Chapter LVIII

340 5 1
                                    

#LITHCBabala


ΠShaneΠ

"Hey!" Napatingin kaming lahat kay Tes na sobrang sama ang tingin sa amin.

"Tes! Anong nangyayari sa 'yo?!" Natatakot na tanong ni Joey kay Tes.

Nakadiretso ang tingin nya sa amin, bakit ganito siya?

"Sinapian siya, kaso.. Hindi natin siya makita." Sabi ni ate Diane.

"Abigail, Stella.. Sino 'yong sumapi kay Tes, bakit hindi namin makita?" Tanong ni Joey na talagang naiirita na.

Sa kanila nya tinanong dahil sila lang ang may kayang makakita sa hindi namin makitang espiritu.

Si Abigail naman ay may kakayahang makakita nang hindi nakikita nang mabababa ang third eye dahil mas mataas ang antas nang third eye nya.

Si Stella naman ay isang multo kaya nakikita nya kahit anong multo.

"Ako nakikita ko," napatingin kami kay Tricia lahat, "siya si Devil Alfred."

Muli nanaman kaming nagulat sa aming nalaman, grabe naman talaga pati bata na inosente dinadamay.

"Wow! Ang galing ah.. Nakikita mo pala ako? Mas malakas pa pala ang third eye mo sa kanila." Sinamaan ni Devil Alfred nang tingin si Tricia.

"Pwede ba tumigil ka na Alfred, nasasaktan na 'yong bata oh!" Nagagalit nang sabi ni Joey kay Alfred.

"Ayoko nga! Gusto ko dito sa bata na ito para hindi niyo ko magawa talunin! BWAHAHA!"

"Tama na Alfred, please lang!" Pagmamakaawa ni Abigail kaso tinawanan lang siya nito, "huwag mo nang ituloy 'yang kasamaan mo!"

"Abigail! Abigail! Abigail!" Pumapalakpak siya habang sinasabi 'yan at tumingin siya nang diretso kay Abby, "andito ka na pala sa kanila! Akala ko ba mag-jojoin force tayo para ikaw makaganti kila Shane at ako makaganti kay Khen!" Matapang na pagkakasabi nya sa kanya.

"Dati lang 'yon at narealize ko na mas masaya sa kabutihan hindi sa kasamaan!"

"BOBO! Ang bobo mo Abigail! Hindi mo ba alam na ipapahamak ka lang nang mga 'yan! Papaalisin ka nila dito sa mundong ito." Bwisit talaga 'tong demonyo na ito! Pinapaniwala nananman si Abigail na mas masama kami sa kanya.

"Abigail! Huwag kang magpaapekto sa kanya!" Sabi ni Kimberly sa kanya, "masama siya kaya huwag kang maniwala sa mga sinasabi nya! Pinaglalaruan ka lang nya!"

"Tama si Kimberly, kaya pwede ba tigilan mo na kami! Manahimik ka na lang! At tigilan mo na si Tes! Huwag mo siyang idamay." Sigaw sa kanya ni Abigail.

Lady in the Hell CondoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon