Chapter XXIV

491 14 1
                                    

#LITHCOverlook

ΠKimberlyΠ

"Wait lang! Bakit ka nasa katawan ni Lara ah, anong kailangan mo sa kanya? Bakit no siya sinapian? Saka nasaan kaluluwa ni Lara Kimberly?" Tinayo niya ako.

Nanginginig ako at kabang kaba napakalakas ng tibok ng puso ko dahil hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko kay Joey.

"Kimberly sumagot ka!" Sigaw ni Joey sa akin.

"Naaksidente siya!" Natigilan siya at lahat at lahat sila'y nakatingin lang sa akin, "nung nag-away kami ni Abby, sa galit niya ay tinalsik niya ako hanggang sa hospital. Hindi ospital nila Shane ang narating ko, nakita ko na lang na si Lara ay duguan at dinadala ng mga nurse kaya sinundan ko sila pero huli na namatay na si Lara nakita ko ang kanyang kaluluwa pinaubaya na niya sa akin ang kanyang katawan upang matapos ko ang misyon kaya ayon sumanib ako kay Lara sumama na siya sa liwanag, kaya pasensya na Joey napilitan lang ako." Explain ko sa kanya.

Umiyak siya, "sayang hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya wala akong nagawa dapat di ko na lang siya pinayagan na magpunta sa dream place niya sa hongkong e 'di sana buhay pa siya."

"Wala kang kasalanan Joey. Hindi mo din ginusto ang nangyari."

"Umuwi na po tayo! Nagugutom na ko." Sabat ni Tes sa amin.

"Naku! Paano 'yan? May pupuntahan pa tayo!" Sabat din ni Shane at napatingin kami sa kanya.

"Saan naman tayo pupunta?" Tanong naming lahat.

"Kay Abby, kailangan nating bawiin ang katawan ni Kimberly!" Sabi niya.

"Mabuti nga! Kailangan natin siya para matapos na ang lahat!" Sagot ko.

"Pero paano si Tes?" Tanong ni Mike. Napatigil kaming lahat, hindi naman namin pwede siyang isama baka mapahamak siya.

"Sama niyo na po ako! Pwede po ako makatulong."

"Oo! Mas malakas si Tes sa akin nagkataon lang na hindi siya nakakakita." Sabi ni Joey.

"Pero.."

"Hindi na po sasama po ako sa inyong lahat, wala pong masamang mangyayari sa akin."

Pagkatapos niyang sabihin 'yon ay umalis na kaming lahat. Masakit pa din ang sugat ko sa may ulo pero ititiis ko 'to para naman makatulong ako sa kanila.

Ngayon nandito na kami sa condo, sinalubong kami ni Marco dito.

"Shane! Hinahanap ka ni Master Dan kanina kaso wala ka. Saan ka ba nagpunta?" Tanong ni Marco kay Shane.

"May inasikaso lang ako, sorry hindi ako nakapasok, sorry talaga."

"Andito si Master Dan para kausapin ka. Doon sa unit natin."

Tumingin sa amin si Shane. "Sige na Shane sumama ka na! Ako na ang bahala dito." Sabi ko.

Sumama na si Shane kay Marco at kami naman ay nagpunta sa unit ni Abby. Nang nandito na kami ay agad akong pumindot sa doorbell ni Abby.

"Ano bang kailangan niyo gabi na oh?!" Natigilan siya ng nakita kami, "kayo nanaman? Kailan niyo ba ako tatantanan? at may kasama pa kayong bata. Bakit? Para maawa ako sa kanya? Nagkakamali kayo!"

"Hindi naman ganon! Gusto ka lang namin kausapin." Sabi ni Mike.

Pinapasok niya kami at pinaupo kami sa sofa.

"Ano ba talagang kailangan niyo sa akin?!" Parang galit niyang tanong.

"Para bawiin ang katawan ko." Sagot ko naman sa kanya.

"What!! Ayaw ko! Akin na 'tong katawan na 'to! Saka kanina sinabi ni Marco na pwede daw ba niya ako ligawan pumayag ako choosy pa ba ako?" Nagulat ako sa kanyang sinabi.

"Ano?! Bakit ka pumayag? Hays!!" Tarantang sabi ni Joey.

"Bakit Joey? Alam mo na ba?" Tanong kong nagtataka sa kanya.

"Oo kahapon lamang niya sinabi pero sinabi ko na may sumapi sa katawan mo pero hindi siya naniwala."

"Haha! Sorry na lang kayo!" Pagmamayabang na tono ng boses ni Abby.

"Hayop ka talaga Abigail! Hindi ka na nahiya kay Marco!" Sigaw ko sa kanya.

"Sorry ka na lang."

"Wait lang parang may naririnig ako isang lalaki?!" Napatingin kami kay Tes, nagtataka kami kung ano ang pinagsasabi niya.

"Sino?!"

"Parang lalaki pero hindi ko nakikita." Napaisip ako, ano 'yun? Hindi niya nakikita pero naririnig niya pero kami hindi namin nakikita?

"Nakikita niyo ba Mike at Joey?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi e, kahit na pumikit at dumilat ako hindi ko nakikita!" Si Mike.

"Oo nga, hindi ko makaya na makita 'yung sinasabi ni Tes."

ΠAbbyΠ

"Sorry ka na lang."

"Paalisin mo na sila!" Sabi ni Devil Alfred sa akin.

"Wait lang parang may naririnig ako isang lalaki?!" Nagulat ako sa sinabi ng bata, at lahat sila ay napatingin sa batang eto.

"Sino?!" Tanong ng lahat.

"Parang lalaki pero hindi ko nakikita." Bwisit 'tong batamg 'to! Kung wala lang sila Kimberly napatay ko na 'to!

"Ibang klase 'tong batang 'to ah, kaya akong makita at maramdaman." Bulong ni devil Alfred sa akin.

"Bulag siya, kaya umalis ka na dito bago pa masabi ng bata ang mga sinasabi mo at baka maramdaman niya na demonyo ka!" Bulong ko naman sa kanya.

"Okay!" Agad na siyang umalis.

"Nakikita niyo ba Mike at Joey?" Tanong ni Kimberly sa kanila

"Hindi e, kahit na pumikit at dumilat ako hindi ko nakikita!" Ssabi ni Mike.

"Oo nga, hindi ko makaya na makita 'yung sinasabi ni Tes." Sabi naman ni Joey.

"Pwede ba umalis na kayo dito! Nakakaistorbo kayo e, may gagawin pa ko!" Sigaw ko sa kanila nakatingin lang sila sa akin, "ano pang tinutunga-tunganga niyo dyan alis na!" Sigaw ko ulit.

Sumunod naman sila sa akin at agad na lumbas mg unit ko.

"Bwisit talaga! Sino ba 'yang batang 'iyan! Bwisit 'yan! Baka siya pa sisira ng plano ko kaya buti na lang na hindi siya nakakakita!" Kausap ko sa sarili ko.

"Hays! Bwisit nga talaga!" Sabi naman ni Alfred sa akin.

ΠKimberlyΠ

"Sino ba ang kausap ni Abigail, Tes?" Tanong ko.

"Parang lalaki nga pero hindi ko kilala." Sagot niya.

"Eh ano naman ang sinabi niya?" Tanong ni Mike.

"Sabi niya, paalisin na daw tayo ni ate Abby at parang sinusulsulan siya neto.

"Hindi kaya demonyo 'yong kausap ni Abby?" Sabat ni Joey.

"Maaaring oo maaaring hindi." Sabi ni Mike.

"Kailangan natin sabihin kay Shane 'yan!" Sabi ko.

"Delikado ang natirahan nila Marco, kailangan na nilang umalis dito bago pa mahuli ang lahat. Kailangan natin silang paalisin dito!" Si Joey.

"Tara na!" Aya ko at tumakbo na kami papunta na doon sa unit nila Shane.

Itutuloy...

______________

A/N - hindi pa po tapos ang araw na nasa story. Enjoy your reading. Pasensya na po kung medyo magulo pero kapag binasa niyo ng mabuti maiintindihan niyo ang pangyayari. Thanks po!

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon