Chapter XLV

376 6 1
                                    

A/N - Itong araw na ito ngayon, hanggang chapter 47 po sya. Thanks. Π^_^Π

_________________

#LITHCPagsasauli

Pagkagising ko agad na agad kong binuksan ang CP ko para tignan ang oras, it's already 9AM na, medyo tanghali na din ako nagising. Bukod pa doon sa oras na nakita ko dito sa cellphone ko is message ni Kimberly. Binasa ko ito.

-Kimberly-
Oy! Magkita na lang tayo sa hospital niyo. Sasabihin ko sa'yo 'yung plano ko.. Please don't reply I'm busy by this time.

Sus! 7:47AM pa pala nya 'to isinend ang arte arte talaga! Porke nakabalik na siya sa kanyang katawan ang saya na nya.. So sabagay miss ko na 'yung ganyang ugali ni Kimberly.

Lumingon ako sa likod ko at wala na pala si mama. Tuesday pala ngayon kaya may pasok kami, parang feeling ko andaming nangyari kahapon at nung isang araw, nung linggo kakauwi lang namin galing sa tagaytay at kahapon naman ang dami naming napag-usapan lahat. Baka ngayon madami din kasi makikipag-break si Kimberly kay Marco at saka magpapaalam si Abigail na sa condo na lang ni Kimberly siya titira.

Tuwang-tuwa talaga ako kay Abby at Kimberly dahil si Kimberly napatawad pa din niya si Abby at ngayon magkasundong magkasundo na sila, parang magkapatid ganun.

Tumayo na ako dito sa kama at nag-ayos ng sarili.. And after that, tapos na din ako sa lahat-lahat nakapagpalit na din ako ng damit pang-trabaho. Nagpunta ako sa maliit kong kabinet at ikinuha doon ang libro at saka nilagay ito sa bag ko, gusto ko nang isauli ang libro kasi alam ko na tapos na ang lahat wala naman talagang Devil Alfred e, at saka hindi ko na kailangan ito.

Ngayon, tumingin ako sa salamin. "Ang ganda ganda ko talaga dito! Wahahaha." Tuwang-tuwa kong sabi sa sarili ko habang tumatalikod pa ako para tignan kung bagay na bagay at bagay na bagay nga talaga!

Pagkatapos kong magpaganda ganda dito sa salamin at lumabas na ako.

"Hi Shane!" Napalingon kaagad ako kay Marco, kumakain siya don sa mesa.. Lumapit naman ako sa kanya parehas na kaming nakasuot ng doctor's uniform.

"Marco, asan sila mama?" Nagtataka kong tanong sa kanya. Kanina ko pa kasi napapansin 'yon.

"Namalengke kasama din si mama, may pagkain pa naman dito sandwich saka may graham don sa ref gawa ko pa kagabi." Na-excite ako sa sinabi niya kaya kaagad akong nagpunta sa ref at kinuha nag lalagyan ng graham.

"Gawa mo 'to? Ang sarap ah! Magaling ka din pala gumawa ng graham!" Puri ko sa kanya.

"Basic lang naman 'yan e. Sige kain lang! Wala ka pa ding pinagbago paborito mo pa din 'yang sandwich at graham!"

"Syempre naman akin lang 'yan e!" Nagtawanan kaming dalawa.

Napatigil ako sa pagkain dahil tinitigan ko si Marco habang tumatawa.. Totoo nga ang sinasabi nila na.. Bawat pagtawa mo may kapalit na lungkot.

"Kung gusto mo sa'yo na din 'yan e." Tumuloy na lang ako sa pagkain, "Shane.. Teka lang, bakit pala nawala ka sa hospital kahapon? At saka.. Gabing gabi ka na daw umuwi, hindi na kita naantay dahil gabi na nun antok na ako dahil pagod ako."

"Ahhh, may pinuntahan lang akong importante."

"Hinahanap ka nga ni ate Diane dahil mag-uusap daw kayo e. Pero sabi niya kahapon bukas na lang daw.. Magkakasalubong naman kayo mamaya edi makakausap mo siya." Sabi niya. Sana nga makausap ko siya mamaya dahil gusto ko ng isauli ang libro sa kanya.

"Ahh ganun ba, sige ako na bahala! Hinahanap ba ako ni Master Dan?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi naman, wala naman kaming masyadong ginawa kahapon e."

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon