Chapter LXIV

299 7 1
                                    

A/N - Haha! Kayo'y malito na sa storya sigurado nagtaka nanaman kayo dahil may rebelasyon ulit. Pero salamat po dahil nakaabot kayo dito! Abangan po ang iilan pang natitirang kabanata dito sa LITHC. Dahil sa natitira pang ilang kabanata ay tadtad ng mga pasabog. Salamat.

P.S. - Sa nalalapit na pagtatapos ay maraming pangyayari na hindi niyo po makakalimutan.

______________


#LITHCThePastAndFuture


ΠShaneΠ

"Opo, si Emmanuel po pala is anak ninyo?" Nagtatakang tanong ko sa kanya, hindi pa din talaga ako makapaniwala.

"Oo.. Paano mo siya nakilala?" Kunot-noong tanong niya, bigla na lamang kaming napatingin kay Abigail dahil tumaas siya ng kamay.

"Dahil po sa akin, naging tauhan ko po siya noon para pasabugin ang mga bahay nila Shane at Marco." Sabi ni Abigail kay tita Venus.

"Saan mo nakilala ang anak kong si Emman?" Nakatitig nyang tanong kay Abigail.

Related pala sila ni Prof. Khen at ni Devil Alfred?

"Sa isang park po. Sabi niya kasi nangangailangan siya, gusto nyang mabili ang kanyang gustong-gusto. Kaya hinired ko siya as a tauhan at pinagawa ko nga po 'yon." Explain sa kanya ni Abigail at lumuha agad siya.

"Ibig sabihin ikaw ang dahilan kung bakit namatay ang anak ko? Dahil sa 'yo namatay ang anak ko!" Sigaw niya kay Abigail at nagtinginan naman ang mga tao dito.

Shocks! Kaguluhan ang mangyayari rito.

"Nagsisisi po ako pero hindi po ako ang pumatay." Naluluha na ding sabi ni Abigail.

Nagsisisi din siya sa kanyang ginawa kaya namatay si Emmanuel at ang panget ng kanyang kamatayan.

"Sino?! Ikaw lang naman 'di ba?"

"Huwag mong sisihin si Abigail dahil hindi niya ginusto ang nangyari, si Alfred ang pumatay kay Emmanuel.. Wala siyang kasalanan kaya nya lang nagawa ang utusan ang anak mo na pasabugin ang bahay namin dahil sa galit nya kay Shane ngunit nagsisisi nanaman siya sa kanyang nagawa." Sabi sa kanya ni mama at medyo napakalma niya si tita Venus.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon