#LITHCImposible
ΠShaneΠ
"Ohoy! Congrats ah, kayo nanalo! I'm so happy talaga." Tuwang-tuwa na pang-huling pagbati ni Kimberly sa kanila. Tapos na kasi kami ni Abigail bumati sa kanila ng Congratulations.
"Thank you ah. Di nga kami makapaniwala na nanalo kami e. Hooo! Grabe dikit lang 'yung score namin 68-67 grabe. Kinabahan kami don at buti na lang nakashoot si Gary at 2 points pa ang nadagdag." Hindi makapaniwalang sabi naman ni Marco.
"Kala ko Php30,000 lang ayun pala tag-iisang Php30,000 pala tayo. Ang laki pala ng premyo dito sa tagaytay. Hahaha!" Sabi ni cute Mike habang ibinubuka pa 'yung mga pera.
"Hay! Congrats sa atin." Sabi ni Zach.
"Dito muna kayo mag-stay, tutal naman pagod na pagod kayo." Aya ni Joey kila Zach kaso umiling sila sabay-sabay.
"Hindi na pre, salamat na lang. Sige na aalis na kami. Babye!" Paalam ni Zach sa amin.
"Sige. Babye! Ingat kayo ah. Gabi pa naman." Pag-papaalam kong sabi sa kanila.
"Naku! Ms. Shane oks lang sa'min 'yun. Sige alis na kami." Ngumiti sila sa amin at lumabas na.
"Sayang naman umalis na sila. Wala man lang silang kain." Sambit ni Abby na nag-aalala pa.
"Hayaan mo na sila basta makauwi sila ng ligtas." Sabi ni Marco kay Abby.
Ilang minuto din nagkatahimikan kaso nasira 'yun nang sumulpot si Joey muntik ko ng malunok 'yung ningunguya kong manok.
"Oh guys! Kumain lang kayo ng kumain ah. Madami pang pagkain, kung gusto niyo pa ng iba may cake at ice cream naman doon sa ref at kumuha na lang kayo." pagpapaalala ni Joey sa amin.
"Grabe! Ang sarap talaga kumain kapag maganda ang araw mo! Wait Joey di ka pa ba sasabay sa amin?" Tanong ni Marco habang magana kumain ito namang si Abby pinagpupunasan pa ng pawis si Marco, overprotective girlfriend.
Napatingin ako sa isda at sa takam ko kinuha ko ito kaso medyo tumigil ang mundo ko nang nagkasabay kami sa pagkuha ni Mike non.
"Sige sa'yo na 'yan. Ito na lang sa akin." Ngumiti siya sa akin at kumuha siya ng isda na nasa ibang pwesto. Inilagay ko naman ang isda sa pinggan ko. Grabe! Ang pogi nya talaga.
"Ayieee, Shane kinikilig ka na kay Mike ah." Bulong na asar sa akin ni Kimberly.
"Ano ka ba naman Shane, always naman. Hihihi!" Itinuloy ko na lang ang pagkain ko.
**
Nang natapos na kaming kumain ay dumiretso ako sa kwarto upang may kunin sa bag ko. Tatawagan ko lang naman si Mama.
Pagkakuha ko ng cellphone ko nang iopen ko ang daming missed calls at ang tumatawag pala ay si ate Diane. Hala? Bakit siya natawag sa akin? Ni hindi ko man lang narinig 'yung tawag niya kanina habang nanunuod kami. Eh sabagay naman nakasilent and then busy kami sa kachicheer kila Marco kanina.
Idinial ko ang number ni ate Diane at agad naman itong sumagot sa akin.
"Oh ate Diane, bakit ka napatawag grabe 26 missed calls ang natanggap ko sa'yo." Gulat na gulat kong sabi sa kanya.
"Dapat idinala mo 'yung libro. Paano kung lumiwanag 'yon edi magtataka 'yung mama mo. Hays naku!"
"Ano ka ba ate Diane nasa secret kabinet ko 'yung libro. Walang sinuman ang makakabukas nun kasi may password 'yong padlock ko. Saka hindi liliwanag 'yun dahil di ko pa naman nababasa 'yun. At kung lumiwanag man hindi makikita ni mama 'yun kasi wala namang butas 'yung kabinet ko."
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...