A/N - Sa one month po ng story ay maraming mangyayari, hanggang ending na po 'yung buwan ng June dito sa story. Thanks for reading.
___________________
#LITHCOnTomorrow
ΠShaneΠ
"Sa totoo lang guys, may isa pa kayong hindi pinag-uusapan." Nagtaka agad kaming tatlo sa sinabi niya.
"Bakit naman?" Tanong namin ni Kimberly.
"Kasi.. Si Abby, Paano ka Abby? Baka magtaka na 'yung mama mo Kimberly na bakit iba ang kinikilos ni Lara, hindi alam ni Abby kung paano kumilos si Lara." Sabi ni Joey sa dalawa.
"Alam mo Joey, huwag kang mag-alala sa condo ko papatuluyin si Abby. Bukas na bukas kakausapin namin si mama, kapag pagkatapos na namin kausapin si Marco, kakausapin namin si mama." Sabi ni Kimberly sa amin.
"Ahhh sige." Tanging sagot na lang ni Mike.
"Guys?" Tawag ni Abby sa amin.
"Bakit?" Tanong namin sa kanya.
"Ganito na lang, sasabihin ko na din sa mama mo Kimberly na sa iyo na lang ako titira, alam ko namang papayag 'yon dahil medyo nakilala ko na din 'yong mama mo. Sorry talaga Kimberly na sumapi ako sa'yo, ayan tuloy nagkagulo na buhay mo." Sabi niya kay Kimberly.
"Ano ka ba Abby ok lang 'yon, ganun na lang gawin natin.. Masusulusyonan natin 'yan, since gusto ko naman tumira sa condo at gusto mo din tumira sa condo edi magsama na lang tayong dalawa." Sabi ni Kimberly kay Abby, nakakatuwa naman sila. Para silang magkapatid.
"Ma'am, Sir.. Pwede huwag niyo ng pag-usapan 'yang sapi-sapi na 'yan. Kinikilabutan ako sa inyo e. Parang hindi naman totoo 'yang sapi-sapi na 'yan e." Sabat ng taxi driver sa amin.
"Naku! Kuya huwag ka ng mangialam sa amin, alam mo mag-drive ka na lang dyan.. Sapian ka namin dyan ni Abby e." Saway ni Kimberly kay manong driver.
"Grabe ka naman Kimberly, nakakakilabot naman talaga 'yun e." Sabi ko sa kanya.
"Sorry naman! Kuya sorry ah.. Kasi hindi mo po alam pinag-uusapan namin e." Sabi ni Kimberly kay manong driver.
"Ok lang 'yun, ako naman may mali e. Kaya sorry."
"Ay kuya! Andito na po kami, dito niyo na lang kami ibaba." Sabi ni Mike sa driver.
Bago kami bumaba itinawag kami ng driver.
"Mag-ingat kayo dyan sa condo na 'yan, balita ko marami na daw napatay dyan. Kaso hindi nga lang alam ng may-ari. Sige alis na ako.
Salamat sa pagsakay."Inandar na niya ang taxi niya at kami tameme dito dahil sa sinabi ng manong driver.
"Ganon din 'yung sinasabi ni ate Diane e. May kutob daw siya sa condo na 'yan.. Pero hindi naman ako naniniwala dahil wala naman akong nakikita." Sabi ko sa kanila.
"Alam niyo parang naniniwala ako sa sinasabi niya, dahil noon diba. May nakita tayong namatay na babae, duguan siya at mayroong walang awang pumatay noon sa kanya. Nakalimutan niyo na ba 'yon?"
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...