Chapter III

1.4K 43 9
                                    

#LITHCBestfriendsForever

ΠAfter 17 yearsΠ

"Anak! Bumaba ka na dyan, nandito na ang sundo mo." Sigaw ni mama mula sa baba habang nag-aayos ako.

"Opo mama! Sabihin niyo hintayin na lang niya ako."

Pagkatapos kong sumigaw, tamang-tama ayos na ako at pwede na akong bumaba. 5th year college na pala ako, course ko doctor, kaya hanggang 5th year. Bukas graduation ko na. 5'4 na ang height ko at maputi tapos kasama ko pa rin si Abigail hanggang ngayon.

"Alam mo, Shane. Nakakainggit ka! Ang ganda-ganda mo kasi tapos naka-civilian ka pa. Ano kayang pakiramdam ng ganyan?" Si Abigail ay malaki na din, akala ko nga hindi siya lalaki eh. Masaya ako na nagsabay kaming lumaki. 'Yung damit niya nung bata pa kami ay damit pa din niya hanggang ngayon.

"Ayos lang naman."

"Siguro masarap mabuhay." Kitang-kita ko sa kanyang mukha ang lungkot. Mukha ngang gusto niyang mabuhay.

"Anak! Bilisan mo!" Sigaw ni mama mula sa baba.

"Opo! Nandyan na!" Sigaw ko. "Sige na alis na ako Abby ha!" Hindi ko na siya tinatawag na Abigail, Abby na lang para cute.

"Sama na lang ako." Napatitig ako sa kanya.

"Talaga? Sige! Basta huwag mo akong kakausapin kapag kaharap ko silang lahat ha!"

"Bakit? Natatakot ka na awayin ni Kimberly?"

"Hindi naman sa ganon Abby, pinagtatanggol naman ako ni Marco eh saka ikaw pinagtatanggol mo din ako."

"Sige, pero ang sasabihin ko lang sa'yo na huwag kang umasa na lagi ka naming pagtatanggol. Paano kapag wala kami? Hindi ka lalaban?"

"Lalaban kapag nasa katwiran." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Tama! Tara na alis na tayo, baka hinihintay ka pa ni Marco sa baba, Shane."

"Oo nga eh! Baka naiinip na 'yon." Nagtawanan kaming dalawa ng mahina.

Ngayon. Nandito na kami sa baba. Hindi ko muna kinakausap si Abby para hindi mahalata ni Marco.

"Anak, ingat kayo ha! Tapos ikaw Marco, ingatan mo si Shane ha!" Sabi ni mama kay Marco na nag-aalala.

"Sige po, ako na po bahala kay Shane, annyeong po." Ngumiti siya kay mama at umalis na kami.

"Grabe ha! Shane, haba ng hair! Po-protektahan ka ng isang gwapong katulad ni Marco!" Sabi ni Abby mula sa likod, napangiti ako sa sinabi niya alam kong nararamdaman ni Abby 'yong ngiti ko.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon