#LITHCBagongKatrabaho
ΠDevil AlfredΠ
"Madaldal kang lalaki ka ah! Dapat kang turuan ng leksyon! Damay pati pamilya mo! Whahahaha!" Napatigil siya sa pagsasalita dahil tumingin siya sa akin.
Sinamaan niya ako ng tingin, pwes ito ang sayo.
Hinipan ko sa palad ko yung itim na usok at itinapat ko ito kay Emmanuel upang mawala na siya sa landas namin! Ito sayo.
Mukhang nagulat ang mga tao kaya napaatras silang lahat at lumabas, itong Shane talaga neto ang tibay ah! Talagang siya pang naiwan dito.
Tinunaw ko ang ulo netong lalaki na ito at saka na ako umalis dito, sinasayang ko lang ang oras ko dito. Gusto ko pang takutin ang kakambal ko.
ΠShaneΠ
"Anong nangyari dyan sa lalaki'ng 'yan at bakit naputol yung kanyang ulo? Wala namang nagpugot ah?" Sabi sa akin ni Marco.
"Ewan? Hindi ko alam?!" Tanging sagot ko.
"Sige na po, umuwi na po kayong lahat! Kami na lang pong bahala dito." Sabi sa amin ng pulis. Sumunod naman kaming lahat at lumabas.
Nagtataka pa din ang mga tao dito kung bakit biglang pumugot ang kanyang ulo. Ang dami ding sasakyan at mga tao dito na nakapalibot dito sa police station, ang napansin ko lang ay wala ang ulo niya. Nakakapagtaka lang bat wala?
**
Pagdating namin dito sa unit ay iniisip ko pa din yung nangyari kanina.
"Ano bang nangyari sa Emmanuel na 'yon? Bakit ganon? Ang weird na nakakatakot ah?" Sabi ni mama na di din maka-move on sa nangyari.
"Yun nga din ang pinagtataka ko Louisa eh, bakit ganon agad? Wala namang pumugot doon e, hays! Basta ang mahalaga alam na natin ang dahilan." Sabi ni tita Yolly naman.
"Bakit tinuturo niya si Kimberly? Anong kinalaman ni Kimberly?" Nagtatakang tanong ni Marco.
"Oo nga noh? Bat niya tinuturo si Kimberly? shane? Ikaw naniniwala ka ba sa Emmanuel na 'yon at tinuturo niyang salarin ay si Kimberly?" Tanong sa akin ni mama.
Di ko alam ang isasagot ko, di ko naman pwedeng sabihin na si Abigail ang nasa katawan ni Kimberly dahil di naman nila kilala iyon. Ewan, parang gusto kong sabihin 'yan pero hindi e. Di nila maiintindihan.
"Hindi ko alam ma e." Hayst bakit ko sinabi 'yon?!
"Hayst wala na, wala nang witness, siya lang naglagay ng bomba e wala ng iba." Sagot ni tita Yolly.
Sandali? Parang alam ko na? May third eye naman ako 'di ba? Pwede kong makita ang kaluluwa ni kuya Emmanuel, pero dapat nakikita ko siya ngayon e. Saan na ba 'yon?
"Pero ano 'yung sinasabi ni Emmanuel na wala na daw tayong takas dito? Ano yun? Ang weird ng mga ineexplain nonnah?" Sabi naman ni Marco.
Hays! Di ko na alam kung sasabihij ko ba sa kanila? Alam ko lahat ng dahilan e. Pero nalilito lang ako doon kung bakit ganon na lang? Wala na kaming takaas? Hays!
"Ay ma! Tita! Saka na lang po nating pag-usapan 'yan dahil may pasok pa po kami ni Marco, sige na po."
"Oo nga pala Shane. Sige po ma, alis na kami. Saka na lang natin pag-usapan lahat ng 'yan."
Lumabas na kami agad. Nakuu! Late na kami. Nakalimutan namin na may pasok pa pala kami hays!
Nang nakadaan kami dito sa simbahan ay nag-sign of the cross ako.
"Lord, please pagbigyan niyo po ako Lord, ibalik niyo dito si Emmanuel dahil gusto namin malaman ang katotohanan, kahit isa lang pong hiling Lord. Amen." Nag-sign of the cross ulit ako.
Di ko namamalayan na nasa malayo na pala si Marco, di rin yata niya namalayan na nandito ako sa tapat ng simbahan may hinihiniling, nagsimula na akon maglakad at buti na lang naabutan ko si Marco, hindi naman siya nagtaka na wala ako sa tabi niya. Di naman siya lumingon sa akin dahil sa pagmamadali din.
