Chapter V

1.1K 27 4
                                    

#LITHCDoctor

ΠAfter 1 weekΠ

"Talaga? Thank you po Sir!" Masaya naming sabi dahil natanggap kami ni Marco sa trabaho.

"Walang anuman! Master Dan na lang ang itawag niyo sa akin, since ako naman head doctor. Ok Magsisimula kayo bukas." Sabi ng head doctor sa amin na si Master Dan.

"Sige po." Sabi namin ulit ni Marco.

Lumabas na kami rito sa kwarto na ito at bigla kaming tumawa ni Marco.

"Mabuti na lang natanggap tayo! May trabaho na tayo!" Sabi ni Marco na parang bata.

"Oo nga e!"

Habang naglalakad kami biglang may nakasanggi sa akin, hindi ko naman napansin 'yon dahil nakatingin ako kay Marco at saka natapon niya ang kape niya sa akin.

"Pwede ba miss! Magdahan-dahan ka!" Sabi niya sa akin. Pagkatingala ko si.. "Ay sorry, Ikaw pala 'yan Shane hindi ko sinasadya." Nahihiya niyang sabi akin.

"Ikaw ang dapat mag-ingat Mike! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" Sigaw ni Marco sa kanya. Siniko ko siya. "Aray ko!"

"Manahimik ka nga Marco, huwag mong sisigawan ang Mike ko!" Sigaw ko sa kanya, "ok ka lang ba Mike ko? Natapunan ka ba ng kape?"

"Hindi naman, pasensya na ha! Natapon ko sa'yo 'yung kape ko. Mabuti na lang hindi masyado mainit," mabuti hindi na siya snobber, "wait? Dito ka ba magtatrabaho? Kayo ni Marco?"

"Aaaaaa! Y-Yes. W-Why?"

"Dito din kasi ako."

"Talaga? Magkakasama tayo sa trabaho? O my gash!" Niyakap ko siya at niyakap niya din ako, ramdam na ramdam mo 'yong kanyang well built na katawan.

"Halika na nga Shane! Huwag kang yumakap sa kumag na 'yan dapat nga magalit ka sa kanya dahil tinapunan ka niya ng kape niya at namantsahan pa 'yang favorite walker shirt mo!"

"Ano ka ba naman Marco! Okay lang basta si Mike hindi ako magagalit." Nakayakap pa din ako sa kanya.

"Huwaw! Tapos sa akin nagagalit ka kasi namali lang ako ng tiklop sa palda mo kapag nagusot nagagalit ka! Tara na nga umalis na tayo dito." Hinila niya ako palabas. Tsk! Kahit kailan ang sarap netong bugbugin ni Marco. At pansin ko wala si Abby? Saan kaya nagpunta 'yong multo na 'yon?

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Sabi ko sa kanya habang patingin-tingin ako sa kaliwa at kanan baka sakaling makita ko si Abby. Gusto ko lang sabihin na tanggap na kami ni Marco sa trabaho ko.

"Paano kung ayaw ko?"

"Tsk!" Kinagat ko ang kanyang braso at agad naman niya ako binitiwan.

"Ang sakit ha!"

"Dapat lang 'yan sa'yo! Timawag mong kumag ang mahal ko, destiny ko at ang forever ko! Tsk! Bahala ka na nga dyan!"

"Wew! Baka gusto ka niya?" Hindi ko na lang siya pinansin kaya tumalikod na ako at lumayo na sa kanya.

Nagulat na lamang ako ng may makasalubong akong nakahiga na pasyente habang buhat-buhat ng mga nurse. Kakambal ni Prof. Gejada. Alam naming lahat na may malalang sakit ang kapatid niya, kita ko sa mukha ni Prof na nag-aalala siya na may halong pangamba. Hindi nga lang niya ako napansin.

"Kambal ni Prof. Khen 'yon 'di ba?"

"Oo, naaawa nga ako sa Kambal niya e. Kasi lagi na lang na-o-ospital."

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon