Chapter XXXIV

434 9 1
                                    

A/N - May isheshare lang ako, as a wattpad reader. Di ko iniintindi ang mature content ng story basta open minded ako. Wala lang ganun ako e saka as my opinion, kapag may mature content ang story di ibig sabihin ay 18+ age ang pwede magbasa non, para sa akin ay pwede ang mga below dyan basta open-minded, ikaw po bahala basta 'wag seryosohin..sabi ko nga storya lang habol ko hahahhaa, I'm 15 years old e hehehhe! Comment if ganun din kayo or hinde hehehhe!



#LITHCUrge

ΠKhenΠ

"Khen?" Nakangangang tawag niya sa pangalan ko.

"Oo ako nga, Louisa." Ngumiti ako sa kanya.

"Pasok ka muna halika." Aya niya sa akin, pinaupo niya ako sa sofa nila at kinuhanan ako ng juice, "paano ka pala nakarating dito? Paano mo nalaman na dito kami nakatira?" Nagtatakang tanong niya sa akin.

"Nalaman ko lang, kasi nung napadaan ako dito sa lugar na ito nakita ko kayo ni Shane na pumapasok dito sa condo kaya nalaman ko kung saan kayo nakatira. Wait? Bakit wala na kayo sa bahay niyo?" Natigilan siya sa aking tanong.

"Ahhh kasi 'yung bahay namin may nagpasabog, hindi nga namin alam kung sino talaga ang may pakana non kahit na pina-imbestigahan namin pero nang nagtagal-tagal hinayaan na din namin. Tinanggap na namin na wala na 'yun." Nalungkot ako sa sinabi niya.

"Ahhh. Ganon ba.. Pero ang mahalaga ligtas kayo at sama-sama kayo magpamilya." Pagkatapos kong sabihin 'yon may biglang sumulpot sa amin, si Yolly.

"'Di ba Louisa, ito 'yung ex mong habulin ng chicks! Wala pa 'ding pinagbago hot na hot pa din at sobrang gwapo pa din. May anak ka na ba? May asawa ka na ba?" Madaldal pa din talaga 'to si Yolly. Pero 'yung tanong niya sa akin baka kapag sinagot ko pagtatawanan lang ako nito.

"Sa ngayon wala pa e. Single pa din ako." Tumili siya sa sinabi ko.

"Amm pwede pa pala hahaha!"

"Tumigil ka nga jaan Yolly nakakahiya sa bisita e." Suway ni Louisa sa kanya.

"Nahihiya kasi gwapo ayst maiwan ko na nga kayo jan. Oops wait? Asan na 'yung kakambal mo Khen?" Napatigil ako sa kanyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko dito kay Yolly, "mas gwapo kasi 'yun sa'yo kaya crush ko 'yun nung high school pa tayo. Asan na pala siya?"

"S-Si Alfred. Ano e. Nagpunta ako dito para sa kanya, gusto kong humingi ng tulong sa inyo."

"Anong ibig mong sabihin Khen, nawawala siya?" Gulat na tanong ni Yolly.

"Sige Khen, ayos lang sa amin 'yun. Ano ba ang maitutulong namin sa'yo para kay Alfred?" Nakatitig niya sagot sa akin. Napakaganda pa din niya kahit anong mangyari.

"Amm. sige na nga sabihin ko na nga.."

"Na alin? Huh?" Kunot-noong tanong ni Yolly sa akin.

"Oo nga Khen? Ano ba 'yung sasabihin mo sa amin?" Tanong naman ni Louisa.

"Kasi.. Si Alfred patay na." Nagulat sila sa aking sinabi.

"What? Bakit naman siya namatay. OMG! Khen ah hindi ako makapaniwala na 'yung super crush ko is wala na pala. So sad."

"Wait balik tayo sa pinag-uusapan natin, ano ba 'yung tulong na hinihingi mo sa amin?" Tanong ni Louisa nanaman sa akin, hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi e. Baka kasi hindi sila maniwala sa aking sasabihin.

"Oo nga! Sabihin mo na huwag ka ng mahiya! Pogi ka naman e. Pero mas pogi pa din si Alfred." Maarteng sabi ni Yolly sa akin.

"Kasi ano e. Si Alfred isa na siyang multo."

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon