#LITHCTira
ΠShaneΠ
"Sige po Master Dan, salamat po. Babawi na lang po ako bukas." Sabi ko kay Master Dan.
"Sige!" Sabi niya sa akin.
Nang lumabas na siya ng unit ay may tumawag sa cellphone ko. Agad ko itong kinuha sa bulsa ko.
"Bakit po ma??" Narinig kong humihikbi si mama sa kabilang linya, "ma! Bakit po kayo umiiyak?"
"Anak!!" Umiyak siya ng malakas.
"Bakit po ma? Ano po bang nangyari?! Sabihin niyo sa akin!"
"K-kasi anak.. Sumabog 'yong bahay natin! Damay pati kila Marco. Anak! Hindi namin alam kung saan kami makikituloy ng tita Yolly mo! Dyan na lang kami titira muna sa unit mo hangga't wala pa tayong bahay." Iyak niyang sabi.
"Sige po, mabuti na po na dito kayo! Ano po ma? Ligtas po ba kayo, wala po bang masakit sa inyo ni tita Yolly? Sila tita at mga pinsan ko? Ligtas din po ba?"
"Wala naman anak! At okay naman sila tita mo sabi nila uuwi na lang daw sila sa probinsya. Sige na magkita tayo sa ospital ninyo, hindi ko kasi alam kung saan ang daan sa condo niyo."
"Sige po ma ingat po kayo. Text niyo na lang po ako kapag nandyan na kayo." Binaba na niya ang phone.
Hays ang dami namang nangyari ngayon, bat kaya sa'kin pa nangyayari 'to?
"Ano daw nangyari doon?" Tanong ni Marco na nag-aalala.
"Sumabog 'yong bahay ni mama, damay pati bahay niyo!"
"Ha?! Sino naman nagpasabog non, bakit sa'ting dalawa lang ang pinasabog?"
"Ewan ko! Baka may galit siya sa atin!" Kung sino man 'yon sana grabe ang magiging kapalit non sa kanya.
"Pinapa-imbestigahan na ba 'yon?"
"Hindi ko alam e."
Napatingin kaagad ako sa pinto dahil may nag-doorbell. Siguro sila mama na 'yon.
"Baka sila mama at tita Yolly na 'yon Marco, wait lang."
Nagpunta ako sa pinto at pagkabukas ko tumambad sila Kimberly dito.
"Kimberly? Akala ko ba uuwi na kayo?" Sabi ko sa kanila.
"Si Kimberly andyan?" Napalingon ako kay Marco at saka siya nagpunta dito na masaya, "asan si Kimberly? Akala ko ba nandyan si Kimberly?"
Napatingin ako kay Lara, "ahhh. 'Yung ibig kong sabihin nalaman ko na si Lara ay step sister ni Kimberly. 'Yun 'yon!"
"Ah ganon ba, sige pasok na ako sa kwarto ko," tumingin pa siya kay Joey, "bye guys! Shane sabihin mo sa akin kapag dumating na sila mama at tita Louisa ah!"
"Sige." Sagot ko bago niya isara ang pinto.
"Shane! Alam ko na na nililigawan ako ni Marco sinabi sa'min ni Abby kanina at saka sabi niya choosy pa daw ba siya nakakainis siya!" Sabi ni Kimberly.
"Pero gusto mo naman siya ah dapat masaya ka don!"
"E di naman ako 'yon e si Abby 'yon e."
"Oo nga pala."
"Pero may kailangan kang malaman Shane." Sabat ni Mike, kumunot ang noo ko.
"Ano naman 'yon Mike?"
"Ano kasi! Habang kinakausap namin si Abby ay may narinig si Tes na may kausap na lalaki si Abby pero hindi naman namin makita kung sino 'yon. Hindi nakikita ni Tes naririnig lang niya." Explain ni Joey.
"Oo nga! Kailangan niyong umalis dito at baka demonyo ang kausap niya delikado!" Sigaw ni Kimberly sa akin.
"Bakit naman? Alam ba ng mga nakatira dito, receptionist, guards, may-ari, mga trabahador dito?!" Tanong ko sa kanila ng nagpatigil sa pag-ikot ng kanilang mundo.
Two minutes bago sila nakasagot sa akin, "hindi." Sabay sabay nilang sagot.
"E 'yun naman pala e hindi delikado 'yon at baka imagination lang 'yon ni Tes. Please lang, huwag niyo kaming lokohin dahil may nag-pasabog sa bahay namin at wala kaming titirhan kung hindi ito lang unit ko! Sorry pero hindi ako naniniwala, dapat nakita niyo 'yon 'di ba?!"
"Pero Shane--" Hindi natuloy ni Kimberly ang sasabihin niya dahil tinawag ako ni mama.
"Shane!" Tawag sa'kin ni mama. Napatingin ako sa may gilid.
"Ma! Tita! Pasok na po kayo." May dala-dala silang mga pictures. Pictures namin at pictures nila Marco.
Pumasok na sila at saka umupo sa sofa.
"Sige na Kimberly umuwi na kayo. Ikaw Joey malayo pa bahay niyo kaya kailangan niyo ng umuwi at may kasama ka pang bata. Delikado!" Sabi ko sa kanila.
"Sige, bye Shane!" Sabi nilang lahat, isinara ko na ang pinto at dumiretso ako sa sofa.
"Asan si Marco Shane?" Tanong ni Tita Yolly.
"Nasa kwarto po niya tita." Sagot ko sa kanya, nagpunta ako sa pinto ng kwarto ni Marco.
"Marco!! Nandito na sila mama at tita!" Kumatok ako ng dalawang beses agad naman siyang lumabas.
Lumapit kaagad siya sa mama niya, "ma! Ano po bang nangyari sa inyo?" Tanong nito na nag-aalala.
"Wala naman nangyari sa atin pero sa bahay. Hindi ko alam kung sino naglagay ng bomba doon sa C.R. basta habang nakikipag-kuwentuhan ako sa kaibigan ko ay biglaan na lang sumabog 'yon. Hindi ko nga alam kung sino naglagay sa C.R. non nagulat nga ko na kaming dalawa lang ng tita Louisa mo ang tinarget." Explain niya.
"Basta ang mahalaga ligtas kayo!"
"Ganon din sa akin e, sabi nila sa C.R. daw sumabog. Pagdating namin galing mall warak warak ang bahay natin Shane nagulat nga ko na kami lang ng tita Yolly mo ang nasabugan. Sino kaya 'yong nag-pasabog non? Demonyo siya! Wala siyang awa!" Sabi ni mama na medyo maiyak-iyak.
"Ma tahan na! Ang mahalaga walang masamang nangyari sa inyo ni tita, kaya matulog na po kayo bukas pupunta po tayo doon para makakuha ng balita." Sabi ko kay mama.
"Sige ma, magpahinga na muna kayo." Sabi naman ni Marco sa mama niya.
Nang nakapasok na sila sa kwarto namin ay kami lang naiwan dito ni Marco.
"Marco, sino kaya naglagay ng bomba sa bahay natin?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam e, wala namang may galit sa atin 'di ba?"
"Oo. Nakakapagtaka lang sino naman gagawa non sa atin sobrang may galit naman 'yon sa atin." Sumulpot sa isip ko na si Abby ang may kagagawan non pero hindi naman niya magagawa 'yon.
"Ang mabuti pa matulog na lanh tayo Shane mukhang pagod na pagod ka ah! Saan ka ba nagpunta?"
"Basta!" Sagot ko.
"Okay!"
Nagsipasukan na kami sa kanya kanya naming kwarto. Iniisip ko pa din 'yong sinabi sa akin nila Kimberly at 'yong kung sino naglagay ng bomba sa bahay namin at bakit niya naman magagawa 'yon.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...