Chapter LX

299 7 2
                                    

A/N - Ito pong storyang ito ay 5k reads na salamat talaga! Thanks for read, vote, comment then sa pag-follow sa akin. Thanks po talaga! Lovelots! Tumagal tuloy ito dahil sa inyo hehe. SPG- tema, lengguwahe, karahasan at horror. Hehe.

______________

#LITHCParaanNiKhen



ΠShaneΠ

"Ah sige bye!" Paalam ko kay Mike.

"Sige pre!" Sabi ni Mike kay Marco at sinuntok pa nya ito sa may balikat.

Nagkangitian na lang kaming lahat bago siya makapasok.

Pipindutin ko na sana 'yong doorbell nang hawakan ni Marco iyong braso ko.

"Bakit Marco?" Kunot noong tanong ko sa kanya.

"May gusto ka pa ba talaga kay Mike?"

"Malamang! Gusto ko siya! Haha, pero kahit hindi niya ako gusto.. Ok lang basta friends kami." Sabi ko sa kanya at ipinindot ko na ang doorbell.

"Okay, sabi mo e. Sana talaga handa tayo sa paglaban kay Alfred."

"Talagang handa, hindi tayo papatalo sa kanya." Matapang na pagkakasabi ko kaya nag-doorbell ulit ako nang dalawa.

"Bakit walang bumubukas?" Nagtatakang tanong nya.

"Kaya nga ei. Wait mag-do-doorbell ulit ako nang tatlong beses." At 'yon nga ginawa ko iyon kaso ilang minuto ang lumipas wala pa din.

"Baka naman walang tao dyan. Gamitin na kaya natin 'yong card." Sabi nya.

"Mabuti pa nga." Kaya naman kinuha nya ang card sa bulsa nya at ibinigay sa akin.

Kaya iswinipe ko 'yong card at agad naman itong nagbukas kaya naman agad kaming pumasok dito sa unit namin.

Nakasara ang ilaw pagpasok namin dito kaya naman ginamit ko na lang 'yong flashlight sa phone ko and pinindot ko ang bukasan nang ilaw.

"Saan kaya sila?" Tanong ni Marco na nagtataka. Ako din nagtataka dahil wala sila dito. Saan kaya sila nagpunta? "Siguro nag-bonding lang sila. Ayts hayaan na nga lang natin."

"Oo nga saka minsan lang sila mag-bonding na silang dalawa lang so, tara kain muna tayo."

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon