#LITHCInTagaytay
ΠShaneΠ
"Shane, gising na andito na tayo sa tagaytay." Yugyog sa'kin ni Mike hanggang sa ako'y magising.
"Ay. Yes! Pero bakit parang andaming nangyari nung tulog ako? May ginawa ba kayong lahat?"
"Wala ah!" Nagkatinginan pa silang dalawa.
"Sus! Wala! Inubos niyo 'yung chips niyo 'di man lang kayo nagtira. Pero ako sorry meron pa ko at dalawa pa." Pagpapainggit ko sa kanila, pinakita ko pa sa kanila 'yung dalawang piatos kong malaki na color green.
"Uy, Shane, penge kami niyan ah." Sabi ni Kimberly, Hahaha! Natakam ko pala silang dalawa hahaha.
"Oo nga, Shane, please." With beautiful eyes pang pagkakasabi ni Mike. Ang cute niya talaga!
"Tsk! Oo na, tara na tayo na lang naiwan dito oh." Pagpapaalala ko sa kanila at nagulat naman silang dalawa sa pagpapaalala ko hayst.
Nang makuha na namin ang bags namin ay hinabol namin sila Marco papunta sa direksyon nila.
"Dali! baka maligaw tayo dito." Reklamo ko sa kanila. Kasalanan kasi nila 'to kasi nakipagkwentuhan pa sila sa akin.
Pero kahit ganon nasundan pa din naman namin sila Marco at ngayon nandito na kami sa bahay na tutuluyan namin.
"Pasensya na kayo dito ah. Medyo di pa maayos kasi di pa namin nalilinis dahil na rin sa malayo kami at saka sa rest house lang namin 'to tuwing pumapasyal kami dito sa tagaytay." Sabi ni Joey sa amin na para bang nahihiya pa siya sa amin.
"Oks lang 'yun, Joey. Ano ka ba! Ay alam ko na linisin na lang kaya natin 'to? Maaga pa naman e." Sabi ko sa kanila.
"Sorry, pero male-late kami sa play e. So, ngayon aalis na kami. Kung gusto niyong manuod sumama na lang kayo sa amin." Sambit ni Marco habang nagpapatalbog pa ng bola.
Nagulat kami dahil may pumasok sa bahay namin, 'yung apat lang pala na ka-player nila.
"Oh andito na pala kayo. Mas nauna pa pala kami sa inyo." Sambit ni Joey.
"Nasa court lang kami nag-aantay pero half hour pa naman bago mag-simula. Bumalik kami dito at tinignan namin kung andito na kayo mabuti na lang andito na kayo. At saka kasama niyo pa pala girlfriends niyo." Sabi nung ka-player nila na medyo payat pero may muscle.
"Naku! Hindi namin sila girlfriend. Si Marco at... K-Kimberly lang ang mag-syota dito.. Amm, Shane." Sagot ni Mike sa kanila kaso parang natatakot siya dahil muntik na niyang masabi na Abigail.
"Oo nga, saka di pa ko ready diyan hanggang crush pa lang ako." Sagot ko sa kanya. Si Joey naman ibinreak si Kimberly dahil ito ay nasa katawan ni Lara, nakakalungkot man pero ito at tinanggap niya din.
"Ahh ganun ba sayang naman. By the way. I'm Zach. Nice to meet you." Pagpapakilala niya sa sarili niya sa'kin. Zach pala pangalan nito'ng medyo payat pero may muscle.
"Ammm nice to meet you too." Sagot ko sa kanya. Kinawayan niya din si Kimberly at Abigail pero ngiti lang ang nakuha nila dito.
"By the way, siya nga pala si Gary." Pagpapakilala niya sa'min kay Gary, si Gary ay malapad na lalaki pero yummy para siyang si Mr. Gabby Conception.
"Hi! Nice to meet you girls." Bati neto.
"He's George." Si George ay nakasalamin saka pogi at may katamtamang katawan lang.
"Hello." Medyo nahihiya niyang bati sa amin.
"And then he's Darius." Si Darius naman ay medyo bata pa siguro 17, high school pa lang ata 'to e. Kumaway lang siya sa amin at wow may dimples hahaha!
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...