Sa nalalapit na pagtatapos..
#LITHCExtremeRevelation
ΠShaneΠ
Habang nagcecellphone ako dito sa sofa is nagitla ako nang may nag-doorbell sa labas. Mga limang beses nag-doorbell bago tumigil.
"Sino ba 'yon, Shane?" Tanong ni Marco habang naroon sa kusina nagsisipilyo.
"Wait, bubuksan ko pa."
Kaya nagpunta na ako sa pinto at agad na binuksan ko ito. Nagulat ako na sila mama at tite Yolly pala ang pumasok.
Agad silang pumasok sa loob at naupo sa sofa na pagod na pagod.
Pagkasara ko nong pinto, agad naman akong nagpunta kila mama at tita Yolly.
Si Marco naman ay tapos na mag-sipilyo kaya naman nagpunta na rin siya dito.
Nagtataka ako na ganyan ang pinapakita nila mama at tita Yolly. Parang... Problemada silang dalawa.
"Ma? Tita? What's up?!" Nag-kibit balikat ako at tumingin sa kanila nang diretso.
"Shane." Sabay na tawag nila mama.
"Hmmm? May sasabihin po ba kayo?" Kunot-noo kong tanong.. Feeling ko surprise party sa birthday ko charot!
Dadating muna ang pagtutuos namin kay Alfred bago dumating ang birthday ko. Kaya hindi ko alam kung makakapag-23rd birthday pa ako o hindi na.
"Ma, bakit ganyan po 'yong tono niyo. Parang.. Naiiyak?!" Takang tanong ni Marco kay tita. Oo, maski ako ganyan din ang pinagtataka ko sa kanila.
"Dahil may nalaman kami," Sabi ni tita Yolly na nakayuko, "na may kinalaman sa 'yo Shane." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya.
"Ano pong kinalaman ko po?" Gitla kong tanong.
"Nakausap namin si Khen, alam naming alam niyo na kilala niyo din si Devil Alfred. Sinabi sa amin ni Khen ang lahat-lahat. Galit si Alfred kay Khen dahil lahat nasa sa kanya na. Kaya hanggang sa naging demonyo siya at napakalakas. Nakakatakot na siya dahil sarili niyang kakambal at magulang ay pinatay nya." Sabi ni mama sa akin.
"Opo alam na namin po 'yan, nasabi na po 'yan ni Abigail sa amin." At pagkatapos kong sabihin yan kay mama ay biglang umiba ang reaksyon nila. Shit! Nasabi ko 'yong kay Abby.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...