Chapter XIX

546 16 2
                                    

#LITHCLara

ΠAfter 1 weekΠ

Isang linggo na ang nakalilipas ng subukan naming paalisin si Abby pero nabulilyaso dahil merong nanggulo sa amin. Hindi namin nakitang tatlo kung sino 'yon. At parang pakiramdam ko na multo din siya, napakalakas niya at parang walang sinuman makakatalo sa kanya.

Imbes na kasama ko si Abby kasama ko lagi si Kimberly. Nami-miss ko na nga si Abby e.

"Shane! Wala na bang paraan para sa pagbawi ng katawan ko?"

"Hindi ko alam pero lubhang delikado ang nanggulo sa ating pagpapaalis kay Abby, dahil napakalakas nung nanggulo na 'yon."

"Naiintindihan ko Shane," inakbayan niya ako, "talagang hindi na ako makakabalik talagang hanggang dito na lang ako. Gusto ko munang magpunta sa bahay para bisitahin si mama at 'yung kapatid ko." Paalam niya.

"Kapatid mo?!" Takang tanong ko. Akala ko ba patay na kapatid niya?

"Oo kapatid ko, siguro iniisip mong si ate Eunice 'yon pero si Lara 'yun ang step sister ko. Anak 'yun ng asawa ni mommy."

"Ahhh sige, mag-ingat ka ha. Usap tayo mamaya." Sabi ko sa kanya at tuluyan siyang nawala sa harap ko.

"Hi!" Napalingon ako sa likod ko pero wala naman akong nakita.

"Hi!" Paulit-ulit 'yon pero di ko pa din makita.

"Sino 'yan! Magpakita ka, hindi ako nakikipag-biruan sa'yo!"

Nagulat na lamang ako na nasa harapan ko na siya. Isa lang siyang teenager.

"Hi ate!" Bati niya sa akin.

"Bakit naman hindi ka nagpakita kaagad sa akin?!"

"Nahihiya ako e, sorry ate. Natakot ba kita?"

"Hmm hindi naman, sanay na naman ako nakakakita ng multo."

"Sige ate alis na ako, salamat sa pakikipag-usap kahit na pa-hi hi lang. Basta mag-ingat ka dito sa condo na 'to ha! Kakaiba kasi 'tong condo na 'to ang dami kong nakikitang multo at 'yung iba'y kaluluwa at 'yung iba'y masamang kaluluwa. At 'yung iba'y napakalakas na multo pero sa kabutihan 'yung iba naman sa kasamaan pumapatay sila! Sige. Bye ate! Tandaan mo! Kapag inatake ka ng demonyo na 'yun manghingi ka lang ng tulong sa napakalakas na multo sa kabutihan. Bye!" Bigla na lang siyang naglaho sa harapan ko.

"Anong pinagsasabi non? Sino ba 'yung sinasabi niyang napakalakas na masamang multo at mabuting multo? Bakit naman aatake 'yun sa akin?"

ΠKimberlyΠ

Patingin-tingin ako sa kaliwa't kanan dahil parang naliligaw ako. Hindi ko alam kung saan patungo ang village namin.

"Doon na lang tayo sa bahay ko doon sa Kophil village kumain!" Sabi ng babae sa mga kaibigan neto.

Sumang-ayon sila sa sinabi ng babae.

"Ayun! Kophil village."

Naglaho ako hanggang sa makarating ako rito sa kophil village, at sakto dito pa sa labas ng mansion namin, mag-do-doorbell sana ako kaso bigla kong inalis, nakalimutan ko nanamang isa akong multo.

Naglaho naman ako papunta sa loob, nakita ko si mommy na parang di mapakali, pabalik-balik sa paglakad at may hawak na cellphone. Hindi yata siya mapakali dahil baka may tinatawagan siya at hindi na sumasagot.

At ang matindi nandito din si Abby, ang sama ng tingin sa akin. Siya na nga nagnakaw ng katawan siya pa may ganang mang-ganyan.

"Ah mommy, doon muna ako sa taas. Manunuod lang ako ng kdrama." Sabi niya kay mommy habang naka-irap pa din siya sa akin.

"Sige anak, tinatawagan ko lang ang kapatid mo hindi pa sumasagot."

Umakyat na siya sa taas. Sinundan ko siya hanggang dito sa kwarto ko.

"Ang lakas naman ng loob mong pumarito sa kwarto ko! Kimberly!" Galit na galit na sabi niya sa akin.

"Wow! Ikaw pa may ganang mang-ganyan samantalang ikaw ang mang-aagaw!" Sagot ko sa kanya.

"Ah ganon ha!" Sasampalin niya sana ako kaso ito'y tumagos sa akin.

"Bwisit ka!" Sinampal ko siya ng napakalakas, hindi ko alam kung bakit ko nagagawa 'yon.

"Punyeta ka! Para patas eto sa'yo!"

Nagulat na lamang ako na natumba ang aking katawan at ngayon humiwalay si Abby sa katawan ko. Lumapit ako upang bumalik sa katawan kaso hinila ako ni Abby. Sinabunutan niya aki at sinampal.

"Ahh! Bakit mo ba ginagawa sa akin 'to at ano bang kasalanan ko sa'yo ha?!" Matigas na tanong ko sa kanya.

"Dahil tanga ka! Naghihiganti lamang ako kay Shane upang mapabagsak siya at mahipaghigantihan na din kita!"

"Hindi na mangyayari 'yon dahil hindi ko hiniling na mag-higanti kay Shane! Napatunayan kong mabait siya at hindi kagaya mo! Akin na 'yang katawan ko para tapos na!"

Lumapit ako sa katawan ko at hinawakan ko na ang puso ng katawan ko kaso pinigilan ako ni Abby, nagulat na lamang ako na itinalsik niya ako at napatalsik ako dito sa isang hospital. Paano niya nagawa 'yon? Napakalakas niya?"

Tumayo ako at may tumagos sa aking mga nurse at ang dala-dala nilang patungan ng mga pasyente. Napatitig ako sa pasyente dahil parang gumaan ang loob ko at naiyak ako.

Sumunod ako sa mga nurse at inihiga nila ang pasyente sa kama neto.

"Lara?" Tanong ko sa sarili ko.

"Lara? Anong nangyari sa'yo? Hindi ka pwede mamatay kailangan pa kita makita please lang! Gusto ko na mag-bonding tayo kapag naayos ko na ang lahat! Please Lara." Nirerevive ng mga nurse si Lara. Ako naman iyak lang ng iyak.

"Asan ang anak ko." Sigaw ni mama.

"Sorry po hindi muna kayo pwede pumasok. Nire-revive po siya." Sabi ng nurse kay mama. Mabuti na lang hindi niya kasama si Abby.

"Time of death 4:56PM." Sabi ng nurse sa doctor.

Pinapasok na nila si mommy at humagulgol ito ng iyak habang yakap-yakap si Lara.

"Lara! Bakit ka namatay!"

Nakita ko ang pag-alis ng kaluluwa niya mula sa katawan niya.

"Ate? Bakit kaluluwa ka din! 'Di ba buhay ka?" Tanong niya sa akin at humarap siya.

"Hindi ako 'yon! Lara! Bakit ka namatay! Bakit hindi ka lumaban."

"Panahon ko na ate. Kaya kayo na ang bahala. Sige na, aalis na ako. Panahon ko na talaga 'to ate. Sorry." Naglakad na siya papunta sa liwanag, "sa'yo na muna ang katawan ko ate, para mabawi mo ang katawan na inagaw sa'yo." 'Yun lang ang huli niyang sinabi at umalis na siya. Sumama na sa liwanag.

Humawak ako sa puso ni Lara at mabuti nakapasok ako. Nagulat ang mga nurse at si mommy ng nabuhay nanaman muli si Lara,

"She's alive!" Sabi ng doctor. Pumalakpak silang lahat.

Niyakap ako ni mommy, "congrats anak! Buhay ka your a fighter! Pinakaba mo ako doon!" Sabi ni mommy sa akin.

"Syempre ma para sa inyo ni ate mabubuhay ako." Panggap kong sabi, bakit ko tinatawag na ate 'yun si Abby? Ay panggap lang pala.

"Salamat anak! Sana mag-ingat ka para di ka maaksidente." Ngumiti si mommy sa akin at ganon din ako.

Ngayon akin muna itong katawan ni Lara, gusto ko lang mabawi ang katawan na inagaw sa akin ni Abby.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon