Chapter XXIII

488 15 1
                                    

#LITHCTell

"Mike?!!!!" Sabay naming gulat na gulat na tanong kay Mike.

Agad namin siyang pinapasok sa kotse ni Lara. Umupo lang siya sa likod.

"Mike? Ahhh, I don't know how to say this! Bakit naman hindi mo sinabi sa amin na nakikita mo ko?" Tanong ni Kimberly kay Mike habang nag-di-drive.

"Kasi ayaw kong mapahamak, hindi ko makakaya 'yun!" Sabi niya.

"Paano ka nagkaroon ng third eye Mike?" Tanong ko naman.

"Kasi.. Nagpabukas ako ng third eye, dati nakakaramdam lang ako pero ngayon nakakakita na ako, ginawa ko lang 'yun kasi gusto kong magpaalam kay mama." Explain niya.

"Ahhh, pero.. Hindi ako makapaniwala na.. Nakakakita ka ng multo!" Sabi ko. Gosh! Match talaga kami? Parehas kaming may third eye!

"About pala sa pinagkukwentuhan niyo kanina na naguguluhan ka Kimberly dahil si Joey ang girlfriend ni Lara? Tama ba?"

"Oo! Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang patay na si Lara! Saka baka tanungin niya bakit ko sinapian si Lara?"

"Okay na 'yon, basta masabi mo sa kanya!"

"Oo nga tama siya, sabihin mo na! Kahapon ka lang naman sumapi kay Lara 'di ba? So, maaga pa para masabi mo sa kanya!" Sagot ko naman.

"Okay, I'll try!"

**

Ngayon nandito na kami sa labas ng bahay ni Joey, kita ko si Kimberly ay nanginginig at mukhang kinakabahan, naiintindihan ko siya kasi ganyan din naramdaman ko ng sasabihin ko kay Mike na crush ko siya pero kahit hindi niya ko gusto tuloy pa din.

"Joey!" Tawag ni Mike. Biglaan na lang nagulat si Kimberly kaya tumakbo siya.

"Kimberly wait!" Hinabol ko siya.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

ΠMikeΠ

Binuksan na ni Joey ang pinto at agad na lumabas.

"Bakit brad? May kailangan ka ba?" Tanong niya sa akin.

"Ahhh," patingin tingin ako sa kaliwa't kanan, naku! Anong sasabihin ako? Wala si Kimberly! "Ahh kasi.."

"Brad ano?! May ginagawa pa ako, gusto mo pumasok ka muna sa loob."

"Ah wag na!" Tanggi ko.

"Sige na pumasok ka na!" Hinila niya ako papunta sa loob ng bahay nila, wala na akong nagawa kung hindi pumasok.

"Ano ba talaga ang sasabihin mo Mike?!" Kunot noong tanong ulit ni Joey.

"Wala!"

"Nararamdaman ko na may gusto kang sabihin sa akin kaya huwag ka ng mag-deny, please sabihin mo na!"

ΠKimberlyΠ

Nandito lang ako sa likod ng kotse nagtatago, nang narinig ko ang boses ni Shane ay tinakpan ko ang bibig ko upang wala siyang maramdaman.

"Kimberly? Alam kong nandyan ka! Nararamdaman kita, huwag ka ng magtago please. Sabihin mo na kay Joey na ikaw ang nasa katawan ni Lara." Pagmamakaawa niya pero hindi ko siya pinansin, "please!"

Umalis ako dito at tumakbo ng mabilis, ramdam kong sinusundan ako ni Shane.

Nang may nakita akong babaing bata napatigil ako. Naisip ko na tulakin siya upang hindi ako mahabol ni Shane pero naawa ako kasi bulag siya.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon