Chapter XIV

656 17 8
                                    

#LITHCClaimingKimberly

Nakalipas na ang dalawang linggo na hindi ko na nakikita si Abby. Hindi ko alam kung nasaan na 'yun. Galit na ba talaga siya sa akin?

"Pero dapat hindi mo ginawa 'yon Abby! Mali 'yon! Siguro kailangan mo ng sumama sa liwanag baka maging malala ang kasalanan mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Ganon? Ganon-ganon na lang 'yon Shane? Edi bumalik ka na sa katawan mo! Sa'yong-sa'yo na 'yon! 'Yon naman ang gusto mo 'di ba?! Hindi inakala na isa kang madamot! Madamot!!" Tinulak niya ako ng napakalakas. Napatalsik ako hanggang sa pader ng bahay na 'to at saka na siya naglaho.

"Humanda ka Shane." Dahil alam ko kung kaninong boses 'yon, napalingon ako sa likod ko pero wala.

"Humanda ka!" Napalingon nanaman ako sa gilid ko pero wala siya.

"Abby magpakita ka naman oh! Pag-usapan natin 'to!"

"Ano ka chicks? Hinding hindi ako makikipag-usap sa'yo pagkatapos ng sinabi mo sa'kin." Sa wakas nakita ko siya ngunit hindi maganda ang pagkakasabi niya.

Kinuha niya ang vase at saka.. "Abby huwag!" Pigil ko pero inilaglag niya ang vase sa lapag at ito'y nabasag.
"'Yan ang napapala ng mga madadamot!!" Nakita kong kumuha siya ng bubog ng vase at itinutok ito sa leeg ko, "bwisit ka! Kaya papatayin kita!"

Itinaas na niya ang bubog ng vase. Napapikit na ako dahil sasaksakin na niya ako. Mabuti na lang na hindi nangyari 'yun dahil pagkadilat ko nasa harapan ko na si Marco.

"Shane? Bat mo ginagawa 'yan? Bakit ka nagpapakamatay?" Tanong niya saka niya ko niyakap.

"Pasalamat ka dumating si Marco kung hindi! durog ka na at hindi lang 'yun! Pati laman loob at buto mo! Madudurog!" Umalis na siya sa harapan ko. Bigla na lang akong naiyak sa kanyang sinabi. Hindi ko lubos akalain na magiging ganon siya. Hindi ako makapaniwala.

"Oh bakit ka umiiyak?" Anong palusot ang maganda?.. Ayun!

"Kasi.. Kaibigan Kita! Nandyan ka upang pigilan ako sa gagawin ko."

"Bakit ka ba kasi magpapakamatay? Anong nangyayari sa'yo?"

"Wala 'to." Umalis na ako sa pagkakayakap namin at tumayo ako, "salamat ulit! Kailangan mo ng lumabas dito dahil kailangan na nating pumasok sa trbaho natin."

...

Habang naglalakad kami dito sa ospital bigla na lang may humarang sa amin.

"Hi two of you!"

"Kimberly?" Sabay naming tanong.

"Yes? Bat naman kayo gulat na gulat sa akin?"

"Dito ka na magtatrabaho?" Gulat kong tanong.

"Ano ba kayo! Hindi ano! May binisita lang ako ako, hinahanap ko nga e pero nandito na sa harapan ko." Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Nagulat na lang ako na umikot siya mula kay Marco at saka siya nag-flip hair tas lipbite.

"Goodbye Marco!" Umalis na siya sa harapan namin. malandi siyang maglakad sa harapan namin.

"Ang weird ni Kimberly?" Sabi ko.

"Sus! Ang landi pa nga din!"

"Maganda naman siya ah bakit di mo ligawan?"

"No way! Ayaw ko sa mga malalandi!" Nakataas pa siya ng kilay habang sinasabi niya 'yun saka umalis. Nanguna siya sa akin.

Napatigil nga lang siya nang nasanggi niya si Mike, mukhang gulat na gulat din si Marco.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon