Chapter XLVII

377 9 1
                                    

#LITHCHappyLifeIsWorst

ΠKimberlyΠ

"Sino kausap mo dyan?" Tanong ko sa kanya, hindi siya makapagsalita dahil sa kausap nya sa phone nya.

Nakatingin lang siya sa akin at hindi pa siya nakakasagot sa akin. Siguro nagulat lang ata siya sa akin.

"Ano Abby? Bakit hindi ka makasagot?" Tanong ko sa kanya.

"Ahh.. Ayy! Ay! Sorry nagulat lang... Kasi ako, sorry talaga. Saka huwag kang maingay." Utal-utal nyang pagkakasabi sa akin.

"Ok lang. Sino ba talaga kausap mo dyan? Bakit naman hindi kita pwedeng tawaging Abby!" Nagtataka ko talagang tanong sa kanya, parang feeling ko may tinatago siya sa akin.

"Si mama natin, Kimberly. Ay ate Kimberly," sagot nya sa akin, ah ok akala ko lang kasi e. "ahh? Ano pong sabi niyo ma?" Tumigil siya ng ilang saglit, "ay si ate Kimberly po kasi kinakausap ako. Nandito na po kasi siya sa condo."

"Ay sorry si mama pala. Akala ko kung sino e." Sabi ko sa kanya, hindi pa din talaga maalis sa isip ko 'yung iginawa nya sa amin. Parang feeling ko may side pa sya ng devil kaya napaghihinalaan ko sya.

"Ate, sabi ni mama pwede daw ba tayo magvideo call."

"Sure!" Sagot ko at nagpunta naman ako sa likod nya.

"Hi ma!" Bati naming dalawa, tanggap ko ng tawagin ni Abby si mama dahil napakabait pala nito kapag kasama mo na.

"Hello anak! Kamusta naman kayo dyan! Kayo ni Lara?" Tuwang-tuwa na pagkakatanong ni mama sa akin.

"Ok lang naman po kami mama, kayo ni dad kamusta?" Tawag ko 'yon sa daddy ni Lara dahil stepdad ko siya.

"Okay lang, gumagawa nga kami ng baby kagabi pero sana talaga makabuo kami." Nagtawanan kami sa sinabi niya, nanay na din ang turing ni Abigail kaya ganyan siya. Minahal nya na din si mama sa kadahilanang ngayon lang siya nakaranas magkapamilya.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon