Chapter XIII

623 17 2
                                    

#LITHCKakampi

"Gwapo mo talaga Marco!" Sabi ko sabay kagat labi.

Nagulat na lamang ako na nagising na siya at nagulat. Agad siyang kumuha ng kumot at itinakip ito sa banda baba niya.

"Bakit ka nandito Shane?" Nagtataka niyang tanong, "alam mo namang private tayo 'di na? Pinagpapantasyahan mo ba ako Shane?"

"A-ah.. Marco kasi.."

"Hay naku! Sige na umalis ka na! Bumalik ka na sa kwarto mo! Joke lang ang aking sinabi, alam ko namang si Mike ang gusto mo e. Nagulat lang talaga ako." Nag-kamot ulo pa siya.

"Sige!" Tanging sagot ko lang.

Kinakabahan ako dahil baka makahalata siya na may nagbago kay Shane. Dahil sumanib ako. Gusto ko lang naman maranasan mabuhay e, masama ba 'yun?

ΠShaneΠ

Bumangon ako dahil nagising na ako. Tumayo ako at nakita ko sa orasan ay mga nasa 1PM na.

"Pakshet! 8 am ang pasok ko tapos bakit ganito? Late ako! Hindi man lang ako ginising ni Marco. Nakakataranta!!" Naiinis kong pagkakasabi sa sarili ko.

Dumiretso ako hanggang pintuan. Pagka-diretso ko ibubuksan ko na ang pinto pero bigla na lang ito tumagos sa akin.

"Wait? Bakit ganon?"

Tinignan ko ang aking braso at saka nakita ko sa sarili ko ay kulay puti na ako.

"Sandali? Patay na ba ko? Bakit ako naging isang kaluluwa? Saka.. Baka umalis si Marco dahil pupunta siya sa burol ko. Grrr! Pakshet bakit ako namatay?? Ang bilis naman!!" Natataranta kong sabi sa sarili ko.

Tumakbo ako ng tumakbo. Hindi man lang ako nakakaramdam ng pagod. Hindi ako makasakay dahil isa na akong kaluluwa, at hindi ako makikita ng mga tao.

Okay na 'tong ganito.

Ngayon nandito na ako sa bahay namin, nakita ko sa bahay namin na wala namang naka-burol saka nakasarado ang bahay namin. Wait? Which means..?

?

Ewan! Naguguluhan ako!

Pagkatalikod ko ay may na-tagusan akong isang lalaki.

"Shane?" Napalingon ako sa lalaki.

"S-Sino kk-a? Aaah n-nakikita mo ko?"

"Oo! Hindi mo ba ako natatandaan Shane? Ako si Joey Velazquez! Ako ang kaklase mo noong elementary, best friend mo ko bukod pa kay Marco dahil parehas tayong may third eye, nagkahiwalay nga lang tayo dahil lumipat ako sa ibang lugar nong nag-high school tayo!" Wait? Ayun! Natatandaan ko na!

"Ah! Ikaw ba 'yan talaga Joey A.K.A. Boyboy! Tawag ko 'yun sa'yo 'di ba?" Tinuro ko pa siya nung sinasabi ko 'yan.

"Oo! Ako nga Girl girl!"

"Aba! Lalo kang gumwapo ah! Kamusta ka?" Nagtawanan kaming dalawa.

"Ok lang naman ako. Sandali? Patay ka na Shane? B-bakit ka naman namatay?"

"H-hindi ako namatay, kahapon may katawan pa ako pero pagkagising ko kanina.. Ganito na ako, kaluluwa na." Nagulat yata siya sa aking sinabi.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon