A/N - This is it friends! Nasa EPILOGUE na tayo! Note ko lang po na maraming may mga POVs dito sa Epilogue 1st part.. Kaya dapat focus at wag malito kasi 'yung ibang character dito ay unti lang ang POV iyong iba katamtaman iyong iba ay mahaba.. Okay? So thanks na nandito na kayo at tuloy nyo pa ding binabasa ito.
______________________
Ang pinakamatinding pagtutuos ni Shane at Alfred...
#LITHCAngPagtatapos
ΠShaneΠ
Iyak ako ng iyak dito habang hawak-hawak ko ang mukha ni Mike na puro dugo na. Hindi ko talagang maiwasan na umiyak dahil mahal na mahal ko sya, kailang magiging official na kami saka nagkaganito!
"Mike! Huwag mo akong iwan please!!!" Iyak ng iyak kong pakiusap sa kanya. Ayaw kong mawala siya! Gusto ko pa siya makasama pa ng matagal.
Salamat na nakikita ko na siya ngayon at makakaharap dahil may nabasa akong dasal upang mabuksan ang third eye ng isang tao... Kaya nang sabihin ko 'yon ay bigla namang lumakas ang third eye ko at ngayon nakikita ko na nga siya. Bwiset talaga siya!
"BWAHAHAHA! Patay na siya at hindi mo na siya kailanman pang makakapiling pa!" Tumingin ako sa kanya ng masama, 'yung tipong galit na galit na ako sa kanya.
"Pwede bang manahimik ka!!" Sigaw ko sa kanya, "dahil sa 'yo nagkaganto si Mike, si Prof. Khen ay namatay nang dahil sa'yo!!" Tumawa na lang siya sa sinabi ko. Demonyo talaga siya!!
"So? Parang sinasabi mo na.. Isunod ko na ang pinakamamahal mo sa buhay? Haha! Huwag kang mag-alala gagawin ko na. Diba 'yun naman 'yung hiling mo? So your wish is my command." Agad siyang tumawa ng napakalas kaya lalo akong naiinis sa kanya.
"Wag!" Pigil ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan dahil inilipad na niya ang kanyang itim na kapanyarihan sa labas, anong ginawa niya sa kanila? "Hayop ka?! Sino ang 'yong inatake ha?! Sumagot ka!!" Sigaw ko sa kanya habang ngayon ay poot na ang nararamdaman ko. Hindi ko na mapigilan!
"Si Louisa. Haha! I'm sure na patay na siya ngayon at nangingitim na ang kanyang buong katawan!" Pang-aasar niya at saka siya tumawa.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...