Chapter VII

920 20 2
                                    

#LITHCDesisyon

ΠKimberlyΠ

Umalis muna ako sa mansion para bumisita sa bahay ni ate, I miss ate kaya bibisitahin ko siya.

Sumakay na ako sa kotse pagkatapos nandito na ako sa tapat bahay nila.

Wala ang asawa niya dito dahil nasa abroad, wala siyang anak dahil hindi pa sila nagbabalak.

Kumatok muna ako. Hanggang sa nakakatok na ako ng maraming beses kaso wala pa ding nagbubukas kaya nagdesisyon akong pumasok.

Pagkabukas ko ng pinto, nagulat na lang ako sa nakita ko. Duguan si ate at parang bali bali ang katawan tapos nakabulagta lang siya sa sahig. Bigla akong napasigaw at napaiyak.

"Ate? Anong nangyari sa'yo?" Mahina na umiiyak kong pagkakasabi, "nagpakamatay ka ba o may pumatay sa'yo?"

Tinitigan ko siyang mabuti. Imposible na nagpakamatay siya masaya naman ang kanyang buhay at walang problema kaya imposible lang.

Ibig sabihin.. May pumatay sa kanya? Ang tanong sino?

"Humanda siya kung sino man ang pumatay sa'yo ate, gagawin ko ang lahat para mabigyan ka ng hustisya."

ΠShaneΠ

Habang nagcecellphone akong nakaupo dito, may nakita na lang ako sa facebook na pinost ni Kimberly.

Nagtataka lang ako kung bakit namatay ang ate niya? At bakit ganyan ang pagkamatay ng ate niya.

Tumakbo kaagad ako at nagpunta kay Marco.


"Marco! Marco! Tignan mo oh!" Hinawakan ko siya sa braso at inilapit ko sa akin para maipakita ang cellphone ko.

"Hala! Anong nangyari sa ate niya? Bakit nagkaganyan?"

"Ewan ko nga e, basta nakita na lang daw niyang ganyan sabi niya sa caption."

"Grabe naman 'yon, karumal-dumal ang pagpatay sa kanya," nag-aalala niyang pagkakasabi. Nakakapagtaka talaga, "sige na puntahan ko muna 'yong pasyente sa patients room baka ok na siya."

"Sige."

Pagkasabi ko nun umalis na siya kaagad sa harapan ko. Ako naman ay nagpunta sa hagdan para tignan ang pasyente ko kung okay na.

Nagulat na lang ako dahil may humawak sa balikat ko.

"Ano ka ba naman Abby! Nanggugulat! Baka mahulog ako sige ka!" Reklamo ko sa kanya.

"Sorry naman Abby, nakaka-enjoy lang kasi mag-hawak. Nasanay na akong humawak ng mga gamit."

"Mabuti. I'm so happy for you!" Masaya kong sabi sa kanya.

"Wait? Totoo ba 'yong pinag-ku-kuwentuhan ninyo ni Marco na karumal-dumal ang pagkamatay ng ate ni Kimberly?"

"Oo, nagtataka nga kami kung sino ang walang awang pumatay sa ate ni Kimberly."

"Uhmmm! Siguro karma 'yon ni Kimberly dahil sa pagka-spoiled brat niya namatay kapatid niya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Uy! Grabe ka naman magkaiba sila at hindi karma 'yon ni Kimberly." Pangongontra ko sa kanya.

"Joke lang naman 'yon Shane!" natatawa niyang pagkakasabi. Gusto ko sanang hampasin si Abby dahil sa kanyang sinabi pero hindi ko magawa.

...

Umuwi akong pagod na pagod at inilagay ko ang bag ko sa tabi ko, pinaghanda ako ni mama ng kakainin ko.

"Mukhang pagod na pagod ka ah!"

"Opo nga ma e, ang layo kasi ng biyahe."

"Haha! Ganon talaga pag-tiyagaan mo na lang." Hinimas-himas niya ang likod ko.

"Ma, nabalitaan niyo po bang may pumatay sa ate ni Kimberly?" Naganahan ang reaksyon ni mama nang pagkasabi ko niyan.

"Oo! Grabe, kitang-kita namin ng tite Yolly mo 'yong ate ni Kimberly na duguan sobrang duguan. Halos mabaha na nga ang bahay daw ang bahay."

"Saan niyo po nakita?"

"Naki-tsismis lang, meron daw kasing pinatay ng sobra doon sa kabilang bayan, edi nagpunta kami. Nakakakilabot nga e, sino kayang pumatay sa kanya?"

"'Yon din ang pinagtataka namin e, hindi namin alam kung sino." Kunot-noo kong sabi.

"Anak, magpahinga ka muna bago matulog, baka mabangungot ka pa dahil sobrang pagod ka."

"Uhm ma! Parang naisip ko na mag-condo na lang ako, may malapit na condo doon sa pinagtatrabahuhan naming hospital e. Sabay kami ni Marco napag-usapan namin 'yon ni Marco kanina at pumayag naman si tita Yolly." Panghihingi ko ng permiso.

"oh, sige. Payag naman ako, papatirahin ko na lang ang tita't mga pinsan mo para may kasama naman ako." Niyakap ko siya tapos tumalon na masaya, "anak, bat ang saya mo."

"Wala po, kasi pumayag kayo. Thank you po mama!"

"Walang anuman anak! Hehe!"

...

"Hi Shane!" Bati sa akin ng isang lalaking puro itim ang nakasuot sa kanya at saka mayroong itim na usok sa kanyang palad.

"S-sino ka? At asan ako?!" Tanong kong nakakapagtaka, hindi ko alam kung nasaan ako basta parang nandito ako sa isang itim ang lugar.

"Ako si Devil Alfred Gejada. Ikaw ang susunod kong papatayin."

Hindi na ako nakapagsalita pa dahil sinakal na niya ako gamit ang itim niyang salamangka hanggang sa nawalan na ako ng malay.

...

Nagulat na lamang ako dahil sa panaginip ko. Anong pinagsasabi nong Devil.. Wait? Alfred Gejada? Kambal 'yon ni Prof. Khen ah, bakit ko siya napaginipan. Bakit ko siya napaginipan? Bakit siya naging Devil Alfred Gejada?

Haysh! Nevermind siguro naiisip ko lang 'yong kakambal ni prof. Khen dahil si Prof. Khen ang favorite professor ko. At mabuti na lang nagising pa ko. Panaginip lang yon! Hindi magkakatotoo 'yon!

Itutuloy..

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon