A/N - May isheshare lang ako, kapag nagbabasa tayo may kulay *white, black at brown color background* hmmm kapag fantasy ang storya *white* kapag horror *black* kapag romance, teenfiction ganon ay *brown* wala share ko lang. Magaan lang loob ko kapag ganon, comment nga po kayo kung kayo din ay gan'to or hinde hahaha!
#LITHCPabor
Gabi. Lumabas kami ng hospital at sumakay mg taxi. Wala naman kami halos napagkwentuhan, mabilis din kaming nakarating dito sa condo. Si mama naman naiwan sa taxi upang diretso na sa bahay namin,
"Bye ma!" Paalam ko kay mama.
"Sige 'nak! Marco ingatan mo si Shane ah. Sige na bye!" Pagkasabi niya nun isinara ko na ang pinto ng taxi saka na kami pumasok dito sa condo.
Pagkarating namin dito sa condo ay rinig naming mga tao ay nagsisigawan. Hindi namin alam kung ano 'yun.
"Ano 'yun? Tara punta tayo doon tignan natin!" Ani Marco at hinila niya ako palapit sa may mga tao.
Ngayon nandito na kami sa mga tao. Kita namin na mayroong patay na babae sa isang unit. Napahawak ako sa aking bibig dahil sa nakita ko, duguan siya at mukhang bali bali ang katawan.
"Tulungan mo ko! Alam kong nakikita mo ko, bigyan mo ako ng hustisya sa pagkamatay ko." Napalingon ako sa nagsalitang 'yon. Isang kaluluwa ng isang babaing namatay.
"Shane? Anong tinititigan mo? At parang tinititigan mo 'yung labas?"
Hindi ko siya pinansin at hinabol ko ang babae. Gusto kong malaman kung ano ang kanyang pabor sa akin.
"Shane? Bakit ka tumatakbo? Umuwi na tayo kailangan mo pang magpahinga dahil kagigising mo lang kanina! Sandali Shane?" Patuloy pa din ako sa pagtakbo. Tumigil muna ko at humarap sa kanya.
"Marco, umalis ka muna dito may kailangan pa akong kausapin, sige na!"
"Sino namang kakausapin mo?" Kunot noo niyang pagkakatanong sa akin.
"Basta! Sige na umuwi ka na!" Tinulak tulak ko siya at agad naman siyang sumunod, kamot ulo pa siya bago siya umalis sa harapan ko upang umuwi.
Nakita ko ang babae na sumakay sa elevator at sumakay din ako. Medyo madilim dito sa private place na ipinunta namin saka walang taong dumaraan saka wala 'ding nakatira dito sa unit na nasa harapan ko.
"Ano naman maitutulong ko sa'yo?" Tanong kong mahinahon.
"'Yun lang! Bigyan mo ako ng hustisya sa pagkamatay ko. Alam kong malakas ka, kailangan mong talunin ang isang demonyo. Ako si Angela. Sana maging matagumpay ka sa hiling ko. Kailangan ko ng magpaalam sa'yo. Goodbye alam kong kayang kaya mo ang lahat ng iyan. Sana matupad mo ang aking sinasabi."
"Sige!" Ngumiti ako sa kanya ganon din siya bago siya sumama sa liwanag.
Ngumiti ako ng mag-isa.
Pangako ko Angela tatalunin ko ang demonyo na sinasabi mo. Sana maging masaya ka dyan. Bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay mo.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...