'yung pasyente."
"Okay, sige." Sagot na lang niya sa akin.
...
Pumasok ako dito sa kwarto ng sinasabi nilang pasyente na nakakakita ng multo. Gusto ko siyang kausapin. Gusto kong malaman na bakit nakakakita siya ng mga multo katulad ko.
Pagpasok ko dito ay nakita ko lang siyang nakatalikod at nakaupo sa kanyang higaan, at titig na titig siya sa may bintana.
"Sino 'yan?" Tanong niya.
"Ako lang 'to si doctor Yoon." Sabi ko sa kanya ng mahinahon.
"Bakit ka nandito? Sasabihan mo din ba akong baliw dahil nakakakita ako ng multo? Totoo naman ang sinasabi ko ah. Nakakakita ako." Nilapitan ko siya, "huwag kang lumapit!"
"Naiintindihan kita." Inakbayan ko siya.
Lumingon siya sa akin, "anong ibig mong sabihin babae?"
"Ako si Shane kaya huwag mo na kong tawaging babae, ikaw sino kang lalaki ka?" Tumingin na siya sa akin ng masinsinan, gwapo din siya.
"Ako si Rafael, ang pinakagwapo at makisig. Ayan na ha! Sandali lang, anong ibig mong sabihin bakit sabi mo naiintindihan mo ko?"
"Dahil kagaya mo ko nakakakita ng mga multo. Hindi alam 'yon ng mga magulang ko at maski mga kaibigan ko. Hindi nila alam, gusto kong ilihim 'yon at ako lang ang nakakaalam."
"Ganon ba? Pero para sa kanila mga baliw tayo, baka dalhin talaga nila ako sa mental hospital." Malungkot niyang sabi.
"Huwag kang matakot, ako ang bahala."
"Bakit malakas ka ba?"
"Hindi, pero sasabihin ko ang tunay na pinapahiwatig mo sa kanila. May naisip akong palusot."
"Anong palusot?" Ngumiti na lang ako sa kanya.
...
"Hmmm. Okay naman siya, normal lang talaga na mamamalikmata dahil may pagkakataon ding lumalabas ang third eye natin pero 'yong sa kanya ay malikmata lang talaga, hindi ko ma-explain pero 'yun 'yon." Explain ko.
"Paano mo naman nasabi Shane?" Tanong ni Master Dan.
"Hmmm, ayon sa sintomas na 'yan may iniisip lang tayo, mga problema ganon kaya napaparanoid ang isang tao."
"Okay so.. Hindi naman talaga siya nababaliw kaya pwede niyo na siyang iuwi."
"Maraming salamat po talaga, marami lang problema 'to si Rafael. Sige na uwi na po kami. Maraming salamat po ulit." Sabi ng mama neto.
"Ah ma, pwede bang mag-usap lang kami ni doctor yoon na kaming dalawa lang?" Permiso ni Rafael sa kanyang nanay.
"Sige. Basta puntahan mo na lang ako don sa labas nakaupo lang ako doon."
"Sige po."
Umalis na nga ang nanay ni Rafael at si Master Dan kaya kami lang anh naiwan dito dalawa.
"Thank you Shane ah, ngayon iniisip na nilang namamalikmata lang ako. Thank you talaga."
"Wala 'yun, maliit na bagay."
"Sige, 'yun lang maraming salamat ulit goodbye Shane."
Pagkatayo ni Rafael bigla siyang natigilan at parang may tinitingnan siya sa likod ko.
"Rafael, tulungan mo ko." Napalingon kaagad ako sa likod ko.
"Kimberly?"
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...