Lady in the Hell Condo: Ang Pagtatapos
"MIKE!!!!" Sigaw ko at nanginginig na ako.
Umisod ako para kunin 'yong libro at holy water.. Sinubukan niya itong iusog kaso bigla niyang napaangat ang paa nya at mukhang napaso siya.
"Hindi mo 'yan makukuha dahil andito ako! Nanghihina ka na ata Shane ah? Mukhang hindi mo na kaya! Tuluyan na kaya kita?" Ngumisi pa siya sa sinabi nya kaya ako din ay ngumisi sa sinabi nya. Nagbago ang reaksyon ng kanyang mukha. Haha! Akala nya siya lang ah? Ako den!
"Sige tuluyan mo ko! Tignan ko lang kung hindi ka gulpihin ni Mike.. At saka napaso ka nga dyan sa libro at sa holy water e." Pang-aasar ko sa kanya at mukhang pikon na siya.
"Haha! Wala akong pake kay Mike isang taldyak ko lang doon talsik na 'yon e!" Puro talaga mga salita 'to! "Gawin ko kaya 'yon!" Nagulat ako sa kanyang sinabi, oo nga pala nababasa nya 'yung iniisip ko. Sa tuwing tinitignan ko siya natatakot ako sa kanya demonyo kasi e.
"Tuluyan na kaya kita!" Sigaw sa akin ni Alfred habang seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Sige subukan mo!" Biglang sigaw ni Mike kaya napatingin ako sa kanya at si Alfred ay napalingon, "ngingiti-ngiti ka pa dyan!" Seryosong sabi ni Mike.
"Nakakatawa ka kasi!" Nasisiyahan pang pagkakasabi ni Alfred kay Mike.
"Alfred pwede ba maawa ka na oh! Tignan mo nga 'yung mga taong napatay mo dyan sa paligid mo! Hindi ka ba naaawa sa kanila ha?!" Sabi ko at sinubukan kong umisod para kunin 'yung libro ko pero napakasakit.
"Hindi." Diretso nyang sabi sabay harap sa akin, "tignan mo nga oh.. Hirap na hirap ka na dyan? Isusunod na nga kita kay Mike saka sa mga tao dyan.. Saka ko isusunod ang mga pamilya't kaibigan mo." Nang-iinis na pagkakasabi niya habang nakatingin sa aking nakakaasar, "saka di mo na kaya Shane dahil nasa baba ka na... At ako nasa taas!" Sabi pa nya sa akin sabay ngiti ulit ng nakakaasar. "Saka kahit magtandem pa kayong dalawa dyan hinding-hindi niyo ako matatalo!" Sabi niya sabay tingin sa akin at tingin kay Mike saka tingin ulit sa akin saka ngumiti pa ulit sya.
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...