Ngayon nandito na kami sa hospital, dumiretso kami sa meeting dahil may ipapakilala si Master Dan. Sino ka yun?
Pagkapasok na pagpasok namin ni Marco umupo kami sa tabi ni Mike nasa gitna namin siya.
"May bago nga pala tayong doctor, babae. Siya ay si.. Diane Park." Pumunta siya sa harapan. Sobrang ganda ng babae.
"Ang ganda naman niya." bulong ni Mike at titig na titig siya sa babae na nasa harapan.
Siniko ko siya, "uyyy! Type mo?"
"Oo e. Haha ang ganda kasi." Kumamot batok pa siya.
"Hays! Ligawan mo na! Yan na ata forever mo." Biro Ni Marco kay Mike.
"Hays! Sa dami daming nagkakagusto sa skin na mga babae sa kanya ako tinamaan." Sabi niya na may ngiti.
"Hi I'm Diane Park. I'm happy na andito ako sa harapan niyo at makakatrabaho ko kayo." Sabi niya sa harapan.
Tumingin siya banda sa amin, tinignan niya rin si Mike. Eto namang si Mike ay kumaway kay Diane. And then, ngumiti naman ito si Diane.
"Ayieee! Mike! Napansin ka!" Sabi ko na kinikilig.
"Nakuuu! Mukhang nakatitig din ata sa'yo. Baka nagwapuhan sa'yo pre."
"Manahimik na nga kayo diyan. Di pa nga kami magkakilala ng lubos e. Crush ko pa lang siya."
"Suss!" Sabay naming sabi ni Marco.
Napansin ko na lang na may multo sa likod ni Diane. Isang lalaki nakangiti siya at saka sugat sugat ang kanyang mukha. hala! Manghihingi yata 'to ng tulong.
"Mike oh tignan mo!" Turo ko sa likod ni Diane.
"Yung alin?" Tanong Niya.
"Ayon oh!" Ngayon nakita na nga niya, mukhang nagulat siya ng makita ang multo sa likod ni Diane.
Habang tumitingin ako sa likod ni Diane ay di ko namamalayan na nawala na siya doon at nagkakagulo na doon sa harapan. Sigaw siya ng sigaw at iyak ng Iyak.
"Ano 'yun Diane? May provlema ka ba?" Tanong ni Master Dan kay Diane.
"Nakita ko 'yung boyfriend ko na namatay. Ngayon at nagi-guilty pa din ako sa nangyari sa kanya." Rinig kong sabi niya.
"Wala naman ah."
"Basta!" Tanging sagot na lang niya at umalis na siya doon saka lumabas na parang nagmamadali.
ΠDianeΠ
Umalis ako dito sa meeting namin at dumiretso ako sa C.R.
Nang nandito na ako ay isinara ko ang pinto neto. Wala namang tao dito kaya pwede ko siyang makausap.
"Mahal, bakit hindi ka pa nakakaalis? Sabi ko sumama ka na sa liwanag e. Saka sorry talaga. Sana buhay ka pa kung hindi ko lang pinakuha yung papeles ko para makapag-trabaho dito." Malungkot na pagkakasabi ko, "sising sisi talaga ako Mark."
"Ayos lang 'yon." Nagulat ako sa kabya at nasa harapan ko na siya.
"Mark."
"Oo ako nga hal. Hal.. Huwag ka ng malungkot hal.. Gusto ko na nga sumama sa liwanag pero hindi kita maiwan kasi sising sisi ka pa din sa nangyari sa akin. Wala na tayong magagawa, nangyari na ang dapat mangyari. kaya okay lang 'yun." Nakita ko sa likod niya na may liwanag na.
Lumingon siya at ngumiti sa akin "oo. Basta hindi kita makakalimutan. Goodbye Mahal. Sana maging masaya ka diyan, sana huwag mo din akong kalimutan ah. Love you." Ngumiti siya sa akin.
"Oo hal. Paalam. Sana makahanap ka ng para sa iyo. Huwag mo na din isipin ang nangyari sa akin kaya dapat maging happy ka lang."
"oo Hal bye!"
Tumalikod na siya sa akin at dumiretso sa liwanag. Nang papasok na sya sa liwanag ay kumaway siya sa akin hanggang na siya ay nawala.
"Goodbye hal. Love you!" Di ko na napigilan ang iyak ko.
Basta mahal na mahal kita. Kahit na may mahalin akong iba. Di kita makakalimutan.
Umalis na ako dito na may ngiti at bumalik ulit ako sa meeting.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...