Chapter XX

537 16 3
                                    

#LITHCEvilPlan

Gabi na at nandito na kami sa condo ni Marco, hindi ko pa din talaga maialos 'yung sinabi ng babae na 'yon kanina. At saka naalala ko din 'yung panaginip ko na ako 'yung susunod na papatayin ng kakambal ni Prof. Khen.

Bukas, pupuntahan ko si Prof. Khen gusto kong tanungin kung napapaginipan pa niya ang kapatid niya.

Umupo ako sa higaan ko at tinignan lang ang kamay ko.

"Oo nga pala?! Kimberly? Kimberly? Asan ka na?"

ΠKimberlyΠ

"Oo nga pala, mag-uusap pa kami ni Shane ngayon, ay wag na! pwede ko namang ipabukas 'yan!"

"Lara? Congrats buhay ka pa! I'm happy!" Tumakbo si Abby papunta sa akin, at niyakap ako, "bakit ka pa nabuhay? Dapat patay ka na para wala na akong atensyon kay mommy!" Bulong niya sa akin.

"Ahh sige anak mag-usap na muna kayo! Iwanan ko muna kayo dito. Matutulog na ako pagtapos niyong magusap ah matulog na din kayo. Ikaw Kimberly ewan ko lang kung doto ka matutulog." Isinara ni mommy ang pinto ng kwarto ko.

Tinulak ko siya ng napakalakas kaya natumba siya sa higaan.

"Punyeta ka! Ganyan ka ba kay Lara? Abby ha? Hayop ka! Pati ang kapatid ko, ginaganyan mo! Pasalamat ka hindi lumalaban ang kapatid ko pero ngayon ako na mismo ang makikipagsagutan sa'yo!" Kumunot ang noo niya at tumayo siya sa higaan.

"Anong pinagsasabi mo ha?! Bakit mo tinatawag ang sarili mo? Nababaliw ka ba ha?! Nababaliw ka ba ha?!" Hinawakan niya ako sa balikat pero inalis ko ito.

"Bulag ka ba?! Akala ko ba expert ka sa mga kasamaan? Bakit hindi mo nakikita kung sino ang kaharap mo?! Sumapi ka lang naman sa katawan ko 'di ba?" Namumula siya sa galit at merong luha pa.

"Kimberly?!" Lumapit siya sa akin at sinakal ako papunta sa higaan, "paano ka nakasapi Kimberly ha?! Ilang linggo ka pa lang patay pero nagagawa mo na ang lahat! Samantalang ako hindi!" Tinulak ko siya at tumawa ako.

"Syempre desperada ka! Sumapi lang naman ako kay Lara upang mabawi 'yang katawan ko!"

"Ganon?! Hindi mangyayari 'yon dahil sasabihin ko 'yun kay mommy na pinatay mo si Lara at sumapi ka!" Tumalikod siya sa akin, sumunod ako sa kanya at sinabunutan siya, itinalsik ko siya sa higaan. Humarang ako sa pintuan.

"Haha! Tingin mo ba maniniwala sa'yo si mommy? Hindi! Kasi maiisip niya na baliw ka? Alam ni mommy na mabait si Lara at ako medyo spoiled at medyo maldita! Kaya hindi 'yon maniniwala sa'yo! Kaya kung ako sa'yo ibigay mo na lang 'yang katawan ko para hindi ka na madamay!"

"Hindi ko ibibigay sa'yo 'to! Akin lang 'to! Gusto kong makaganti kay Shane at gusto kong maangkin ko si Marco!" Nagpunta siya sa akin, hinawakan niya ang likod ko. "Tumabi ka nga dyan!" Tinulak niya ako papunta sa higaan at lumabas siya dito.

Sinundan ko siya.

"Mommy aalis na ako. Doon na ko sa condo." Mahinahon na parang beastmode niyang sabi.

Lumabas na siya sa mansion, ako naman ay nagpunta na sa kwarto ni Lara.

"Gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang katawan ko kahit mamatay pa ulit ako."

Medyo naninibago lang ako kasi tawag sa akin ni mommy ay Lara e di ko naman pangalan 'yon. Pero no choice para lang mabawi ko amg katawan ko.

ΠAbigailΠ

"Grrr! Nakakainis! Bakit nabuhay pa 'yung Lara na 'yun at ang matindi ay si Kimberly ang sumapi! Nakakainis!" Hinagis ko ang bag ko sa sofa.

"Kasi?! Gusto niyang maghiganti sa'yo! Ang sama niya 'di ba sumapi siya sa hindi kanya?!"

"Oo nga Alfred e, sobrang sama niya! Hind niya ba naisip na hindi niya katawan 'yon at sumasapi siya? Wala siyang awa! Patay na si Lara pero nagawa niyang sumapi don!"

"Bwahahahahahaha! Kaya kung ako sa'yo kitilin mo na si Kimberly upang wala ka ng kaagaw sa atensyon ng mommy mo pati si Shane para mabawi mo na si Marco sa kanya at magustuhan ka ni Marco."

"Oo! Lahat na lang inaagaw sa akin! Ngayon lang ako nakaranas mag-ka-magulang na mahal na mahal ako at ngayon lang din ako nakaranas na magmahal sa isang lalaki!"

"'Yan ganyan! Kailangan mo ng patayin sila!" Tumatawa pa siya habang sinasabi niya 'yon.

"May naisip ako na paraan upang mapatay ang dalawang 'yon!"

"Ano?!" Tanong niya.

"Basta! Ako na ang gagawa nun! Manuod ka na lang!

"Sige aalis na ako! Gusto ko pang pumatay! Gusto kong patayin ang mga umalis sa condo na 'to. Umuunti na amg mga tao sa condo na ito! Nakakainis!" Naglaho na siya.

"Sisiguraduhin kong mawawala na kayo sa landas ko. Shane at Kimberly! Dito kayo mamamatay sa impyernong condominium na ito! Kailangan ko nga chempo para mapatay sila!"

Itutuloy..

______________________________

A/N - Nagsisimula na ang laban, abangan lang po ang mga pasabog dito!

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon