Chapter XLII

393 8 1
                                    

#LITHCSoulSwitching

Ngayong gabi, andito kami ngayon sa basement nina Joey. Uumpisahan namin ang soul switching dito.. Tago at walang makakarinig sa amin.

"Handa na ba kayo Kimberly at Abby?" Tanong ni Joey sa kanila.

"Oo, handa na kami." Sabay nilang sabi.

"Kung gayon magpunta na kayo dito sa upuan at itali ang inyong sarili." Utos ni Joey sa kanila.

"Ha? Ganun ba talaga 'yon?" Tanong ni Kimberly.

"Oo! 'Di ba gusto mong mabawi ang katawan mo? Sundin mo na lang ang utos ko."

"Ok, ready na ako." Sabi ni Abigail at itinali na niya ang sarili nya.

"O sige na nga! Gusto ko namang bawiin na 'yung katawan ko." Kaya itinali na niya ang sarili nya. No choice sya.

"Shane, ikaw naman tulungan mo ako magsindi ng mga kandila." Ibinigay nya sa akin ang isang plastik ng puting kandila at saka lighter. Kailangan 'to upang walang gumambala sa amin.

Pagkatapos kong sindihan ang huling kandila na hawak ko ay inilagay ko na ito sa lapag.. Ngayon at nakapalibot na sa kanila ang halos singkwentang puting kandila.

"Handa na ba talaga kayo?" Tanong ni Joey ulit sa kanila.

"Oo." Sabay nilang sagot kay Joey.

"Kung ganon, ipikit ang inyong mga mata." Sumunod naman sila at ipinikit ang mga mata nila.

Ito na talaga 'yong makabubuti sa kanila.. Ang mabalik kay Kimberly ang katawan niya at si Abby ay mamimiss ko, tatlong buwan lang talaga kasi siya dito e. Pero pagkatapos mangyari 'to is makikiusap ako kay Kimberly na sana patagalin pa 'yung buwan na pag-stay dito ni Abby. Kung pwede nga lang hindi na siya umalis dito E. Gusto ko sabay kaming aakyat sa langit.

May kinuhang libro si Joey at may binasa siyang dasal.. Hindi ko siya maintindihan dahil bumubulong lang siya.

Nagulat na lamang ako nang biglang humangin ng malakas, tuloy lang sa pagdasal si Joey habang nakapikit.

"Wow!" Sabi ko dahil biglang lumabas ang kanilang kaluluwa sa kanilang katawan at pumunta sa taas, umikot ito. Hanggang sa nagpunta ang katawan ni Abigail sa katawan ni Lara at ngayon si Kimberly nakabalik na din sa kanyang katawan.

"Okay na tapos na." Sabi ni Joey habang isinasara ang libro.

"Salamat natapos na din, salamat Joey ah! Napagtagumpayan natin ang soul switching ng walang gumugulo."

"Oo nga e, mas napadali ang pag-so-soul switching natin dahil wala ngang nanggulo, I'm so happy," Ngumiti siya sa akin, "ayan na sila.." Sabi ni Joey dahil sila Abby at Kimberly ay gising na, "congrats na nakabalik na kayo sa katawan ninyo."

"Oo nga e, salamat talaga Joey ah nabalik na sa'kin ang katawan ko.. Pero correction lang doon sa last mong sinabi, hindi katawan ni Abby ang katawan ni Lara dahil hiram lang nya 'yan!" Tumingin pa siya kay Abby ng napakasama.

"Ammm.. Wala naman problema sa akin 'yun, thank you talaga Joey ah." Sabi ni Abigail kay Joey.

"Walang anuman, maliit na bagay.. Ay sandali lang hindi pa pala namin kayo napapakawalan diyan sa upuan." Lumapit si Joey kay Kimberly at ako naman kay Abigail.

"Thanks talaga Shane ah.. Na.. Pinatawad mo ako, na.. Binigyan niyo pa ako ng chance." Ngumiti siya sa akin.

"Wala 'yon! Diba nga? Best Friends Forever tayo? Kaya kahit anong mangyari, best friend pa din tayo." Ngumiti ako sa kanya, at ngiti lang din ang naisagot niya.

Nang natanggal na ang tali nila Kimberly at Abigail ay agad namang tumayo si Kimberly.

"I'm back! Hi! I'm Kimberly Morales, 21 years old. From quezon city! Naniniwala ako sa kasabihan na.. Walang masamang tao ang nagtatagumpay sa kanyang mga binabalak! And I, thank you." May pataas-taas pa siya ng kamay. Parang pinaparinggan niya si Abigail ah.. Pero bago ang lahat, naninibago ako sa kanilang dalawa.. Akala ko nga itong katabi ko si Kimberly pa din e.

"Ano namang kabaliwan 'yan Kimberly?" Tanong na biro ni Joey kay Kimberly habang nakangiti.

"Wala! Hanganda ko kasi dito sa suot ko! Thanks talaga Abigail ah.. Na.. Tinupad mo ang sinabi ko na dapat maganda ang damit at sexy.. And well, tinupad mo naman.. Kaya tuluyan na kitang pinapatawad!" Ngumiti naman ako sa kanyang sinabi, kahit na ang arte-arte ng sinasabi niya nakakapagngiti din pala.

"Thanks talaga Kimberly ah.. Na pinahiram mo sa akin ang katawan ni Lara." Pagpapasalamat ni Abigail.

"Ano ka ba walang anuman 'yon, gusto mo sa'yo na 'yan e!"

"Talaga! Totoo ba 'yan! Salamat talaga Kimberly ah!" Niyakap niya si Kimberly.

"Walang anuman! Welcome!" Umalis na sila sa pagkakayakap.

Sa wakas, natupad na din ang hiling ko na kay Abigail na 'yung katawan ni Lara.. I'm so glad na talaga!

"Oh, ok na.. Tara na umakyat na tayo at makakain na."

Kaya pagkatapos ng lahat umalis na kami dito sa basement, at ngayon andito na kami sa mesa. Kasama din namin si Tes.

"Hi Tes!" Bati namin sa kaniya ng sabay sabay.

"Hello mga ate.. Nagtagumpay ba 'yung Soul Sitsi niyo? Tama po ba?" Napatawa naman kami sa tanong niya.

"Oo naman! Pero Soul Swit..ching 'yon ok." Pang-co-correct ko sa kanya.

"Ahhh. Soul Switching.. Mabuti naman po. Hehe!"

Kumuha ako ng sandwich at agad na kinain 'to, "sarap na sarap ah. Shane!" Pang-aasar ni Abigail.

"Syempre, favorite ko din 'to e." Ngumiti ako sa kanya tapos itinuloy ko ulit ang pagkain ng sandwich ko.

"Namasarapan niyo po ba 'yung sandwich ate Shane?" Tanong ni Tes sa akin.

"Oo naman!" Tuloy lang ako sa pagkain.

"Ako po nagpalaman lahat ng 'yan! Galing ko po magpalaman noh? Masarap!"

"Ay ang galing-galing naman ni Tes!" Kinurot ko ang kanyang pisngi. Gigil na gigil talaga ako dito sa kapatid ni Joey! Ang kyut kyut!

"Hala! Shane! Oo nga pala't--" naputol ang sabi nya dahil napatingin kami sa pinto may kumakatok.

"Ako na magbubukas." Pangunguna ni Abigail. Kaya nagpunta na siya doon sa pinto, "si Mike andito." Napatayo kaagad ako sa sinabi ni Abby.

"OMG! Ang pogi! pogi! niya dyan" bulong ko sa sarili ko.

"Teka? Abigail? Ikaw na ba 'yan.. Akala ko kanina ikaw pa din si Kimberly e."

"Oo, and well Mike.. I'm back!" Sabi ni Kimberly.

"Pasok ka muna!" pang-aaya ni Joey kaya pumasok na siya, "buti nagpunta ka."

"Oo! Inaya kasi ako ni Shane e.. Pero ang saya ko na nakabalik ka na sa katawan mo Kimberly.. Sorry talaga ah late ako.. Nagdadalawang isip kasi ako kanina kung di ba ko pupunta e. Naiinis lang kasi ako sa sinabi ni Shane."

"Ano ka ba! Di ka dapat mainis kay Shane, ang ganda ganda nga niya e. Totoo 'yung sinasabi niya na pinagsisisihan na ni Abigail ang mga kasalanan niya. Kaya welcome na ulit siya sa atin." Ngumiti naman siya kay Abby.. Ang saya-saya ko na talaga kasi napatawad na ni Kimberly si Abigail.

"Ok." Tanging 'yon na lang ang sagot ni mike. Napatigil kaming lahat ng sandali at pinangunahan ni Mike ang pagwala sa katahimikan, "so, Kimberly? Doon ka pa ba sa condo titira?"

"Aba! Oo naman! Pero kunwari makikiusap ako kay mama saka sa step father ko na doon na din titira si Abigail."

"Talaga Kimberly?!"

"Oo naman!"

"Yehey! Thank you talaga!" Nagpunta siya kay Kimberly at niyakap ulit ito.

Itutuloy...

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon