#LITHCExplanation
Umaga nanaman! Good Morning Philippines!! Good Morning Lord!! Good Morning Lord! Thanks po Lord kasi binigyan niyo pa ko ng bagong umaga and sana naman malagpasan ko ang mga pagsubok.
Tatayo na sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko, dali dali ko itong kinuha dahil para importante ang sasabihin neto.
"Hello? Sir. Renz? May balita na po ba kayo sa kung sino ang may pakana?" Tanong ko dito, feel ko kasi may sasabihin siya. Ewan ko kung bat ko nafeel iyon.
"Oo meron na Ms. Shane, andito po siya sa police station, punta na lang po kayo dito para masabi sa inyo ang dahilan."
"Sige po Sir. Renz, salamat po."
Agad kong binaba ang phone at lumabas na ako ng kwarto para sabihin kila Marco ang good news, sa wakas matatapos na din ang problema namin, maipapakulong na din yung may sala.
"Ma, Tita Yolly, Marco!" Tawag ko sa kanilang tatlo na nakaupo sa sala pero si Marco nasa mesa siya.
"Bakit Shane? Parang may--" naputol ang salita ni Marco dahil sumabat si mama.
"Ano ba yun Shane?" Tanong ni mama.
"Oo nga?" Sambit ni tita habang diretso ang tingin niya sa akin.
"Nahanap na daw ng mga pulis ang isang lalaking sangkot din sa ginawa nila sa atin." Sabi ko biglaan na lang silang nagsilapitan sa akin.
"Sino daw nak?" Tanong ni mama.
"Hindi ko pa po alam, basta pumunta na lang daw tayo sa police station."
"Sige." Sagot ni tita.
"Ano pa hinihintay natin? Tara na po ma, tita at Shane."
Nagsiayusan na kami ng aming sarili pagkatapos non ay lumabas na kami. Sobra kaming nagmamadali dahil gustong gusto ko na malaman kung sino ang mastermind sa paglagay ng bomba sa bahay namin.
Pagdating namin dito ang daming mga tao na nagsisigaw sa lalaki, yung iba pang nadamay na kadikit bahay namin. Bigla na lang lumapit sila mama at tita. Kami naman ni Marco naiwan na lang.
"Bakit mo ginawa yun?"
"Hayop ka! Demonyo ka!"
"Ano bang kasalanan namin sayo bakit nagawa mo sa amin yun ah!"
"Ano bang kasalanan nila Louisa at ni Yolly sa'yo ha?!"
"Sorry po, pero napag-utusan lang po ako." Sagot nito.
"Sino?! Sinoooo?!" Sigaw ng isang ale.
"Please hayaan muna natin siyang magpaliwanag!" Pigil ko sa kanilang lahat.
Nagsitigil naman silang lahat, nilapitan ko ang lalaki na 'to.
"Kuya, bakit niyo nagawa 'yun?" Tanong kong mahinahon sa kanya.
"Sorry po talaga, napag-utusan lang po ako. Ginawa ko lang po 'yun kasi nasa ospital ang nanay ko at hindi pa kami makapagbayad ng bill doon sa ospital. Sorry po talaga." Sabi ng lalaki na may hikbi at nakayuko lang ito.
"Ano pong pangalan niyo kuya?" Mahinahon kong tanong.
"Emmanuel po. Sorry po talaga. Di ko talaga sinasadya."
"Mabalik tayo kanina, sino ba nag-utos sa'yo kuya Emmanuel?"
"Sorry po talaga, kapag sinabi ko kung sino papatayin niya po ako e, di ko po kayang sabihin."
Tumingkayad ako at nginitian siya, "kuya Emmanuel, wag kayong matakot. Dahil kami po ang bahala sa kanya."
Kita kong nanginginig ang kanyang kamay at paa, parang ba siyang binuhusan ng malamig na tubig.
"Ehh, Shane."
"Please sabihin niyo na!" Lumingon ako sa kanila at nakatingin lamang sila sa akin at nakangiti kaya nginitian ko din silang lahat.
"Si.. Kimberly." Diretsong sabi niya at ikinagulat ko naman dahil nakuha ko ang kanyang sinabi. S-si Abigail?
"Ano?! Si Kimberly?! Ano bang problema niya sa'min at bakit niya ginagawa 'yon?!" Sigaw na tanong ni Marco na lalong napayuko si kuya Emmanuel.
Pupuntahan niya sana si kuya Emmanuel upang suntukin ito pero hinarangan ko siya. Pinapatabi niya ako pero di ako sumusunod sa kanya at hinaharangan ko pa din hanggang ngayon si kuya.
"Ano ba Marco! Plesse pigilan mo yung galit mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Bakit ako titigil ha?! At talagang siya pa kinakampihan mo Shane ha?! Kaya dapat lamg ma turuan siya ng leksyon dahil pinasabog niya ang bahay natin! Ano Emmanuel! Anong dahilan kung bat mo ginawa 'yon?!" Tumingin ako kay kuya Emmanuel, nagulat na lamang ako ng tumayo siya.
"Ang dahilan non ay ang doon kayo makatira sa condo na 'yon para wala na kayong kawala at wala na kayong takas dahil nakakulong na kayo don, iisa isahin nila kayong lahat hanggang sa maubos ang mga taong nakatira doon at tumira doon!" Napatigil kaming lahat ay napatingin sa kanya ng diretso.
"Ano pong ibig niyong sabihin?!" Inosenteng tanong ko. Di ko talaga maintindihan yung sinasabi niya.
"Hoy! Pwede ba wag mo kaming takutin? Ano ka story teller para sabihij mo yan?! Kapal din ng mukha mo eh noh?" Sigaw ni tita Yolly sa kanya.
"Oo nga!" Sagot nila.
"Please! Tumigil na kayo!" Sigaw kong pigil sa kanila, "wala siyang kasalanan at napagutusan lang siya!" Napatingin nanaman silang lahat sa akin, "ikaw Marco hindi si Kimberlu ang nasa katawan ni Kimberly!! Kundi ayun si Abby!!"
Di ko na napigilan pa at nailabas ko na amg katotohanan, di ko alam bat ko simabi yun? Di ko lang alam kung maniniwala sila sa'kin.
"Totoo po yun siya ang nag-utos da akin si Abby at nagpalilala lang siyang Kimberly, alam ko po ang lahat! Si Abby ay may kasamang demonyo. Ang demonyong 'yon ang papatay sa inyo!" Sabat ni kuy Emman.
"Ano bang pinagsasabi niyo?!" Sigaw na tanong ni Marco.
"Ano naman maitutulong ko sa'yo?" Tanong kong mahinahon.
"'Yun lang! Bigyan mo ako ng hustisya sa pagkamatay ko. Alam kong malakas ka, kailangan mong talunin ang isang demonyo. Ako si Angela. Sana maging matagumpay ka sa hiling ko. Kailangan ko ng magpaalam sa'yo. Goodbye alam kong kayang kaya mo ang lahat ng iyan. Sana matupad mo ang aking sinasabi."
Napaisip ako, parehas ang sinasabi nila kuya Emman at ni Angela, sino ba kasi yung demonyo na yon?
"Maiintindihan mo din kapag nalaman mo n---" naputol ang sinasabi ni kuya Emmanuel dahil bigla na lang napugot ang ulo niya.
Napaatras kami at napasigaw, nagsilabasan ang mga pulis dito at ang lahat. Kami lang ni tita Yolly, Marco si mama at ako ang naiwan. Halos bumaha ng dugo ang buong police station.
"Oh my god!" Nanginginig na maiyak iyak kong bulong sa sarili ko.
Pero may napansin ako. Asan 'yong ulo niya! Gosh ang creepy na! Di ko na kaya 'to! Π:OΠ
BINABASA MO ANG
Lady in the Hell Condo
HorrorShane Yoon Isang babae na titira sa condo na di namamalayan na isang hell condo. Siya'y nakatakda upang maging makapangyarihan at sunod na mangangalaga ng makapangyarihang bagay na ito at posible na makatalo sa isang napakalakas at makapangyarihang...